12

571 31 1
                                    

Justin's

Finally,uuwi na din si Shannie.Mula kasi nung umalis siya,parang gustong-gusto ko na siya lagi makita.Marinig ang boses niya.Makita ang mga ngiti niya na ako ang nagiging dahilan and I realized that I like her.Ngayon na lang ulit ako nagkagusto after what happened last time....

"Bb,anong gusto mong kainin?"tanong ko sa jowa kong maattitude.

"Hmm,nothing.Ikaw na lang kumain."lagi tong gutom eh bat ngayon lang to umayaw ha.

"S-sige.Ate,isa po nung wintermelon,pasama na din po ng nachos,small lang po."agad naman tumango ang kahera.Humanap ako ng magandang pwesto para kumain tsaka umupo kami doon.

"Bb,parang wala ka sa mood?tell me what happen."tinignan niya lang ako.Hinawakan ko ang mukha niya at sinenyasan ko siyang umupo sa tabi ko.Tumayo naman agad siya at tumabi sa akin.

"Bb,pinakilala na kita kay mama."sabi niya habang nakatungo at teka naiiyak ba siya?

"Oh anong nangyare after non"biglang dumating ang order ko.Kumuha ako ng nachos tsaka kinain

"Hey Bb?"ulit ko.

"Hindi ka niya gusto,Bb."Hunawakan niya ang kamay ko

"H-ha?Don't worry,magugustuhan niya rin ako.Gagawan natin ng paraan-" naputol ang pagsasalita ko ng sumabat siya

"No need dahil tinatapos ko na ang relasyon natin"nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa kamay ko at pinipigilan ang kanyang mga luhang konti na lang ay babagsak na.Ako?eto nakatulala lang sa kanya.Bakit tatapusin?

"B-Bakit naman?papatunayan kong totoo ako sayo-"

"Nanay ko siya,Justin.Nanay ko siya.Alam mo naman kung ilang taon bago ko siya muli nakasama di ba?Nangako ako na susundin ko ang lahat ng g-gusto niya.I-isa don ang hiwalayan ka"hindi na niya napigilan ang umiyak.Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tinakpan ang buong mukha niya.Ngayon na lang ulit ako tinawag sa pangalan ko.Kapag binabanggit niya iyon seryoso siya sa sinasabi niya.Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.

"I-it's o-okay.So...hanggang d-dito na lang tayo?"sabi ko sa kanya.Tinanggal niya ang kamay niya sa mukha niya.Konti na lang babagsak na din ang mga luha ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita at umiiyak pa rin siya."Okay lang yon Bb.Kung anong makakapagpasaya sa mama mo.Gagawin ko,magkikita pa naman tayo diba?Hindi pa huli ang lahat."tinapik ko siya sa balikat.Tumayo na siya sa kinauupuan niya

"Justin...Una pa lang mali na talaga to.Bata pa rin naman tayo.Magkikita pa tayo,Bb.Babalik ako."akmang aalis na siya nang higitin ko ang braso niya paupo at hinalikan ang mga pisngi niya.Hinayaan niya naman akong gawin iyon

"Promise me na babalik ka Bub.I love you.

"Promise,Justin.I'll be back."at tuluyan na siyang umalis.

Ilang linggo na ang dumaan mula noong naghiwalay kami ng makita ko siya na may kasamang babae.Sobrang nasaktan ako.Magkahawak pa sila ng kamay.Akala ko babalik ka?Umasa ako dahil sinabi mong babalikan mo ko.Pero ba't iba na ata ang inuwian mo?naligaw ka ba?o nagsinungaling ka sa akin na ayaw ng nanay mo sa akin?You promised to me Ken...nangako ka.

Mula noon kinalimutan ko na siya.Kinalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.Buti na lang ay naging madali lang iyon.Salamat pero hanggang ngayon,hindi ko malilimutan ang pagtataksil mo sa akin.

DRUNK|fjsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora