45

387 18 0
                                    

"Nag-text sa akin yung JJ,Ken.Kinakabahan ako."

"Don't worry I'm here okay?As long as I am here,you're always safe,understood?"

Tumango na lang ako sa kanya at napagpasyahang maglakad papunta sa kanila.Yung bahay na pupuntahan ko,yung bahay kung saan ko siyang nakita na nag-iisa at nagbabasa ng libro.Ang galing ng tadhana,magkikita pa rin pala kami.Lalo tuloy gumaan ang loob ko kapag kasama ko si Ken.

"We're here."

Nagbago ng kaunti ang itsura ng bahay nila.May kotse din sa labas kaya may nakatira na din siguro ditong ibang tao.Hindi ba nakakahiya yon?Dadalaw pa kami.

"May iba na atang nakatira dyan eh.Mali ba tayo ng napuntahan?"

"May tumira na dyan ilang taon lumipas.Inayos kasi nila pero nakiusap ako na yung kwarto ko,ganoon pa din dapat..."

Pumasok na kami sa loob at nadatnan namin ang isang pamilya na kumakain sa hapag kainan.Nagulat sila sa pagdating namin at agad naman lumapit si Ken doon sa pamilya.Ako,naiwan lang medyo malayo sa kanila.

"Felip Jhon?!Kalaki mo na ah.Pandak ka pa noong nakita kita ah."bahagya akong napatawa sa sinabi ng lalaki na may malaki na katawan pero soft pala ang boses.Bawal judgemental talaga.

"Tatang ano ba,nakakahiya may kasama ako oh,tignan mo tuloy tinatawanan ako."hindi na namin napigilan na tumawa dahil sa sinabi ni Ken.

"Ikaw na ba si Ate Jhie?Gumanda ka ha."napatigil kaming lahat nang magsalita ang batang babae.Hindi ko naman boyfriend si Ken pero bakit nasaktan ako sa narinig ko.I just gave her a small smile.Umiling din ako sa sinabi niya.

"Kain ka na dyan anak.Kumain ka lang bago laro ka na okay?"basag sa katahimikan ng babae,nanay ata niya.Pagkasabi ng nanay niya ay umalis din naman agad sa hapag kainan ang batang babae.

"I'm sorry gustong-gusto niya kasi yung babaeng nabanggit niya.We didn't mean to hurt you Felip's Girl."umiinom ako ng tubig kaya nabulunan ako sa sinasabi nung Tatang.Nag-panic agad si Ken at hinahampas bahagya ang likod ko.

"Hindi po ako girlfriend ni Ke-I mean ni Felip.Hindi po."

"Hindi pa."sabat ni Ken.Tatang sips on his juice also her wife.Eh hindi pa nga eh ayaw ko pa noh.

"Okay so....Kain ka na dyan,Shann.Si Tatang pala tsaka si Tita Kaye.Mga pinsan ni Mama.Tang,Tyang,si Shannie.Nililigawan ko pa lang."pagpapakilala niya sa amin.Namula na naman ang tenga niya nang sabihan niyang liligawan niya ako.Nakipagkamay na lang ako kay Ate Kaye at Tatang.

Natapos kaming kumain at nagpresenta ako na ako na lang ang magligpit.Napahaba pala ang kwentuhan at kainan namin dahil umabot kami ng 2 oras!Kinuwento kasi ni Ken kung paano kami nagkakilala,buhay kolehiyo niya,yung nalaman niyang kababata ko siya pati na yung....kung gaano niya ako kamahal.Hindi ko na napigilan na ngumiti kanina.Sinong hindi diba?

"I'm sorry napatagal tayo.Ang daldal ko kasi eh hindi pa ko lasing nyan ah."

"Okay lang.I don't mind."hinila niya ako at dinala sa isang pamilyar na lugar.

"Pasok tayo?"kusa na lang tumango ang ulo ko dahil sa kanya.Kwarto niya to eh!Baka pagsamantalahan niya ako>.<hindi pa ako ready-HINDI AKO MAGPAPAGALAW PARANG AWA NA.

"Wala tayong gagawin.Kung ano man yang iniisip mo,tanggalin mo na yan dyan.Wala akong balak at hindi ko babalakin na gawin yon.Ano yon sex without benefits?"pagbibiro pa niya.Hindi ko na lang pinansin.Ganoon ba ko ka-obvious na mag-isip ng ganon?!

"Halika dito.Lumapit ka sakin."kusa na namang naglakad ang mga paa ko palapit sa kanya.

"Ipikit mo ang mata mo."pinikit ko din agad ang mata ko.Anong gagawin niya huhu.Nararamdaman ko ang hininga niya iniisip ko na sobrang lapit na ng mukha namin.

"Dilat ka na."unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Tignan mo yung relo ko oh,umiilaw!"bigla na lang ako nadissappoint sa nakita ko.Ben 10 na umiilaw sa dilim!I was expecting of kissing me again and-omg no.Ayoko ng sinabi ko kalimutan mo yon!

"Na-dissappoint ba kita?"sa puntong to nilapit niya talaga ang mukha niya.

"Hindi,bakit?Anong ka-dissappoint-dissappoint don?Hindi ah grabe ka nama-"sinungaban niya ako ng halik.Dahil sa gulat ko sumagot din pala ako sa kanya kaya napahawak siya sa labi niya.Tumalikod siya at ganon din ako.Kusa na lang ulit tumakbo ang paa ko palabas ng kwarto niya.

Kahit nakalabas ako sa kwarto niya.Naririnig ko yung tili niya.Para siyang bakla!Manyak pa.Bumaba na ako at nakita ko si Tatang at Ate Kaye na nakangiti sa akin.Alam ba nila-ugh nakakahiya!

"Kayo ha,hindi pa pala kayo nagkakasungaban na ng halik."

"Hoy Rodolfo!Katanda-tanda mo na nakikinig ka pa rin sa usapan ng usapan ng bata!Eh ano naman kung may nangyayari na sa kanila kahit hindi pa sila?Tayo nga -"tinakpan ni Tatang ang bibig ni Ate Kaye at sinensyasan ako na umalis na.Napangiti na lang ako at lumabas ng bahay nila.

I feel relieved.

Nagpapahangin na lang ako ngayon.Hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa ko!Ang landi.

Nag-vibrate muli ang phone ko.I was expecting of Kuya na magtetext sa akin kasi papalubog na ang araw pero nagtext ulit sa akin yung unknown no.

You look so beautiful,divine....

-JJ

Kinabahan na naman ako.Feelin ko kasi nasa tabi ko lang siya.Tumayo ako sa pwesto ko at tinignan ang paligid.Wala naman pero bakit ganon?!

Nag-dial agad ako ng no. Ni kuya pero hindi ko na nagawa dahil may pumiring sa mata ko at tinakpan ng mabahon tela ang bibig ko.Pinipilit ko makakalas pero dahil sa amoy na naamoy ko hindi ko na nagawa.

"Shannie!"

Iyon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

DRUNK|fjsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon