22%

474 32 0
                                    

22%

Sinalubong si Dion ng isa sa mga PA ni Cya Farell sa may entrance gawa ng wala siyang ticket para sa magaganap na palabas. Diretso lang ang kanyang tingin dahil ayaw na niyang isa-isahin ang mga nakahihiwang titig sa kanya ng mga nag-aabang na fans na halos magdamag pumila sa entrance ng amphitheater kahit pa kasagsagan ng masungit na panahon.

Inihatid siya ng PA sa second floor at kumatok ito sa pinto ng isa sa mga private lounge doon.

"Sir, nandito na po si Inspector Arciel," anito habang kumakatok.

Sumagot kaagad ang nasa loob. "Papasukin siya."

Pagkapasok ni Dion sa loob, kaagad na umalis ang PA. Nabungaran niyang nakaupo sa mahabang couch ang binatang pakay niya nang nakadekuwatro pa.

"Inspector Arciel, we meet again," nakangiting bati ni Cya Farell sa kanya. "Have a seat."

Pinaunlakan niya ito at naupo sa isa sa mga mini couches. Hindi ito ang unang beses nilang nagharap. Ang una ay noong ininterogate niya ito tungkol sa nawawala nitong manager. Sa pagkakatanda ni Dion, hindi pa nag-de-debut si Cya Farell nang mga panahong iyon. Ilang buwan pa lamang ang lumilipas ay naging isa na ito sa mga pinakasikat na modelo at idol mapa-local man o international.

"May problema na naman po ba? Ang akala ko ay cleared na ako sa kaso ng pagkawala ng aking manager?"

Sinuri ni Dion nang husto ang kausap. Wala itong ipinagbago. Confident pa rin ito sa kilos maging sa pananalita.

Malakas ang ebidensya noon na may kinalaman ito sa pagkawala ni George de Castro, ang dating talent manager nito. Base sa mga CCTV footages, pumasok ang manager sa kanyang kuwarto at hindi na nakuhanan ang paglabas. Doon na rin nag-deactivate ang orb niyon.

Makakasuhan na sana ito kung hindi lang 'not guilty' ang hatol sa kaso ng kanilang superior. Samantalang ang tanging basehan lang nito sa pagiging inosente ni Cya Farell ay ang unused orb nito sa braso. Hindi makapaniwala si Dion. Alam niyang capable si Cya Farell na pumatay base sa record nito. Hindi na primary ang orb na ipinangangalandakan nito.

"Ehem," tumikhim si Dion. "Pasensya na sa abala ngunit nais ko lang itanong kung may alam ka ba tungkol sa pagkawala ng ilang idols na ka-agency mo?"

Inaasahan na niya na wala itong isasagot. Tatanggi ito. Ngunit ayos lang. Titiyakin niyang hindi na ito maililigtas pa ng alibi nitong unused orb.

"Masuwerte ka ngayon, inspector dahil may alam ako..." Nakangiting anunsyo ni Cya.

Hindi iyon inaasahan ni Dion. "T-Talaga?"

"Alam mo ba kung bakit sila nawala?"

Pumailanlang ang katahimikan. Hinihintay ni Cya na sumagot ang inspektor subalit ito naman ay hinihintay na magsalita siyang muli.

"Hindi kasi nila matanggap na naungusan ko na sila sa kasikatan. Karamihan sa mga fans nila ay ako na ang iniidolo. Nakakainis nga naman iyon. Ayaw nilang magpatalo, ayaw ko rin namang magpatalo..."

Kumakabog ang dibdib ni Dion. Tahasan na bang inaamin ni Cya Farell na siya ang nasa likod ng mga nawawalang tao? "Bakit hindi mo pa ako diretsahin? Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa."

Dumilim ang anyo ni Cya Farell habang nakatingin ito kay Dion. "Nagpasya akong patahimikin na sila habambuhay... gaya ng ginawa ko sa aking dating manager at..." Ngumiti si Cya. "Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon