24%

357 25 0
                                    

24%

"Ikaw!" Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Dion. Sinugod niya si Cya at kinuwelyohan ito.

"Huwag mo akong hawakan," kalmadong utos ni Cya sa inspector.

"At bakit hindi? Inaaresto kita!" Dion seized Cya's arm with his right hand. His other hand fished out his communicator radio inside his breastpocket.

"Magpadala kayo ng mga pulis. Aarestuhin ko si-"

"Pakawalan mo siya, inspector Arciel." Natigilan si Dion sa narinig na boses sa kabilang linya.

"Sino ito?!" He demanded even though the voice he heard a while ago sounded familiar.

"Hindi mo ba kilala ang boses ng superior mo?!"

Naguguluhan na si Dion. "P-Pero Chief? Bakit? Naka-bugged ang usapan namin at ini-stream ko iyon sa HQ. INAMIN NA NIYA ANG LAHAT, KAYA BAKIT PA SIYA DAPAT PAKAWALAN?!"

Nagulat si Dion nang agawin sa kanya ni Cya ang communicator nito. "Hello. Napansin kong hindi ka sinusunod ng mga subordinates mo. It's either your department is recruiting hardheaded people or you're just lacking charisma?"

Kahit ayaw ni Dion, binitawan niya si Cya. Subordinate pa rin siya ng kanyang chief at hindi matatanggap ng pride niya na may sinasabing hindi maganda sa mas nakakataas sa kanya kahit pa totoo naman. Habang malayo pa ang kanyang promotion, mas makakabuti kung mananatili siyang loyal. Gusto niyang makita siya ng mga tao sa kanilang department bilang isang huwaran na nagsimula sa pinakaibaba at nagsikap para umangat.

Pinatay ni Cya ang communicator at ibinalik iyon kay Dion. "Kakaiba ka... loyal ka pa din sa kanya kahit na alam mong tahasan siyang nakikipagsabwatan sa akin?"

Umiwas ng tingin si Dion. Bumaling siya sa salaming bintana at pinilit na magkainteres sa mausok at madilim na kalangitan.

"Alam mo ba, wala na rin naman siyang pakinabang sa akin? Puwede ko na siyang ipadispatsa ngayon din mismo, kung gugustuhin ko lang."

Dion was provoked to look at Cya again. "Daig mo pa ang gagambang maraming galamay dahil nagagawa mo ang kahit na ano'ng gustuhin mo nang hindi ka man lang umaalis mula sa ligtas na distansya."

"Hindi ba't gusto mo ang posisyon niya? Puwedeng mapasaiyo kaagad iyon... depende kung maganda ang i-o-offer mo sa aking-"

Dion waved his hand impatiently. Hindi na niya gustong marinig pa ang iba pang sasabihin ng kanyang kausap. "Aalis na ako. Kung hindi man ngayon, maaresto din kita sa susunod. Hahanapan ko kayo ng koneksyon ng aking superior at pareho kayong magbabayad sa mga ginawa niyong krimen."

Napatda si Dion nang pagpihit niya sa direksyon ng pinto ay may nakatayo na doong maliit na babae nakasuot ng puti na ang tabas ay hindi maipagkakailang uniporme ng isang Protector.

"Siya si Olivia, ang aking Protector... Ihahatid ka niya sa labasan."

Bago pa makatutol si Dion ay nakaangkla na sa isa niyang braso ang kamay ni Olivia. Wala na siyang nagawa kundi ang magpaakay dito.

"Inspector Arciel..."

Nilingon ni Dion si Cya Farell. Nakangiti iyon nang nakakaloko. "Seryoso ang sinabi kong ikaw na ang susunod na mamamatay. Ha-ha-ha!"

"Huwag mong intindihin ang aking Laird." Bulong ni Olivia kay Dion. "Sa palagay ko ay nagbibiro lang siya. Ganiyan siya kapag nakakainom ng alak, kahit kakaunti lamang."

"Umiinom siya?" Ganting bulong ni Dion kay Olivia.

Tumango ang protector. "Umiinom siya kapag mayroon siyang performance ng isang espesyal na alak na walang amoy. Pampabawas ng nerbiyos. Kaya huwag ka nang masyadong mag-isip pa ng kung ano. Tandaan mong Protector ako. Walang maglalakas-loob na gumawa ng krimen sa harap ko."

--

Laird-The Scottish title Laird is a shortened form of 'laverd' which is an old Scottish word deriving from an Anglo-Saxon term meaning 'Lord' and is also derived from the middle English word 'Lard' also meaning 'Lord'. 'Laird' is a hereditary title for the owner of a landed estate in the United Kingdom and is a title of gentry.

Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Lord

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon