Sabrina (2)

294K 3.5K 1K
                                    

That house tour with Kuya Engineering sold the apartment to me and umalis kami doon na buo ang desisyon kong magbigay ng offer for the available room.

Kung gaano katagal bago ko nahanap ang perfect apartment, ganoon din kabilis akong nakapaglipat. The day natapos ang contract ko ay ang same day din ng paglilipat ko with the helpful assistance of kuya engineering.

"Sigurado ka bang hindi sa'yo 'tong apartment na 'to? Baka naman pinagloloko mo ako, ha." Kakalapag lang niya ng isa sa mga suitcases ko sa tabi ng kama.

He can't blame me for being so suspicious. Hindi ko pa nakikita ang housemate ko at si kuya engineering lang ang kausap ko the whole time. Ang explanation na binigay niya sa akin was that the other renter went home for the sembreak kaya siya na lang muna ang pinakiusapang umasikaso sa akin.

"Hindi nga. Wish ko lang na dito din ako nakatira."

"Eh bakit nga ba hindi na lang ikaw ang nagrent dito?"

"My parents would never agree to me living out of the house samantalang ang lapit din ng bahay namin sa Uni."

Nasa probinsya ang location ng Uni ko pero mas probinsyana ako. So pagrerenta talaga ang life ko. Hindi ko afford and airplane tickets para mag-uwian sa amin. At hindi kakayanin ng katawan ko ang biyahe sa RoRo.

"Pero hindi man lang magawang makipagkita sa akin ng kaibigan mo bago umuwi? Hindi ba siya nag-aalala na baka hindi niya gusto ang personality ko kasi hindi niya man lang ako kinilatis muna? Or na baka akyat-bahay gang member ako at pagbalik niya dito literal na sahig na lang matitira dito sa apartment? "

Ang lakas ng tawa ni kuya engineering sa mga tanong ko when they are valid concerns. Nagpupunas pa siya ng luha sa gilid ng mga mata sa sobrang kakatawa.

"Pagdating niya two weeks from now at hindi ka niya magustuhan, puwede ka naman niyang palayasin."

"Whaaat?" Napakurap-kurap ako.

Shit! I didn't sign a contract of lease pero naghulog ako sa BPI ng two months advance at one month deposit ko na renta. Hindi puwedeng mapalayas ako on a whim! Tumawa na naman si kuya engineering and then I got it na he was pulling my leg on the palayas remark.

"Relax, Sab. Oli trusts me. Alam niya namang hindi ko siya hahanapan ng housemate na masamang-loob."

I don't know who Oli is pero I assumed na siya ang other renter ng bahay. Nakalipat na ako at lahat pero pangalan ng kasama ko sa bahay hindi ko kilala. I just assumed that Oli is a nickname for Olivia and that she is a good person like Ate Housemate ko dati.

Hindi ko agad nalaman na letting go of the issue about the unseen and unmet housemate was a huge mistake until it bit me in the ass two weeks later.

My housemate arrived in the middle of the night without notice. The only warning I got is the kind of fight or flight response you get when you thought you are being burgled, malayo ang mga kapitbahay mo, at lowbatt ka kaya wala kang matawagan for help.

I crept down the stairs towards the kitchen and reached for a frying pan. Sa mga oras na 'yon, I was thinking that if I survive the night, I would definitely buy a baseball bat. And then I crept towards the sala and waited sa gilid ng front door.

Naririnig ko ang kaluskus ng whoever mula sa labas na parang may hinahanap na kung ano sa mga bushes. The burglar must be looking for the keys at hindi na ako nasosorpresa. The whole University must know kung saan nilalagay ng housemate ko ang susi ng bahay namin. If I survive tonight, Olivia and I are definitely going to have a very long talk about safety and security of the house keys. And we are going to change the front door lock.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Where stories live. Discover now