Sabrina (43)

132K 2.5K 1.3K
                                    

"Sarap hampasin ng lalaking 'yon for putting me on the spot like that," naiinis kong anas kay Rachel na nakatayo sa tabi ko. 

Her arms are over the railing samantalang nakasandig naman ako doon.  Pinagmamasdan niya ang mga nagtatayugang skyscraper ng Manila samantalang ako naman ay tinitingnan ang kumpulan ng mga blocmates namin na noon ay nasa kabilang bahagi na ng malawak na pool.  She saved me from them a few minutes ago  by dragging me here.  Natameme ako sa kung anong paliwanag ang ibibigay ko sa kanila para tigilan nila ang panunukso sa akin.

"That would be fun to watch," nakangisi niyang wika sabay sulyap sa akin.  "Let me get the popcorn first, huh." 

"Ree naman eh.  Seryoso na kasi 'to."  

Nagngingitngit na ako rito pero parang wala lang sa kanya.  Mukhang natutuwa pa siya sa nangyayari sa akin.

"I agree," sambit naman nito.  "Mukhang seryoso na nga si San Martin.  Luma-'love' na nga daw eh."  

"Ewan ko sa'yo," asik ko sa kanya.  "Isa ka pang pang-asar din.  Dinala mo ba ako dito para masolo ang pang-a-alaska sa akin?"

Mahina niya akong pinagtatawanan na lalong nakadagdag sa pagka-inis ko.  Parang nananadya pa na nanunukso ang tingin niya sa akin habang sinisipsip ang alak na mahina nitong iniikot sa loob ng basong hawak.  Base sa amoy, mukhang brandy ang iniinom niya.  

"Isn't it too early for a hard drink?," nayayamot kong tanong.  

Kumibit-balikat lang siya at inisang tungga ang laman ng baso at katulad ko, sumandig na rin siya. Dalawa na kaming nakatingin sa grupo ng mga kaklase namin.  In the middle of that group is Maise na nangunguna kanina sa pag-uusisa sa akin.  Hindi nga lang siya masyadong makatanong kanina dahil naunahan na siya ng iba naming mga kasama tapos hindi rin ako makapagsalita ng maayos.  Tinadtad lang ako ng panunukso nila.  

I could see some of them staring at us before whispering among them. Tiyak na pinagpipiyestahan kami ni Oliver sa bahaging iyon.  Kung nasa harapan ko lang talaga ang housemate ko na iyon, nasuntok ko na talaga.  Napahalukipkip na lang ako at ipinagpatuloy ang pagmamasid. 

"Nakakabuwisit talaga ang lalaking 'yon."

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong makipaglaplapan ka sa tapat ng elevator na nasa tapat din ng entrance papunta dito?," pabulong na komento ni Rachel.

Napapikit na lang ako at napatingala sa kalangitan, asking the gods for more patience.  Nang makaipong muli ng pasensiya, muli ko siyang binalingan.  "Makailang ulit ko ba kailangang sabihin na hindi nga ako nakipaglaplapan?"

Napaismid siya.  "You wanna play the semantics game with me, huh?  Fine.  Hindi ka nakipaglaplapan.  Nakipaghalikan na lang.  Ano, okay na 'yong word?  Tanggap na ng sensibilities mo?"

Kung ito na lang kayang si Rachel ang suntukin ko?  I'm doing mental calculations kung ilang taon akong makukulong kapag itinulak ko itong katabi ko mula rito sa 41st floor.  Sororicide is looking a lot better as time passes by lalo na at mukhang wala siyang balak tumigil sa kakainis sa akin.  

Nahahalata naman niyang I'm silently plotting her murder dahil agad siyang naglambing.  Patagilid niya akong niyakap at ipinatong pa ang baba sa aking balikat.  Tinitigan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay.  

"You know I love you, right?," pagpapa-cute pa nito.

I snorted at that.  "That won't prevent your face from splattering across the pavement kapag tinulak kita dito."

Napahagalpak siya ng tawa na ikinalingon muli ng grupo nina Maise sa amin.  Maging ang ilang mga taong nakaupo sa iba't ibang mga pool lounge chairs na nagkalat sa area at iba ring mga nasa pool na mismo ay napatingin na rin sa amin.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Where stories live. Discover now