40

365 17 0
                                    

Paano kaya ako makakalapit kay Ken?Nag-isip ako ng paraan para makalapit.Ang dami na talagang umaaligid sa kanya.Ah!Yung hoodie ko!Tama!Baka nilalamig na siya.Kinuha ko ang hoodie kong SANA.Fan ako ng TWICE kaya nabili ko 'to.Siguro naman sakto to sa kanya kasi sobrang malaki ito sa akin.Lumabas ako ng room at pinuntahan ang nagkukumpulan na tao.Kinakausap nila si Ken.

"Are you okay Kenny?"

"Here towel,magpunas ka."

"You want to go to the clinic?Baka magkasakit ka nyan."

Ngumingiti lang si Ken sa kanila pero yakap pa rin niya ang sarili niya.Napansin kong walang nag-ooffer ng damit.Amp mga lalaki dito masyadong mataas ang pride.Sana matuwa siya sa hoodie ko hehe.Peace offering na rin sana kahit siya yung may ginawa sa akin kahapon.

"K-Ken,nilalamig ka na ba?Isuot mo na 'to.Baka magkasakit ka."sabi ko sa kanya kaya ang mga babae kong katabi,masama na naman ang tingin sa akin.Inaabot ko kay Ken ang hoodie ko pero hindi niya kinukuha kundi ay nakatingin lang siya sa akin.Ano ba yan nakakahiya naman ito.Sige na,'wag mo na akong ipapahiya...ulit.

Naglakad ako bahagya palapit sa kanya para ilapit sa kanya pero may tumalisod sa akin.Dumapa ako sa sahig na maputik dahil sa mga sapatos.Narinig ko ang pagtawa ni Anne sa tabi ko.Si Anne lang naman yang kaklase ko na sobrang bitch.Bitch talaga siya kasi mukha siyang aso.Nakakahiya,sa harap pa ni Ken.

May nag-abot sa akin ng kamay kaya hinawakan ko agad iyon.Ugh!Puro putik na yung damit ko!Kanino naman kamay-Ken?Kamay ni Ken.Nagtama ang mata namin dalawa at nakikita na naawa siya sa akin.Tumingin siya sa mga tao na nakapaligid sa kanya at biglang nagbago ang aura niya.Oh lord,ready na po siya manabong.

"Sinong tumalisod dito sa babaeng 'to?"hawak pa rin ni Ken ang kamay ko at hinila niya ako sa tabi niya.Walang sumasagot sa kanya kaya inulit niyang muli ang tanong niya ng malakas.Biglang umalis si Anne na nag-uusok na ang ilong sa galit.Ngumiti na lang ako sa kanya.Pagka-alis ni Anne ay umalis na rin ang nakapaligid sa amin kaya kami na lang ang natira sa labas.

"S-sorry.Eto oh hoodie ko.Isuot mo muna.I'm sorry talaga."sabi ko sa kanya.Agad siyang tumayo at kinuha ang hoodie ko.Hawak niya pa rin ang kamay ko at hinila niya ako pababa sa CR namin.Putcha,CR na naman?Ano bang atraso nito sa CR at lagi kaming nandito.

"Alam mo kanina pa kita hinihintay na may iabot sa akin kaya hindi ko tinatanggap yung mga alok nila."sabi niya habang naghuhugas siya ng kamay.Ako naman nakatayo lang sa gilid niya.

"Bakit ako yung hinihintay mo?"tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa yan natatanong nasagot ko na kahapon."ngumiti siya sa salamin at tumingin sa akin.Naaalala niya pa rin yon?!Kainin mo na po ako lupa with respect please.

"Akin na yan susuot ko na,baka magalit ka pa sakin.Haha!"tumawa pa siya at kinuha ang hoodie.Ang weird mo talaga Ken.

Naghubad siya sa harap ko.Nagulat ako sa ginawa niya kaya tumalikod na lang ako at tinakpan ang mata ko.Oh tukso,layuan mo ako!!

