Chapter 1

2K 50 0
                                    

Alas-tres ng umaga handa na ako sa pag-alis. Ang buhok kong mahaba ay itinali ko para hindi maging sagabal kapag bumyahe ako paalis sa amin. Makakapag-aral na ulit ako ng kolehiyo kasi tumigil ako sa pag-aaral para tulungan ang mga magulang ko.

"Inang! Itang! Aalis na po ako. Mag-iingat kayo dito. Kuya Pau, alagaan mo mabuti ang Inang, aattend pa kayo sa graduation ko di ba? Babalik ako, tatapusin ko lang to. Isang taon na lang. P-pasensya na,kailan ko talaga para makaahon na tayo sa kahirapan. M-mahal na mahal ko kayo" Mangiyak-iyak kong sabi sa pamilya ko. Kailangan ko kasing umalis papuntang para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Madali din akong makakahanap ng trabaho kapag nakapagtapos agad ako ng pag-aaral. Kailangan ko din kumayod habang nag-aaral. Ang hindi ko alam ay kung paano ko sisimulan ang buhay ko ng wala ang pamilya ko sa tabi ko.

Tinulungan ako ng kaibigan ko na nakilala ko sa internet, si Jhie. Laking pasalamat ko sa kanya dahil handa niya kong pag-aralin saka makasama. Hindi ito alam ni Inang at Itang, kahit sino pa sa pamilya ko, walang nakakaalam. Ang alam nila ay sarili kong sikap ang ginagamit kong pera sa pag-aaral ko. Humihingi agad ako ng patawad sa pagsisinungaling na ayaw kong gawin pero kailangan.

"S-Sige anak,m-mag-iingat ka din doon ha. Wag mo kaming alalahanin,iingatan kami ni Paulo dito. Importante, m-makapagtapos ka ng-" hindi na natapos ni Inang ang kanyang sinabi nang bigla siyang ubuhin na naman. Paano ko sila iiwan rito? Hindi ko kaya pero dapat kong kayanin. Kailangang maipagamot ang Inang.

"Wag ka ng mag-alala sa kanila, Shannie. Ako nang bahala sa kanila. Sige na,baka mahuli ka sa byahe mo. Mag-iingat ka ha."dugtong ni Kuya Pau.

Si Kuya Pau ang kaisa-isa kong pinagkatiwalaan muli dito sa lugar namin dahil sa kabutihan niya. Matangkad pero medyo mataba. Mabalbon at baby tignan. Kahit lalaki siya, sobra ang pagkalinga niya sa pamilya namin hindi gaya ng mga tambay dito sa amin. Ibang-iba siya sa mga tipikal na lalaking makikita mo na nainom, nagsusugal, barkada sa edad namin. Siya lang ang naging kaibigan at kapatid ko lang mula ng mawala ang...

Ayoko nang alalahanin pa pero nanatili pa rin siyang may puwang sa mga puso ko. Binigyan niya ako ng bracelet, iyon na lang ang ala-ala niya sa akin pero nawala nang nagsasaka kami ng Inang at Itang.

Tuluyan na nga akong naglakad palayo sa kanila .Kumakaway sila sa akim kaya kinawayan ko na rin sila. Nakakalungkot dahil maiiwan ko sila sa ganitong sitwasyon pero masaya rin ako na unti-unti ko ng maaabot ang pangarap ko.

Para sa pamilya, aahon kami. Padayon!

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now