Sabrina (44)

137K 2.5K 1.6K
                                    

"Salamat po," magalang kong wika sa matandang lalaking nakangiti at palabas na ng suite ni Oliver.

"Salamat, Edgar," dagdag naman ni Oliver na noon ay nakatayo malapit sa dining table.  "Especially for these snacks. And stuff."

Napakunot-noo ako sa pagkakangisi ng housemate ko nang mabanggit ang salitang 'stuff'.  The old man also chuckled but said nothing kaya mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko.  Pagkatapos yumukod sa aming dalawa ay tuluyan na nga ring nagpaalam at umalis na ito.

As soon as we returned sa suite ni Oliver, bigla kong naalala na kailangan kong ibigay kay Rachel ang susi ng kanyang sasakyan.  Dahil hindi ko alam kung anong kuwarto ang maibibigay sa kanya mamaya or if whether she will stay here at The Adriatico, balak ko sanang iwan ang susi sa front desk.  I-te-text ko na lang pagkatapos si Rachel para sabihin that the keys are at the front office.  Ang kaso, ayaw pumayag ni Oliver na lumabas ako.  So we compromised.  He called for his butler.    

Ilang minuto pagkatapos maibaba ang telepono, may kumakatok na sa pinto at si Edgar na nga iyon na may dalang isang pinggan ng snacks na agad nitong nilapag sa dining table.  Tinubuan ako ng ilang nang ma-realize ko that being inside a man's room nang disi-oras ng gabi must look improper to the butler.  He looks like he's from my grandmother's generation and my lola would have disapproved of what I am doing.  I wanted to dive behind the black-out curtains ng living room para magtago pero I know I will look even more stupid that way.  Kaya pinigilan ko ang ang aking sarili.  Good thing lang at mukhang hindi naman judgmental ang butler.  Or he was just too professional to show his real thoughts and feelings on his face.  

Lumapit na rin ako sa dining table.  "What was that all about? Anong stuff?"

He chuckled bago may pinulot mula sa pinggan at tinapon sa parte ng mesang pinakamalapit sa akin. Red exploded on my cheeks when I recognized what they were.  Tatlong pakete ng condom.  That's the stuff na nginingisihan nilang dalawa ng butler.  

Lupa, lamunin mo na ako please.

"I'm on the pill."  Hindi ako makatingin kay Oliver nang sinabi ko iyon.  Hindi namin kailanman napag-usapan ang tungkol sa proteksyon.  I didn't know how to broach the subject with him so I dealt with it on my own.

"I know."  Napa-angat ako ng tingin at napatitig sa kanya.  Kumibit-balikat lang siya sa katanungang nakikita niya sa aking mga mata.  "I saw them inside your bathroom drawers.  Are you taking them religiously?"

Napilitan akong tumango.  The university doctor was very clear on the importance of never missing a day.  

"We don't really need these then.  Unless you insist on it.  You feel amazing bareback," walang kagatol-gatol niyang sabi.  Bumaba sa aking leeg ang pag-iinit na nararamdaman ko sa aking mga pisngi.

"Don't you want to get pregnant by me?" he asked, curiosity evident in his voice. 

If the question is a joke, his serious expression does not fit.  "Nag-aaral pa tayo, Oliver."  

He shrugged.  "So pagka-graduate nating pareho, in two years time, puwede na?"  Lumapit siya sa akin at hinapit ang aking baywang sabay sapo sa aking puson.  "I want a lot of kids.  Malungkot ang nag-iisang anak."

I stared up at him.  "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

He grinned down at me.  Wickedly.  "We're going to be together a lot in the foreseeable future, Rodriguez.  Since wala akong balak maging mongha for all that time, kids will definitely be in the picture.  Kids, love.  Plural.  I'd rather that they be here sooner.  But sure, I can wait.  Huwag lang masyadong matagal.  Hindi tayo makakarami kung masyadong matagal.  I want at least six."  

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Where stories live. Discover now