11%

855 41 6
                                    

11%

15 Years ago...

"Mortimer Hughs..."

Lumingon ang siyam na taong gulang na batang tinawag ni Desmund, isang dating martial arts choreographer at stuntman sa mga pelikula.

Sa panahon ngayon, hindi na kailangan ng mga tao ang mga pelikula o kahit na anong uri ng leisure dahil ang priority ng kahit sino ay ang paghahanap ng makakain at proteksyon laban sa mga masasamang loob. Magkagayunman ang sitwasyon, sinikap ni Desmund na mapakinabangan ang kanyang kakayanan upang mabuhay.

Isa siya ngayong personal na trainor ng batang si Mortimer, ang bunsong anak ng Minister of Defense ng kanilang bansa.

Mahigit labinlimang taon na rin buhat nang matapos ang pinakahuling pandagdigang giyera; sirang-sira pa rin ang outskirts ng zone kung saan lamang puwedeng mag-scavenge ang mga mamamayan na kailangan pang magsuot ng gas mask. Mga underground shelter pa rin ang pinakaligtas na tirahan. Nagkakaproblema pa rin ang mga doktor at mananaliksik dahil sa mga abnormality ng mga sanggol na isinisilang.

Higit sa lahat, hindi pa rin natatapos ang paksyon sa pagitan ng Minister of Defense at ng Presidente mismo ng bansa. Sa palagay ni Desmund ay hindi nakatutulong ang Civil war para muling ibangon ang bansa. But it can't also be helped. Marami ang sumisisi sa Presidente kung bakit pumayag itong maging base militar ang kanilang bayan ngunit marami pa rin itong tagasuporta lalo na't magaling itong makipagnegosasyon sa mga kaalyadong bansa.

Kahit papaano ay unti-unti nang dumarating ang mga tulong. May regular na nag-e-air drop ng bulto-bultong supply ng mga pagkain at kung anu-ano pang necessity. Sinimulan na rin ang pagpupurify ng mga volunteers ang hangin.

Ilang taon na lang ang bibilangin at maaari na uling malakaran ang lupa. Maaayos na ng mga tao ang mga nasirang gusali at kalsada. Mapapasimulan na rin ang pagtatanim at pagmamanufacture. Marami na ulit ang magkakatrabaho't magkakaroon ng kita. Magkakaroon na rin ng halaga ang salapi. Hahanap na ang mga tao ng pagkakagastusan, magsasaya. Babalik na ulit ang entertainment industry at ang inaasam ni Desmund na pagkakaroon muli ng mga pelikula. Babalik na rin sa normal ang lahat. Para sa isang gaya niya na nakasaksi at nakaranas ng matinding delubyo noong giyera, walang makasisira sa inaasam niyang pangarap.

Nagbalik sa kamalayan si Desmund nang kalabitin siya ni Mortimer. Iritable ang bata, ayaw kasi nitong tinatawag ito sa buo nitong pangalan ngunit ginagawa ni Desmund para mabilis niyang makuha ang atensyon nito.

Sinindihan lang naman niya ang tactical flashlight ni Mortimer na naka-attach sa suot nitong helmet. "Makakakita ka ba nang maayos kung hindi ka gagamit ng ilaw?"

"Pero nakikita ko nang malinaw ang dinaraanan ko!" Katwiran naman ni Mortimer.

Si Desmund na mismo ang nakadiskubre sa kakaibang kakayahan ni Mortimer. Heterochromatic si Mortimer. Kulay kape ang kaliwa nitong mata samantalang ang kanan naman ay kulay asul. May paniniwala siya na may taglay na super ability ang asulang mata ng bata.

Napakatalas ng paningin nito sa dilim na maigi lalo't sa dilim sila naninirahan. Bukod pa roon, may sapantaha rin si Desmund na nakakakita si Mortimer ng mga bagay na hindi makakayang makita ng ordinaryong mata lamang.

Subalit may balik iyon sa kalusugan ng bata. Tinuktok ni Desmund ang helmet na suot ng kanyang estudyante. "Gusto mo bang magdugo na naman ang mga mata mo, huh?!"

"AW, MASAKIT POOO! OO NA PO, MAG-IILAW NA!"

Nakasimangot siyang tinalikuran ni Mortimer at nagpatuloy na ito sa pagtawid sa isang makipot na platform na gawa sa bakal. Kailangan nilang mag-ingat dahil kapag bumigay ang flatform, babagsak sila sa rumaragasang water system. Galing sila sa Western opening upang mag-scavenge at humingi ng rasyon at ngayon ay pauwi na sa kanilang hub.

Mayamaya ay bilang bumilis ang pace ni Mortimer. "Hoy, bata! Bakit ka nagmamadali?" Sita niya rito.

"M-May nakikita ako. I-checheck ko kung ano!" Mas lalo pang bumilis si Mortimer hanggang sa tumatakbo na ito. Hindi magawang makasunod kaagad ni Desmund dahil sa siya ay mabigat at baka bumigay ang platform kapag tumakbo rin siya.

"Mortimer Hughs! Magdahan-dahan ka! Sabay nating tingnan kung ano 'yung napansin mo."

Effective talaga sa estudyante niyang matigas ang ulo ang pagtawag niya rito sa buong pangalan. Nagawa niyang mapahinuhod ito.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon