42

419 22 0
                                    

Shannie's

"Ha selos?Nakakain ba yon?"

Ikinibit ni Ken ang kanyang balikat nang sabihin ko sa kanya iyon.

"Ewan ko nga sayo,buang ka."nagsasalita pa siya pero hindi ko na narinig ang mga kasunod niyang sinabi dahil binulong na lang niya iyon.












Ipinatawag na kami para practice ng graduation.Ang daming estudyante.I'm so happy na finally makakatapos na rin kami ng pag-aaral.Inarrange na kami by section at inumpisahan na rin ang orientation for graduating students.May bayad pa pala yon,meganon?Natapos din naman agad dahil puro tungkol lang sa gagawin namin at susundan namin ang na-discuss.

Nang natapos na ay naririnig ko ang iba na nagkukwentuhan tungkol sa mga magulang nilang aattend for graduation.Sana nakukwento ko rin ang magulang ko,kaso wala eh,wala na sila.Si kuya na lang ang meron ako,hindi ko nga lang kadugo kaya minsan naiisip ko na mag-isa na lang ako sa buhay.

Bumalik kami sa room para kunin ang program at malaman ang honor list at latin honors.

Hindi ko ineexpect ang results....

"Hoy Shannie,Suma Cum Laude kayo ni Ken!Wow naman,relationship goals!"sabi ni Jamie.

Hindi mag-sink in sa utak ko paano ako naging Suma Cum Laude sa amin.All of those matatalinong students out there,isa ako sa Suma Cum Laude.Hindi din naman ako katalinuhan ngayong college but still nakapasok ako sa highest honor.Hindi ko maiwasang maiyak sa nakikita ko.

Inay,Itay para sa inyo po lahat ng ito.

Niyakap ko na lang si Jamie ng sobrang higpit at doon na lang umiyak.Naririnig ko rin ang mga kaklase ko na bumabati sa akin.Hindi nagtagal nag-group hug na kami.Ilang araw na lang din maghihiwalay na kami ng mga landas.

Sa kabila ng mga biyayang natatanggap ko naiisip ko pa rin si Justin at Ken.Kung nandito pa rin si Justin sa school na 'to,siguro may latin honors din yon.Si Ken naman,siguro sobrang saya din niya sa na-achieve niya.I'm so happy for him,hindi nga lang halata dahil hindi ako ganon kagaling mag-express ng feelings.

Kaming dalawa ni Ken ang magbibigay ng speech para sa lahat.Binigyan kami ng 10 minutes para magsalita at sabihin  na ang lahat ng gustong sabihin namin.Nasaan na kaya siya?

Bumitaw na ako sa pagkakayakap at sa kanila at yumuko bilang simbolo ng pagrespeto at pasasalamat sa kanila.

"Kung hahanapin mo si Ken,nandoon siya sa oval.Andoon kayo kanina diba?"bulong sa akin ni Jamie.Tumango na lang ako sa kanya.

Tumakbo ako para makarating agad sa oval.Malayo pa lang nakita ko na siyang nagtatatalon at nasigaw.Siguro dahil sa sobrang saya.Unti-unti akong lumalapit at nagtatago para malaman ang tunay na dahilan bakit siya nasigaw at natalon.Tama ako,sobrang saya niya.Pinupunasan niya ang mukha niya kaya sigurado akong naiyak din siya sa nangyayari sa amin.

Nilapitan ko na siya dahil nakaupo na siya sa damuhan habang yakap-yakap ang sarili niya.

"Punasan mo luha mo,para kang tanga dyan eh."inilahad ko ang panyo sa kanya,buti na lang tumunghay siya at nakita ako.Malapit na mamaga ang mata niya pero binigyan niya pa rin ako ng malawak na ngiti.

"S-salamat pero hindi ko yan kailangan."

"Ah hindi ba?Sorry naman,akala ko kasi-"tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit.Naiipit na yung katawan ko:( I want to hug him back.Buti na lang lumuluwag na kaya nayakap ko din siya pabalik.Siguro naman kahit papaano mahimasmasan siya diba:)

"This is what I need Shannie,a hug from my favorite person.Congrats to us,love."sabi niya sabay halik sa ulo ko.

"Anong love ka dyan,wala pang tayo."

"Wala pa?So pwede magkaroon?"bumitaw ako sa pagkakayakap at hinampas siya gamit ng panyo ko.Kahit kailan ka talaga Ken!Nakakainis ka>:(

"Congrats din sayo.Bakit ka nga pala umiiyak at nagtatatalon dyan.OA naman masyado."natahimik siya at tumingin sa malayo.May nasabi ba akong mali?Hinila niya ako paupo sa damuhan kaya ngayon nakalupagi na kami dito.

"Pangarap ni Mama na makatapos ako ng pag-aaral.Naaalala ko kasi kung paano niya sinasabi yung mga salitang 'anak aakyat pa tayo sa stage di 'ba?'.Hindi ko naman ineexpect na makakakuha ako ng Latin Honors dahil sa kanya."pumiyok na siya nang sabihin niya ang mga sinasabi ng nanay niya sa kanya.Hinimas ko na lang ang likod niya kaya naman inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko.Hinayaan ko na lang,sa ngayon.

"Sobrang saya ko Shannie.May mapapatunayan na rin ako.Nakatapos ako ng pag-aaral,arkitekto na ako.Salamat ha."

"Salamat saan?"

"Salamat kasi hinahayaan mo lang akong kumuha ng lakas ng loob sa'yo.Kung hindi kita nakilala doon sa terminal,baka hindi pa 'ko makapag-focus sa pag-aaral.Kahit nag-away tayo noon,hindi mo pa rin ako tinamnan ng galit.Alam ko yon,sorry din kasi ma-pride ako eh.Hindi ko na kasi napigilan kanina eh."finally,nasabi niya rin ang pinakahihintay kong sasabihin.Salamat din Ken, parang tinuturuan mo ulit akong magmahal ulit.

"Ah...Wala 'yon.Sino pa bang magtutulungan?Tayo-tayo lang din naman di ba?Everyone deserves a second chance,hindi ka pa nahingi ng sorry napatawad na kita.Sana ako din."habang nakasandal siya sa akin ay tumango siya.Ilang minuto kaming tahimik at nanatili sa pwestong iyon.

Na-realize ko na masaya pala kapag may taong nandyan para sa'yo kahit hindi mo naman kaano-ano.Mayroon talaga isang tao na kahit sino ka pa at ano ka pa,mamahalin ka niya ng buo.Yung laging nandyan para sa'yo.Yung magpapasaya sa'yo.Yung mang-iinis sayo kahit badtrip ka na.Yung mamahalin ka pa rin kahit anong nagawa mo.Yung handang magbaba ng pride para magkaayos kayo.Yung taong pangalanan na lang natin na Ken Suson.

In just a moment,each look,each gesture,I smiled again because you're there.Whenever I think of you, I'm happy.This year,out of the many things that happened in my life,
the meaning of it comes to my mind.Why is it only moments of time that I spent together with you?

It’s like I’m in love....again.

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now