Chapter IV

12.8K 894 153
                                    

Chapter IV: Killed

"Kagalang-galang na Grogen hindi ba pwedeng kami nalang tatlo nina Loen at Eon ang sumalo sa kapalaran ni Master Finn?" tanong ni Leonel kay Munting Black. Makikita ang pag-aalala at pagmamakaawa sa mukha niya, "Si Master... sa sandali namin siyang nakasama, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya kasama ang mga malalapit sa kanya. Gusto kong manatili ang saya at ngiti ni master, hindi ko gustong pasanin niya ang isang napakalaking responsibilidad."

Nakatayo ngayon sina Leonel, Loen habang lumulutang naman si Munting Black sa harap ng isang napakataas na tore. Nag-aalala ang ekspresyon nina Leonel at Loen habang si Munting Black naman ay blankong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Gusto niyong saluhin ang responsibilidad niya? Sabihin niyo nga sa akin kung paano?" taimtim na tanong ni Munting Black kay Leonel at Loen.

"Magpapalakas kami kagalang-galang na Grogen! Lalampasan namin ang aming limitasyon at magdodo--hindi magtitriple sikap kami para kay Master!" sagot naman ni Loen. Tumingin siya sa napakataas na tore at muling nagpatuloy, "Sa tulong ng mga kayamanan na naririto at sa Tower of Ascension, magiging malakas kami... mapapanatili naming masaya at ligtas si Master sa piling ng kanyang kinikilalang pamilya.."

Blankong ekspresyon na tumingin si Munting Black kay Loen at Leonel. Nararamdaman niya kung gaano kagusto ng dalawa na tulungan ang kanilang kinikilalang master. Nakita niya ang pagmamakaawa sa mga mata ng dalawa. Gayunpaman, nanatiling blanko ang kanyang ekspresyon.

"Hindi niyo kayang pasanin ang kapalaran ng ignoranteng binatang iyon... kahit baligtarin man ang mundo, hangga't siya ang nagmamay-ari sa limang Divine Artifacts, hindi niya matatakasan ang kanyang kapalaran," marahang sambit ni Munting Black. "Hindi ko gustong saktan ang damdamin niyo pero mayroong limitasyon ang inyong talento... mayroong pag-asang mapabilang si Eon sa labindalawang Emperor pero sa talento niyong dalawa, maaari lang kayong maging heneral ng batang 'yon. Kahit pa gamitin ninyo ang mga kayamanan na naririto, aabutin pa rin kayo ng libo-libong taon para maabot ang limitasyon niyo."

"Hindi niyo mapapasan ang kapalarang nakakabit sa kanya. Mayroong rason kung bakit siya ang pinili ng mga Divine Artifacts na ito... at maging ako ay hindi maintindihan kung bakit siya pa sa rami ng talentadong adventurer sa Divine Realm," dagdag pa ni Munting Black.

Natigilan ang dalawa nina Loen at Leonel. Napayuko sila at napatingin sa kanilang paanan. Isinampal sa kanilang dalawa ng munting nilalang ang isang napakasakit na katotohanan. At kahit na naiintindihan nila na hindi nagsisinungaling sa kanila ang munting nilalang, hindi pa rin nila matanggap na wala silang magagawa para tulungan ang kanilang master.

"Kung nais niyo talagang tulungan ang batang iyon... magpalakas kayo at paglingkuran niyo siya ng buong puso. Darating ang araw na malaki ang maitutulong niyo sa kanya.. kailangan niya kayo kaya naman hindi niyo kailangang panghinaan ng loob sa ngayon," mariing giit ni Munting Black. "Ngayon, kung gusto niyo talagang lampasan ang limitasyon niyo, magtungo kayo sa ika-limampung palapag at huwag kayong lalabas hangga't hindi kayo nagiging Heavenly Lord Rank. Masyado pa kayong mahina kumpara sa ibang adventurer sa mataas na mundo."

Hindi na tumugon ang dalawa. Nakayuko silang yumukod sa harap ni Munting Black at sabay na sinabing, "Masusunod, kagalang-galang na Grogen."

--

Habang ang dalawa ni Loen at Leonel ay sumasabak sa matinding pagsasanay, ang dalawa naman ni Finn Doria at Eon ay kasalukuyan pa ring naglalakbay patungo sa dating teritoryo ng Soul Serpent Sect.

Habang mabilis ang kanilang paglipad, palihim na sumusulyap si Eon kay Finn Doria. Pasulyap-sulyap siya kaya naman napansin ito ng binata. Dahil hindi komportable ang binata, huminto siya sa paglipad na agad rin namang ginaya ni Eon.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now