Chapter VIII

11.9K 830 97
                                    

Chapter VIII: Introducing the Craftsman Alliance to the Ancestral Continent

Sa isang magarbong silid, sa Azure Wood Family pa rin, magkaharap sina Finn Doria at Eliseo. Kasalukuyan silang nag-uusap ngayon tungkol sa pagpapakilala ng Craftsman Alliance sa buong Ancestral Continent. Tama, handa nang ipakilala ng Azure Wood Family at Golden Lion Family ang binubuo nilang faction, ang faction na siguradong yayanig sa buong Ancestral Family.

Nitong mga nakaraang araw, habang tulog pa si Finn Doria, hiningi ng pamunuan ng alyansa ang tulong ng Adventurers Guild. Ang Adventurers Guild lamang sa kontinenteng ito ang pinaka maimpluwensya at madali lang para sa kanila ang ipakalat ang balita na nais iparating ng alyansa, ang ipakilala ang Craftsman Alliance at ang pagtanggap na rin ng mga miyembro.

Natapos na ang alyansa sa paghahanda. Mayroon na rin silang sapat na kaalaman sa mga propesyong napili nila. Marahil kaunting panahon pa lang ang kanilang pag-aaral, gayunman, ang mga pinag-aaralan nila ay sobrang unlad na. Sa kaalamang mayroon sila ngayon, handa na silang humarap sa buong kontinente at handa na rin silang palawakin pa ang koneksyon at impluwensya ng Craftsman Alliance.

Samantala, dahil mahalaga sa Adventurers Guild ang mapalapit at makipagkaibigan kay Finn Doria, ang bagay na ito ay binibigyan nila ng labis na importansya. At upang ipakita nila na binibigyan nilang prayoridad ang kahilingan na ito ng alyansa ng Azure Wood Family at Golden Lion Family, mismong si Eliseo pa, ang pinuno ng Adventurers Guild ang nagtungo sa bagong bayan ng Aurora upang pag-usapan ang mga detalye.

Sa totoo lang, noong dumating si Eliseo, kasama ang isang mataas na opisyales ng Adventurers Guild sa bagong bayan ng Aurora, hindi siya umaasa na makatatanggap siya ng magalang na pagtrato. Kahit ang kanilang Adventurers Guild na isang malakas na pwersa ay hindi maikukumpara sa kabuuang lakas ng alyansa ng dalawang angkan at ito ay dahil kay Leonel. Dahil mas mataas na ang kabuuang lakas ng alyansa ng dalawang angkan, ang inaasahan lang ni Eliseo ay karaniwang pagtrato lamang. Inaasahan niyang itatrato siya ng pamunuan ng alyansa na para bang ka-antas lamang. Gayunpaman, binigo siya ng kanyang mga akala.

Labis na papugay ang pagsalubong sa kanya ng pamunuan ng alyansa. Sobrang respeto ang ipinakita sa kanya nina Creed, Augustus, Neleos, Caesar at ng iba pa. Magalang silang makipag-usap at ang kanilang pagtanggap sa kanya ay talaga namang kamangha-mangha.

Sa sobrang mapagkumbaba nga ni Creed, halos ikinatakot niya na ito dahil sa maaaring isipin ni Finn Doria. Hindi niya inaasahan ang ganoong paraan ng pagtanggap nila sa kanya bilang panauhin. Sanay na si Eliseo sa ganoong paraan, gayunpaman, ang kanyang binisitang pwersa ay hindi hamak na mas malakas sa kanilang pwersa. Si Leonel na protektor ni Finn Doria ay kayang ubusin ang buong Adventurers Guild kung gugustuhin niya lamang.

Dito pa lamang ay malinaw na kung gaano kalaki ang agwat ng alyansa ng dalawang angkan at ng Adventurers Guild.

Sa kasalukuyan, nautusan niya na ang kanyang kasamang tauhan na ipakalat sa bawat sangay ng Adventurers Guild ang hiling ng pamunuan ng alyansa. Nanatili lang siya rito sa teritoryo ng Azure Wood Family upang hintayin ang paggising ni Finn Doria mula sa ilang araw nitong pagkakatulog. At ngayon nga, gising na ito at kaharap niya.

Payapang hinigop ni Eliseo ang tsaang nakahain sa kanya. Ibinaba niya ang tasa at muling tumingin kay Finn Doria. Ang kanyang mga mata ay makikitaan ng labis na paghanga at respeto.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga mapigilan ang humanga sa inyong itinatag na faction, Finn Doria. Masyado pang kaunti ang aking kaalaman at isa pa rin talaga akong ignorante sa mundong ito," buntong-hiningang giit ni Eliseo. "Hindi ko alam ang tungkol sa inscription at Inscription Master... pero nakita ng dalawa kong mga mata ang pambihirang produkto na nagagawa ng Inscription Master at ang mahimalang epekto nito."

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now