7

688 35 0
                                    

"Pusa ko yan eh bat nasayo?"tanong pa niya.Sino ba to?

"Ah p-pusa mo to?S-Sorry ha,ang cute kasi."

"It's okay" sagot niya

"Parang di ka okay may problema ba?"tsaka siya umupo sa tabi ko na para bang antagal tagal na naming magkakilala.Sa tingin ko kailangan ko siya para pag-usapan to.Inang,eto na ba ang mapapangasawa ko?charot.

"Yung nanay ko kasi...wala na siya.Ngayon ngayon lang..."malungkot na saad ko.

"Hala s-sorry for asking condolence nga pala."hawak na niya yung pusa niya sa sobrang cute!

"Okay lang yon masasanay din ako" at natahimik na kaming dalawang nakatambay dito kaya binasag ko na lang din ang katahimikan.

"Dito ka ba laging nagpupunta?"tanong ko at agad naman siyang napalingon at napagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha dahil nakatitig lang siya sa akin.Matangos na ilong,mapang-akit na mga mata,inosente at gwapong mukha.Yan lang ang napansin ko sa kanya.Mukha naman siyang mabait kaya siguro magaan ang loob ko ngayon.Umiwas na siya ng tingin

"Oo,madami akong masayang alala dito.Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan dito"sabay turo sa pusa at sa akin

"H-ha?!Kaibigan?wala nga kong kaibigan dito eh wag mo na kong kaibiganin.Pangit ako, walang class,mahirap,andaming babae dyan don ka nalang sa kanila makipagkaibigan"nagulat siya sa sinabi ko.

"Pangit?Hindi naman ah.Kung mag-aayos ka lang lalo ka pang gaganda bat wala kang kaibigan?Mabait ka naman ah"binigyan ko lang siya ng mapait na ngiti at kinwento ang mga pambubulas na naranasan ko.Hirap na hirap na ko.

"Ganon ba?well mali sila don.Hindi ka dapat nila binubully."Inabot niya sa akin ang kanyany kamay na para bang gusto nitong makipagshake-hands.

"I'm Justin...and you are?"pinagpag ko muna ang kamay ko at inabot din ito sa kanya.

"Shannie,just call me shann."

"Friends?"tanong niya."We're now friends....Justin."

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now