18%

540 39 5
                                    

18%

Maya't maya kung alugin ni Mortimer ang kanyang ulo. Posibleng sumasakit na iyon dahil sa matagal niyang paggamit sa kakayahan ng kanan niyang mata.

Hindi pa rin ito sumusuko. Nakaasinta pa rin ito sa malayo. Ipinapangako ni Shin na ito na ang huling beses niyang pagbibigyan ang kahangalan ni Mortimer.

Magbabago rin ito kalaunan... kapag nakaranas ito ng kabiguan.

Mayamaya pa ay sumapit na ang yugto na inaasahan ni Shin na mangyayari. Nagpapaulan na ng mga mortar bombs ang kalaban. Hinigit na ni Mortimer sa nocking point ang harpoon na pakakawalan niya.

Nu'ng sa akala ni Shin ay pakakawalan na ni Mortimer ang harpoon, pumihit ito paharap sa kanya at ibinalik ang harpoon sa quiver na dala niya. "Hindi ko na pala kailangang maniguro. Atleast saved ang isa kong harpoon."

Nablangko si Shin sa mga sinasabi ni Mortimer. Bakit hindi niya inaasahan ang senaryong ito? Ang akala niya ay kayang-kaya niyang basahin si Mortimer... "A-Ano'ng-"

"May sinabi ka tungkol sa suwerte... na maaari siyang mailigtas ng suwerte. Pasensya na kung pinagdudahan kita dahil sa hindi ko alam kung alin sa mga sinabi mo ang mangyayari."

Hindi maaari. Kung ganoon... "Huwag mong sabihin sa akin na lumabas tayo rito at kamuntikan nang mapahamak dahil sa gusto mo lang makita sa sarili mong mga mata ang pagkamatay ni Desmund?!"

"Bawal ba?" Lumalim ang tono ng pananalita ni Mortimer. "Bawal ko bang makita ang huling sandali ng taong itinuring ako bilang anak?"

Inilahad pa ni Mortimer ang duguan niyang mga kamay. "Nararamdaman ko ang sarap sa pakiramdam kapag may dinudurog akong tao gamit ang palad ko. Hindi ko maintindihan si Desmund kung bakit pinagbabawalan niya akong gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin... Alam mo, maraming beses ko na siya pinagtangkaang patayin pero hindi ko kaya. Kailangan ko pang maghintay ng tao o sitwasyon na gagawa nu'n para sa akin."

Nagsisimula nang mag-isip si Shin na may kakaiba na kay Mortimer. Napaatras siya ngunit dahil sa makipot lang ang fire exit ladder, napasandal agad ang likuran niya sa railing.

"Ano'ng problema, Shin? Hindi ba't magkaibigan tayo? Hindi ba... naiintindihan mo ako? Tingin ko ay naiintindihan rin ako ni Desmund kaya lang... natatakot siya sa akin. Ganu'n ka rin ba?"

Hinawakan ni Shin ang duguang kamay ni Mortimer. "Siyempre hindi. Naiintindihan kita. Tayong dalawa lang ang makakaintindi sa isa't isa, tatandaan mo iyan."

Lalapit pa sana kay Shin si Mortimer ngunit bumigay ang bahagi aluminyong kinatutuntungan ni Mortimer. Posibleng hindi na nu'n kinaya ang bigat ni Mortimer. Luma na rin naman ang fire exit ladder, kinakalawang pa.

Hawak-hawak ni Shin ang kamay ni Mortimer. Kumapit siya sa bakal na posteng hindi niya sigurado kung matibay pa ba. Unti-unting dumadausdos ang kamay ni Mortimer.

"Oh... madulas ang kamay mo dahil sa bahid ng dugo. Wala rin akong sapat na lakas para hilahin ka. Ayos lang ba na bitawan ko na ang kamay mo? Nagpapaalam ako nang maayos dahil kaibigan kita. Huwag kang mag-alala. Kahit ano'ng mangyari sa iyo, mabuhay ka man o mamatay, hindi ko pababayaan ang katawan mo."

Itinuwid ni Mortimer ang kanyang mga daliri. Bumilis ang pagdulas ng kamay niya. "Hindi kita gustong pahirapan kaya sige, gawin mo ang gusto mo. May tiwala ako sa iyo, kaibigan ko. Ikaw lang ang kaibigan ko."

Bumitaw si Shin. Nasaksihan niya ang pagbagsak ni Mortimer sa unang palapag. Natuhog ang musmos nitong katawan sa mga matutulis na remnants ng gumuhong bahagi ng fire exit ladder.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon