48

386 22 0
                                    

Ken

Nagising ako nang wala si Shannie sa tabi ko pero nandito si Pau habang nagbabantay sa akin.Tulog na tulog siya.Gugutom na ako eh.

Nakita ko ang Chicken Adobo sa malayo at half cup of rice....Half cup lang?Kaya kong ubusin isang kaldero kung gento kasarap yung ulam.Ayaw ko nang abalahin pa si Pau kasi mukhang napagod siya kaya tumayo na lang ako  papunta sa mesa at doon  na lang kumain.

Habang kumakain ako, nahulog yung kutsara ko kaya nagising si Pau.Nag-peace sign ako sa kanya.




"Oh gising ka na pala.Bakit hindi mo ko ginising?Edi sana nadagdagan ko yung kanin mo.Bitin sakin yon eh."




"Okay lang,sarap kaya ng tulog mo kaya hindi na kita ginising tsaka busog na naman ako."jk hehe nahihiya lang ako.



Natahimik na lang kaming dalawa kaya naman nang umiinom ako ng orange juice ay nasamid ako sa sinabi niya.





"Dre,usap tayo after mong kumain."



Eto na.Kakausapin na niya ko.Lalaki sa lalaki.Maganda naman pangarap ko para sa kapatid niya.Kinakabahan ako sa mga tatanungin niya TT.




"Okay ka lang?Nasamid ka ba?"




"Okay lang,nabigla lang ako.Sige,wait lang."Sakit kaya sa ilong.




Nilikom ko na ang pinagkainan ko bago ako bumalik sa kama.Nakatingin lang si Paulo sa akin at parang sinusuri ang bawat parte ng katawan ko.Awkward pero bakit naman ako mahihiya.Ang sexy ko kaya.




"Anong pangarap mo sa buhay?"panimulang tanong niya.


"Sa totoo lang,gusto ko mag-artista.Marunong naman ako sumayaw,kumanta,gumawa ng sariling kanta.Nagmo-model din ako dati sa atin pero hindi ako matanggap-tanggap ngayon sa Maynila.Sinasabay ko yon sa pag-aaral.Good thing nakapasa pa rin at may latin honor pa.Mag-aarchitect na lang ako.Ipapagpatuloy ko na lang para  masamahan ko si Shann.Sabay naming aabutin ang pangarap namin."



"Gusto mo mag-artista?Uy sakto,naghahanap pa kami ng isang member sa grupo namin.Mag-aaudition kami.Sama ka!"nagliliwanag ang mata niya nang sabihin niya iyon.




"Ayoko.Bisaya ako dre.Walang tumatanggap sa akin.Kahit saan pa ako magpunta."kung nagliliwanag ang paningin niya kanina,nagdidilim naman ngayon.





"Ano ka ba.Hindi naman hadlang yon eh.Mas may talent ka pa sa mga artista no.Tara sama ka na sa group namin.Sa korean company kami, talents ang hanap nila don tsaka may looks ka naman eh.Sige na, please."



Gusto ko.Gusto kong sumama pero hindi din naman ako natatanggap.Nakakawalang gana na....





"Last na to ha.Kapag hindi ako tinanggap,bibigyan mo ako ng kotse."


"Yes!Sige deal."kinuha niya pa ang kamay ko para sapilitang makipagkamay sa akin.




"Huwag kang kabahan.Ang tagumpay ng grupo,tagumpay mo rin.Matatanggap ka na,promise."






Nakahinga ako nang maluwag dahil doon lang napunta ang usapan namin.Habang nag-uusap pa kami sa iba't ibang bagay ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ate Maris at syempre si Shannie.




"Kamusta ka na,Ken?"bungad sa akin ni Ate.


"Okay na."


"Good to know.Paulo,aalis tayo.



"What?No,mamaya na tayo umalis.Nagkukwentuhan pa kami."pagmamaktol ni Pau.Parang bata na ayaw pa umuwi pero sinusundo na ng nanay.



"Hindi,aalis tayo."padabog si Pau na tumayo.Inakbayan niya si Ate.



"Chat na lang,Ken.Bye!"umalis sila habang nagtatalo.Naiwan kami ni Shannie sa loob ng kwarto.Init naman grabe.Malamig naman kanina ah.


"Para silang magnanay.Parang bata si kuya na ayaw pa magpasundo sa nanay."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.



"Same thoughts about them earlier."




Umupo siya kung saan umupo si Pau kanina.Katabi ko.Medyo mataas yung kama ko kaya yung ulo na lang niya ang nakikita ko.Kinakain na niya yung apple na bigay sa akin ni Pau.



"Bakit ka nga pala nandito?"



"Para bantayan ka,hindi ba obvious?"tanga.Oo nga naman pero dapat ako nagbabantay sa kanya diba?



"Balik ka na sa kwarto mo.Ako pupunta doon,tara."




"Huwag na makulit,Ken.Tignan mo nga sarili mo,puro galos ka pa rin kahit sabihin mong okay ka.Nag-aalala pa rin ako sayo."kikiligin na sana ako pero nagsalita pa siya.


"Konsensya ko pa kapag namatay ka dahil sa akin."


"Okay lang handa naman ako."nagsalubong ang dalaqa niyang kilay at inirapan na lang ako.Ibang tao ba 'tong nasa harap ko?Ang sungit ha.Natahimik kami ng ilang minuto kaya napagdesisyunan kong magsalita ulit.



"Ikaw,kung bibigyan ka ng chance....Gusto mo bang maging nanay?"tumigil siya sa pagkain at humarap sa akin.

"Nanay ng ano?"


"Nanay ng mga magiging anak ko?"kakahiya shet ×D



"Gago ka ba?Syempre naman."
she said it with a smirk bago kumagat ulit ng apple.



Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Banat lang yon eh.Bakit niya naman sineryoso?Kinikilig ako.Nang tignan ko siyang muli ay nakatalikod na pala siya sa akin.





"Confession ba yan?"tanong ko.Gusto ko na sumabog yung puso ko.Hindi niya ako nililingon.



"Hoy lingunin mo ko.Isa."




"Dalawa.Hindi ka pa rin lumulingon ha."




"Tat-"naputol ang sinasabi niya nang bigla niya akong halikan.That was fast-I didn't expect na hahalikan niya ako.Sa gulat ko sa ginawa niya,hindi na lang ako nakagalaw.Ipinikit ko na lang din ang mga mata ko.Bumitaw din siya para maghabol ng hininga.




"Sana sapat na yon para sagutin yung tanong mo."




"Totoo ba yan?Hindi ka nagjo-joke?"



"Mukha ba akong clown?"



"Oo HAHAHAHAHA."bumaba ako ng kama ko para mapantayan ko siya.Tumayo siya kaya tumayo na rin ako.






"Can I hug you?"bago pa siya sumagot ay naunahan na naman niya ako.Niyakap niya ako nang mahigpit at ganon din ako.Ilang minuto din kaming nag-stay ng ganito.





"Teka teka,tayo na ba?"bumitaw ako sa kanya pero hawak ko na ngayon ang kamay niya.Lagi ko namang nahahawakan ang kamay niya pero iba pala kapag nalaman mong gusto ka rin ng taong gusto mo.




Tumango siya.Actions are better than words.Sobrang saya sa feeling.Kampante na ako.I can't never ask for more.Pwede na ako mamatay-jk.Hinalikan ko siya sa noo bago ulit ako nagsalita.



"I love you,hanggang sa huli."






"I love you too,love."


----------------

mas okay talaga yung nauna kong draft HAHAHA.

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now