"Maawa ka naman Ken.May babae kang kasama oh,naghuhubad ka bigla."sabi ko habang nakatakip pa rin ang mukha ko.Ang init ng mga pisngi ko.Nakakainis ka Ken Suson!

"T-tapos ka na ba magbihis?"tatanggalin ko na sana ang mga kamay ko sa mukha ko nang yakapin niya ako mula sa likod.Nararamdaman ko yung katawan niya sa likod ko.Paano po ba magteleport pauwi sa bahay?!

"Hindi pa eh.Kailangan ko lang patuyuin yung katawan ko saglit.Kanina kasi nung tinanggal ko yung shirt ko nilalamig ako pero ngayon,nag-iinit na ako."bulong niya sa tenga ko gamit ang malalim niyang boses.Kahit isang 'bes lang oh.Hinampas ko siya sa mga kamay niya pero lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.Hindi na po ako makahinga.This is illegal.Should I ask him...that thing?Nababaliw na ako sa ginagawa mo Ken.

"Ken..."tawag ko sa kanya.Nakampante na rin ako sa posisyon namin kaya isinandal ko ang ulo ko sa kanya.

"Hmm?"bulong niya sa akin.

"Gusto mo ba ako?"ahhhh!Ano ba namang tanong yan Shannie!Malandi ka nga pota.Kumalas tuloy siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.

"Tanga na hindi magkagusto sayo."sabi niya.Nasaan na po ba yung graveyard ko makauwi na.

Hindi ko na namalayan na nakasuot na rin pala siya ng hoodie ko.Bagay na bagay sa kanya.

"Oh eto naman yung akin.Suotin mo,naputikan ka na."inabot niya sa akin ang hoodie niyang NASA.WHAT?!MAY DAMIT NAMAN PALA SIYANG DALA HINDI PA SIYA NAGPALIT.Ang harot mo po Ken :<

"May hoodie ka naman pala?!Bakit hindi na lang yan ginamit mo?"tinawanan niya lang ako.Hmp nakakainis siya.Magaamoy lalaki tuloy ang damit ko.

"Hinihintay nga kasi kita.Lakas magbihis ka na antayin kita sa labas."kinuha ko ang damit niya at inamoy iyon.Ugh,ang bango.Lumabas na siya ng CR at naglakad palayo sa akin.

"Ken!"tawag ko sa kanya kaya lumingon agad siya.

"'Wag mo 'kong iwan."

"Huwag ka mag-alala.Hindi kita iiwan."ngumiti siya sa akin at sumandal na lang sa pader doon.Ngumiti na lang din ako sa kanya at dumiretso na sa cubicle para magbihis.

Huwag ka mag-alala.Hindi kita iiwan.

Ang lakas ng double meaning ng sinabi ni Ken.Sana kapag dumating na yung panahon sigurado na ako sa nararamdaman ko.Hindi mo rin ako iwan....

Lumabas na ako suot-suot ang hoodie niya.Mukha na naman kaming mag-jowa nito amp.

"Bagay pala sayo yang hoodie ko eh,pero mas bagay ka sa may-ari nyang damit."sabi niya.Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sinabi niya.Kahit pala nakokornihan ka sa ganon kapag pala yung taong malapit sayo ang nagsabi,kikiligin ka pa rin.Hinila niya ako papasok sa CR at kinuha ang phone niya.

"Picture tayo!"nag-mirror selfie kaming dalawa suot-suot ang damit namin.Nakaakbay siya sa akin at ako naman at naka-peace sign lang.Kumuha pa siya ng isang picture kung saan tinakpan niya ang mukha ko at gamit ang iPhone niya ay tinakpan niya naman ang mukha niya.

"Tumila na ang ulan.Tara na?"tumango ako sa kanya at lumabas kami para kumain sa canteen.As usual pinagtitinginan na naman kami ng mga tao dito pero wala na akong pakialam.

Ang importante masaya ako at nakasama ko siya....

DRUNK|fjsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon