13

570 27 0
                                    

Paulo's

"Inang,uminom na po kayo ng gamot mo"binigay ko sa kanya ang mga meds na kailangan niyang inumin para gumalin na siya pero kahit anong tingin mo sa kanya parang lalo lang itong nanghihina.Humina rin ang memorya niya.

"Asan ang anak ko si Shannie?Asan siya?Sino kayo?"galit niyang tanong sa akin.Paulit-ulit ang nangyayari araw-araw.Magagalit siya,papakalmahin,babarumbado yung tatay ko tapos ako buryong-buryo na dito sa bahay namin.

Kahit ganoon ang nangyayari iniisp ko pa rin ang kapatid ko.Mas maayos nga lang buhay niya kaysa sa amin dito.Pinagpatuloy ko rin ang self-studying habang inaalagaan ang mga magulang ko.

Kasalukuyan akong nag-aaral dahil tulog ang Inang nang may kumatok sa pinto namin.

"Tao po-I-ikaw ba si Jhon Paulo?"pinagbuksan ko siya ng pinto at tumambad sa akin ang isang babae.Edad 40-55 ang tingin ko sa kanya.May kasama din siyang isang dalagitang babae,mga ka-edad din siguro ni Shannie.Napahawak pa siya sa bibig niya ng makita ako.

"Hmm,opo.Sino po kayo?"lalo pa siyang nagulat sa sinagot ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tumango ako at pinapasok siya sa bahay namin.Nakita niya si Inang na nakaratay sa papag namin.Hindi niya napigilan ang luha niya.Ang dalagitang kasama niya ay na-upo na lang sa bakuran ng labas namin.Ngumiti siya sa akin at ganun din ako sa kanya.

"Anne...pasensya na ngayon lang ako.Pasensya na ha."kinakausap na niya ang nanay ko.Si Inang ay nakatingin lang sa kanya at para bang nagtataka sa nakikita niya ngayon.

"Sino ka?"tanong ni Ina sa kanya na ipinagtaka ni Ate.

"Ahm ulyanin na po siya ate mabuti na lang po ay 'wag niyo po munang kausapin.Salamat po sa pagdalaw sa kanya."

"Mag-usap tayo,iho."iniwan namin si Inang at umupo sa hapag-kainan namin.Binigyan ko siya ng tubig at biskwit kung sakaling magutom siya.

"Ako si Grace,dating amo ni Anne.Sa tingin ko ay kilala mo ko sa pangalan at hindi sa personal"

"Ah oo nga ho nadidinig ko na ang pangalan niyo noong bata pa ko nung nagbabangayan pa sila dahil sa sahod."natawa na lang kami sa sinabi ko pero bahagya lang.

"Napakabait sa amin niyan pero pasensya na kung hindi sapat ang sweldo na binibigay ko."tumango ako sa sinabi niya.Natahimik lang kami ng saglit bago uli siya magsalita.

"May kapatid ka?"tanong niya tumango ulit ako.

"Opo,babae kaso hindi ko siya kasama.Nag-aaral siya sa Maynila."

"Ganoon ba.May sasabihin kasi ako sayo..."Nakatingin siya deretso sa mata ko.

"Ah hindi pa po ba yung kanina yung napag-usapan po natin hehe."sabi ko sa kanya.Wut?Hindi pa pala yun yon?

"Y-you're not Anne's first child.Actually,I-I'm your mother."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan si Inang na nakaratay at ngumiti sa akin.Wait-naguguluhan ako.

"Po?Imposible.Dito ako lumaki.Baby pictures,birth certificate meron ho ako siya yung nakapangalan.Paano kita magiging nanay?"sunod-sunod kong tanong.Nag-iinit na ang pisngi ko sa nararamdaman ko ngayon.

"Pinaampon kita sa kanya pagka-panganak ko sayo.Ang tunay mong tatay ay namatay sa ibang bansa.Hindi din alam ng mga magulang ko na nabuntis ako dito dahil malayo sila sa akin.Tinago ko yon dito at napagpasyahant ipaampon ang una kong anak."

"Bakit?bakit mo ginawa sakin yon?Ba't mo ko pinagkait?"naiiyak na ko.Hindi ko alam kung bakit ako naniniwala dito kay Ate-Mama Grace.

"P-pasensya na.Kahirapan lang at nung ka-buwanan ko sayo ay ang pagbalik ko sa Maynila.Doon na ko nag-asawa muli at nagka-anak"sabi niya at tinuro ang babaeng nasa labas ng bakuran.

"Anak,halika ka rito."Pumasok siya sa loob at nagtataka kung bakit naiyak ang nanay niya.

"Alex he's your brother,Jhon Paulo.Pau,this is Alex."same kami ng reaction kanina ng malaman kong anak ako ni Mama Grace.Yumakap siya sa akin at niyakap ko rin siya.Totoo pala yung lukso ng dugo.Mararamdaman mo pala talaga yon na kadugo mo siya.Kapatid ko 'to,nanay ko 'to.

Yumakap na din sa akin ang tunay kong nanay.Napatigil na lang kami ng bumukas ang pinto at nakita ko si Itang.

"M-Ma'am Grace?Alam na niya?"tanong niya sabay turo sa akin.

"Tang?Alam mo?ALAM MO NA HINDI NIYO KO TUNAY NA ANAK PERO SA IBA KO PA NALAMAN?!"hinawakan ko siya sa kwelyo niya pero hinatak agad ako ni Mama.

"S-sorry.Balak ko sanang ang Inang mo ang magsabi-"

"Si Inang?!Iintayin niyo pa siya kung kailan hindi na niya tayo maalala dahil sa pesteng sakit niya!Imbis na magamit sa ospital yang pera pang-inom mo tangina ka."hindi ko na napigilan ang sarili ko.Tangina naman kase.

"Paulo,tatay mo yan"pinapakalma na ko ni Mama at Alex at sinenyasan na umalis muna si Itang.Padabo akong umupo at ininom ang tubig na inihanda ko sa kanila para sa kanila.

"Tagal-tagal ko ng nagtitimpi sa demonyong yan.Imbis na kami yung alagaan niya siya pa yung nagpahirap sa amin."sabi ko sa kanila.Niyakap ako ni Alex kaya medyo kumalma na ako.

"Nandito kami para tulungan kayo.Sa totoo lang nandito kami para ibigay sayo to."inabot niya sa akim ang isang card at pin no.

"B-bank account?ANO P1 000 000?AKIN TO?!"sabi ko sa kanya at tumango siya.Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil napakalaking tulong nito.

"S-salamat po,Mama"napahagulhol na ko sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko sinabi kay Shannie agad 'to dahil gusto ko siyang isupresa na unti-unti akong bumabangon mula ng mamatay si Inang at ang Itang.Sinabi ko sa kanyang nagta-trabaho ako para makatulong din.Ang perang pinapadala niya yun na lang ang ginagamit namin sa pang araw-araw at ang perang binigay sa akin ang pagpapagamot kay Inang kaso hindi na niya kinaya.

Naging maayos ang buhay namin at mas aayos pa sa natamasa ko ngayon.Tinotoo ko na ang pagiging call center agent ko dito sa probinsya bago akong pumuntang Maynila.Ikukwento ko rin kay Shann to:))

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now