Chapter LXXXI

7.5K 873 87
                                    

Chapter LXXXI: Inquiries

Naglakad agad si Finn Doria pababa unang palapag. At habang siya ay palanas ng bahay-aliwan, maraming babaeng nang-aakit ang lumapit sa kanya pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang makalayo sa bahay-aliwan. Nang huminto siya, huminga siya ng malalim at pinagmasdan ang kanyang paligid.

Maraming ordinaryong mamamayan ang nagkalat sa daan. Marami ring alipin na beastmen ang nakita ni Finn Doria kaya agad siyang nakaramdam ng inis. Mayroon pa siyang mga batang nakikita pero ang tanging magagawa niya nalang ngayon ay ikuyom ang kanyang kamao.

Kahit na gustong-gusto niyang iligtas ang mga ito, naiintindihan niya nang magagawa niya lang ito nang tuluyan kung mayroon na siyang mga kasama. Kailangan niya munang hanapin ang Dark Crow, at kapag nahanap niya na ang mga ito, tulong-tulong nilang yayanigin ang kontinenteng ito.

Bahagyang yumuko nalang si Finn Doria. Agad siyang naglabas ng magarang puting maskara at isinuot ito sa kanyang mukha. Hindi pangkaraniwan ang maskarang ito. Isa itong top-tier Epic Armament at ang pangunahing kakayahan nito ay itago ang hitsura niya. Kahit pa inspeksyunin siya ng malalakas na adventurer, hindi nila makikita ang totoong mukha ni Finn Doria dahil haharangan sila ng kakayahan ng maskarang ito.

Nagpatuloy si Finn Doria sa kanyang paglalakad. Tila ba nawala siya sa kanyang sarili dahil malalim siyang nag-iisip.

‘Hindi na naman nasunod ang orihinal na plano… Dapat ay sa lungsod ng Erdives ako magtutungo pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napunta ako sa ibang lugar,’ sa isip ni Finn Doria. Umiling ang binata at nagpatuloy sa pag-iisip, ‘Kung kaya lang gamitin ni Ursur ang kanyang kapangyarihan ng tama, siguradong napakalaking tulong noon.’

Muli nang nagmasid sa paligid ang binata. Naghahanap siya ng impormasyon kung nasaan siyang lugar. Nagpalingon-lingon siya at ilang saglit pa, nahagip ng kanyang mga mata ang isang karatula na nagpahinto sa kanya.

[Pangunahing sangay ng Adventurers Guild sa Red Dragon Kingdom]

Ito ang kasalukuyang tinititigan ni Finn Doria. Ilang metro ang layo niya pero malinaw niyang nababasa kung ano ang nakasulat sa karatula na nakalagay sa malaking gusali.

“Red Dragon Kingdom…? Pangunahing sangay ng Adventurers Guild..?” napabulalas nalang ni Finn Doria. “Kung gayon… ang lugar na kinaroroonan ko ay ang kapitolyo ng isa sa pinaka malakas na kaharian sa buong Imperyo ng Rowan..”

Hindi makapaniwala si Finn Doria na sa pamilyar na kaharian pa siya mapupunta, at hindi niya inaasahang sa kapitolyo pa. Hindi pa siya nakakapunta rito, gayunpaman, pamilyar sa kanya ito dahil laging nababanggit nina Zed ang tungkol sa Red Dragon Family—isang royal family sa Imperyo ng Rowan.

Ang Red Dragon Kingdom ay parang kanang kamay na ng imperial family. Pinagkakatiwalaan nila ang royal family na namumuno rito dahil matagal nang naglilingkod ang Red Dragon Family sa Rowan Family. Madalas din ay mga prinsesa at prinsipe na nagmumula sa dalawang pamilya ang ipinagkakasundo kaya naman mas lalo pang tumatatag ang relasyon ng dalawang pamilya.

Pero, hindi rito ngayon nakatuon ang binata. Dismayado siya ngayon dahil sa pagkakaalam niya, ang Red Dragon Kingdom ay dulong bahagi na ng Imperyo ng Rowan. Nasa kabilang bahagi naman ang kaharian na kinaroroonan ng lungsod ng Erdives kaya aabutin ng buwan bago siya makapunta roon. Pinakamabilis na paglalakbay na ito, at hindi pa niya kinokonsidera ang tungkol sa maaaring maging problema.

“Mukhang hindi sa akin kampi ang suwerte ngayon…” pilit-ngiting sabi ni Finn Doria habang umiiling. Huminga siya ng malalim at marahang nagwika, “Gayunpaman, dahil isa itong maunlad at magandang lungsod, marahil mayroong kayamanan dito na kailangan ko…”

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now