Chapter LVI

7.6K 922 140
                                    

Chapter LVI: Not a Disaster, it’s a Blessings

Noon, pinili ni Finn Doria na gumamit ng malaking espada bilang kanyang pangunahing sandata. Pinili niya ito dahil ang malaking espada ay may dalawang gamit, ang pumrotekta at umatake. Dahil sa lapad ng espada, nagagamit niya iyon bilang kalasag at dahil sa bigat naman nito, nagagamit niya iyon sa pagpapakawala ng mabibigat na atake.

Gusto pang magsanay ng binata gamit ang sandata na malaking espada pero pinayuhan siya ni Munting Black na kung gusto raw ni Finn Doria na maabot ang tuktok, kailangan niyang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng sandata—hindi ‘yung mananatili  lang siya sa paggamit ng iisang uri ng sandata.

Malayo na rin ang narating ni Finn Doria sa pagsasanay gamit ang malaking espada. Naabot niya na ang ikalawang skill ng Seven Heavy Sword Art. Gayunpaman, kailangan niya munang putulin ang tagumpay niyang ito dahil napagtanto niyang tama naman ang munting nilalang sa kanyang sinabi.

Kailangan niya ring pag-aralan at alamin ang ibang bagay.

At sa kasalukuyan nga, napagdesisyunan na ni Finn Doria na gumamit ng dalawang espada. Si Oyo ay gumagamit din ng dalawang espada at noong nakita niya noon kung gaano kagandang gumamit ng dalawang espada, naakit narin siya.

PANG!

PANG!!

PANG!!!

Nagpatuloy si Finn Doria sa pagpukpok sa bakal na nagmula sa baluti ng isang Eighth Grade Horned Armadillo. Binabalak niyang pagsabayin ang paggawa ng dalawang espada. Siya ang gagawa ng disenyo at pagkatapos ng huling bahagi, inaasahan niyang magkakaroon ng kahanga-hangang pangyayari.

Tungkol naman sa maaaring mangyari sa oras na masaksihan ng iba ang pangyayaring ito, handa si Finn Doria. Malakas ang loob niyang gumawa ng kahanga-hangang armaments sa loob ng silid na ito dahil sa ginawa niyang baluti.

Pero, hindi siya umaasa ng lubos sa depensa ng baluti, sa kakayahan nito siya umaasa.

Paulit-ulit ang ginawang pagpukpok ni Finn Doria sa bakal. Naglalagay pa siya ng ilang uri ng kalidad ng bakal at inihahalo niya ito sa bakal na galing sa Horned Armadillo.

Makalipas ang dalawa pang oras, na-ihulma niya na sa talim ng espada. Kasalukuyang kumikinang ang talim nito. Kulay itim ang espada na mayroong talim na pilak, simple lang itong tingnan pero ang inilalabas nitong kakaibang awra ay hindi simple lang.

Mahinang nanginginig ito na para bang may kung anong naiipon sa loob ng espada ang gustong kumawala.

At sa lungsod ng Erdives, maraming adventurers ang nagtataka kung bakit bigla na lamang dumilim ang kalangitan. Hindi pa lumulubog ang araw, mayroon lamang namuuong ulap itaas at para bang may nagbabadyang malakas na bagyo.

Isa itong hindi maipaliwanag na pangyayari. Marami ang nahiwagaan at marami rin ang nanginig dahil sa takot.

Sa kabilang banda, ngumiti si Finn Doria. Hindi niya alam ang nangyayari sa labas, pero kung alam niya, siguradong mabibigla’t matutuwa siya. Itinabi niya ang espadang wala pang hawakan at agad na sinimulan ang susunod na isa pang espada.

Sa labas naman ng silid, napanganga sina Hina, Crome, Rui, Hector at Evans. Wala rin silang ideya sa nangyayari sa labas ng lungsod.

Tutok na tutok pa rin sila sa ginagawa ni Finn Doria dahil hindi nila mapigilan ang humanga at hindi makapaniwa sa nagagawang tagumpay ng binata.

Maglilimang oras palang pero nakagawa na si Finn Doria ng dalawang armament. Sa totoo lang, hindi ito kahanga-hanga. Karaniwan lang ang bilis na ito para sa ibang tanyag na Blacksmith. Pero iba ang sitwasyon sa pagkakataong ito. Hindi pang Common o Rare Armament ang ginamit na materyales ni Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu