Sabrina (25)

173K 2.3K 574
                                    

"Sabi ko naman kasi sa'yo. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa hanggang doon sa club."  Makailang ulit ko na itong sinasabi dito sa housemate ko but he kept on ignoring me.  I could hear him muttering under his breath habang nagkakandahaba ang leeg sa kakahanap ng parking spot.  Kanina pa kami-paikot-ikot sa ilang streets for parking.  

"Kung ibinaba mo kasi ako sa Petron kanina, hindi ka na sana ngayon namumroblema.  At nakarating na sana ako."  Hindi ko napigilang idagdag.  That statement earned me a glare.

"Really?  Nakarating ka na doon?"  His tone is full of sarcasm.  "Eh hindi mo nga alam ang eksaktong pangalan ng club."

Nasayang ang eyeroll ko sa sinabi niyang iyon dahil hindi niya naman nakita.  Sakto kasing nakakita siya ng masisingitang spot and he is easing the car into it at nandoon ang atensyon niya.  

Oliver has a point about me not knowing where Osiris is but I didn't tell him that of course.  Nasa mood ako to be contrary dahil naiinis ako na hindi niya ako hinayaang mag-commute.  I accepted his offer na ihatid ako pero hanggang sa Petron lang sana.  And from there, I planned to commute.  Maliban pa sa ayaw ko na sana siyang abalahin pa, to be honest, I don't want to be seen with him.  Hirap na nga akong mag-come up ng cover story na ibibigay kay Jake if he asked about the male voice who told him I was coming.  What will I say about going to Osiris with Oliver San Martin in tow?

Pero nasira ang mga plano ko dahil nang sabihin kong mag-co-commute na lang ako from Petron, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa and growled out a stubborn, "In that?  Not bloody likely."  At pinaharurot na niya ang sasakyan padiretso dito sa university area.  

Nang maayos nang maipark ni Oliver ang sasakyan, bumaling siya sa akin at inabot ang lock ng seatbelt ko.  Hindi ko maiwasang mapadikit ng todo sa sandalan ng kinauupuan ko sa gulat.  Pigil na pigil ang paghinga ko sa sobrang lapit na naman ng mukha niya sa akin.  If I breath normally, paniguradong manunuot na naman sa akin ang lalaking-lalaking amoy nitong housemate ko.  It took a lot of concentration on my part not to get distracted inside his car with his scent all over me.  Near to torture na ito halos.  At parang nanadya pa ito na ang tagal niyang bumalik sa ayos ng pagkaka-upo.

"Hey.  Are you alright?  Ang tense natin, ah," kunwa ay nag-aalala niyang tanong sa akin.  Pero obvious naman sa ngisi niya na aware siya sa predicament ko.  The obnoxious jerk.  

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito.  "Apektado ka na naman ng kamandag ko, noh?  Sige na, halik na."  Sabay mahina nitong tapik ng daliri sa pisngi nitong nakaharap sa akin.

"Alam ba ng mga fans mong saksakan nang kapal ang mukha mo?," asik ko sa kanya na lalo lang ikinalakas ng kanyang tawa.

"Kunyari pa 'to eh halik na halik naman. Huwag ka nang magpigil.  Sunggaban mo na ako. Nahiya ka --"

At kinabig ko nga ang ulo niya para gawaran siya ng isang mabilis na halik sa pisngi bago siya binitawan naman agad.  Tama naman kasi ito.  Halik na halik naman talaga ako.  Kanina pa.  Since inabot niya ang seatbelt ko para isuot sa akin.  Kahit na anong saway ko sa sarili ko earlier not to fall for his cheap pa-gentleman tricks I still felt weird.  Kamandag, indeed.

Nang mag-angat ako ng tingin, nakangiting nakatunghay siya sa akin.  At doon ko napansing may lipstick mark ang pisngi niya.  Nahihiya kong inabot ng aking kamay ang mukha niya para burahin iyon.  Hindi naman siya gumalaw ang just waited for me to finish cleaning the evidence ng aking kapangasahan sa kanya.  Bago ko pa man tuluyang mabawi ang kamay ko, inabot niya iyon at ginawaran ng mabilis na halik sa gitna ng aking palad while simultaneously unlocking my seatbelt.  I felt that kiss through my every nerve.  Hindi pa man ako nakakarating sa club, parang nalalango na ako.  Kay Oliver.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon