28%

232 17 2
                                    

28%

Tumigil si Cya sa pagtugtog nang may marinig siyang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang private room.

"Sino iyan?" Tanong niya nang hindi umaalis mula sa pagkakaupo sa harap ng piano.

"Mr. C-Cya? Mayroong mga Night police na gusto kang maka-"

"-LAIRD! P-PARANG AWA MO NA, TULUNGAN MO AKO!" The voice of one of the event staff was cut-offed by the panicky voice of Cya's Protector, Olivia.

Cya glanced at Rise. Makahulugan iyong tumango at pagkatapos ay lumabas ng silid mula sa bukas na bintana. He, on the other hand, stood up and went for the door.

May ilan ding tao ang nabungaran niya pagbukas ng pinto. Bukod sa tatlong event staff at kay Olivia, hindi na niya kilala ang iba, ngunit pamilyar siya sa suot nilang uniporme.

"L-LAIRD!" Olivia instantly advanced towards him.

Cya feigned an anxious smile. "A-Ano'ng mayroon? Bakit may mga pulis at-" He paused a bit and stared at his Protector. "Bakit ka apprehended, Olivia?"

May suot na apprehension bracelet si Olivia. Sa unang tingin ay mukha lamang iyong ordinaryong bracelet ngunit mayroon iyong needle sensor na nakabaon sa pulsuhan ng dalaga. Sa mga oras na ito ay kontrolado na ng microchip na nasa bracelet ang orb na nakabaon sa balat ni Olivia.

She can resist and run away but once she does, her license orb will explode. It will certainly kill her.

Nakakatakot mang isipin na ang license orb na ngayon ang nagdidikta ng buhay at kamatayan ng mga mamamayan, iyon ang disiplinang kailangan ng mundong ito.

Sa kasamaang palad, may disiplina man o wala, sadyang mabubuhay at mamamatay ang mga tao na hindi pantay-pantay. Habambuhay nang may nanloloko dahil habambuhay ring may mga nagpapaloko.

That is why Cya can never trust anyone...

"Mr. Cya Farell, mukhang magnet ka talaga ng mga masasamang nilalang," concerned na sabi sa kanya ng isa sa mga event staff.

"Masyado kasi siyang mabait sa lahat kaya sinasamantala siya!" Bulong ng isa pang event staff sa katabi nito ngunit dinig na dinig naman ng lahat.

"T-Teka..." Nagugulumihanan na si Cya.

Lumapit ang isa sa mga pulis. "Mayroong pinatay ang iyong Protector."

Halos mawalan ng panimbang si Olivia, mabuti't naging maagap si Cya sa pagsalo sa kanya. "Olivia... ano ba ng nangyari?"

"Laird, w-wala akong kasalanan, maniwala ka! Ni hindi ko alam kung bakit nila ako sinasangkot sa krimeng nangyari! Hinatid ko lamang si Inspector Dion Arciel gaya ng bilin niyo!"

Bumaling si Cya sa mga kinauukulan. "Ano ang mga sinasabi ng aking Protector? Ano'ng nangyari kay Inspector Arciel?"

Nagkatinginan muna ang mga pulis bago siya sinagot ng isa. "Brutal siyang pinaslang sa eskinitang malapit lamang dito sa amphitheater. Doon naitala ang pagsabog ng kanyang license orb. Since miyembro siya ng isa sa aming mga investigation unit, direkta naming nalalaman ang status ng kanyang orb."

"Ano'ng kinalaman ng aking si Olivia sa pamamaslang?" Kunwa'y hindi pa rin mawari ni Cya ang naganap. "May ebidensya ba kayo? Nasuri niyo na ba ng mga kuha ng CCTV?"

Umiling ang karamihan sa mga kaharap ni Cya. "Sorry pero sira ang control room, Mr. Cya. Mayroon na namang nangialam sa signal kaya naging unusable ang mga wi-fi operated CCTVs natin. P-Pero nagpadeploy naman kami ng maraming security unit kanina sa labas at marami nga ang nagconfirm na nakita nila si Olivia na huling kasama ng inspector."

Makahulugang tumingin kay Cya ang isang pulis. "Sa palagay namin ay may kasapakat siya na sinadyang sumabotahe ng mga signals para magawa ang krimen. Pero kung sa akala niya ay makakatakas siya-"

May inilabas na isang maliit na botelya ng pabango ang pulis na nakalagay sa loob ng isang zip-lock bag. "Pamilyar po ba kayo sa brand ng pabango na ito?"

"Ang Dark Passion..." Bulalas ni Cya.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon