19%

548 38 1
                                    

19%

Nagmulat siya sa liwanag... nakakasilaw na liwanag.

Liwanag?

Pumikit siyang muli at humugot ng malalim na hininga. It was then he realized he breathes through an artificial respirator.

Gradually, cold seeps through his body. Ang gaan niya. mistula siyang lumulutang sa malamig na kawalan.

"Mortimer..."

May tumatawag sa pangalan niya. Boses-lalake na hindi niya narerecognize.

"Mortimer..."

Ayaw niya sa pangalang iyon. Hinding hindi na niya iyon gagamitin.

"Mortimer..."

"Tumahimik ka! Ayoko nang tatawagin mo ako sa pangalang iyan!"

"Kung ganoon, ano'ng gusto mong itawag ko sa iyo?"

"Kung ano ang gagawin ko ngayon... iyon ang pangalan ko!"

Iniahon niya ang mga braso. Nangapa siya ng makakapitan. Dahan-dahan niyang itinaguyod ang kanyang sarili. "RISE!" Sigaw niya.

Kamuntikan na siyang mawalan ng balanse at mapahigang muli ngunit wala siyang balak. Hindi na siya mahuhulog pang muli ngayong umahon na siya. Isa na lang ang dapat niyang gawin...

Muli, sinubukan ni Rise na imulat ang mga mata niya ngunit parang hindi pa handa ang paningin niya. Hindi siya makapag-adjust sa liwanag. "LIWANAG! AYOKO SA LIWANAG! AAAARRRGH!"

"Papatayin ko ang ilaw kaya kumalma ka."

Narinig ni Rise ang yabag ng kumakausap sa kanya. Narinig rin niya ang tunog ng switch. " Subukan mo nang imulat ang mga mata mo."

He did what he was told. Maayos na siyang nakakakita pagmulat niya. Nakatunghay sa kanya ang isang binata. Hindi pa niya ito nakikita kahit kailan ngunit pamilyar ang kulay silver nitong nitong buhok, maging ang mga mata nitong kakulay ng dugo.

"Ako si Shin," pagpapakilala nito sa kanya. "Maraming taon na ang lumipas kaya lumaki na ako... at ganoon ka rin."

May iniabot si Shin sa bedside table. Isang face mirror. "Iniwan ko ito dito para paggising mo, makikita mo kaagad ang laki ng ipinagbago ng pangangatawan mo."

Sinipat ni Rise ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi na siya iyong batang natatandaan niyang siya. The only thing that remained was his heterochromatic eyes.

"N-Nabuhay ako?"

Umiling-iling si Shin. "Ka-wirdo-han. Bakit hindi mo alam na buhay ka pa? Buhay ka naman talaga; ngunit ngayon mo lang napagdesisyunang gumising. Hinintay lamang kita. Pinaghintay mo ako."

Napayuko si Rise. Is there really a way to know you're still alive when you're in a deep slumber? That's really impossible.

Nakahihinayang rin ang napakaraming taon na lumipas. Nagpatuloy ang buong mundo nang wala siya. His time was stopped and now he's left behind.

"Ang alam nila ay patay ka na. Sinukuan ka na ng iyong ama. Pinapabayaan na lamang niya ang katawan mo na mapabilang sa mass grave pagkatapos ng digmaan... pero nangako ako sa iyo kaya naman ginawa ko ang lahat para sa iyo. Don't feel disappointed now. Ako na ang nagsasabi sa iyo, nagbalik ka sa paborableng taon."

Tumitig si Rise sa mga mata ni Shin. Wala pa rin siyang mahinuha sa walang kabuhay-buhay nitong mga mata. But Shin's words are the most comforting at the time of Rise's awakening. He embraced his one and only friend.

He trusted Shin. He believed in him. But it doesn't mean he'll embrace Shin's ideal world.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon