1%

2.9K 83 3
                                    

Note: Cya is pronounced Si-ya.

1%

Isang mundo kung saan payapa dahil sa karahasan.

Iyon ang perpektong konsepto ng mundo noong sinaunang panahon na kalaunan ay nawala dahil ang mga sumunod na henerasyon ng mga naging pinuno ay pawang mahihina ang kalooban.

Naniwala sila na makakamit ang kapayapaan kung walang digmaan. Subalit nagkamali sila sa bagay na iyon. Mas lalong lumaganap ang kasamaan sa mundo sa pag-abuso ng mga batas na kinikilala ang karapatang-pantao.

Lumipas muna ang isang dantaon bago may sumibol na mga bagong pinuno na ang mga ideya ay nagbabalik sa mundo sa orihinal nitong pamunuan noong sinaunang panahon.

At simula noon, nagbago na ang takbo ng buhay ng lahat ng tao. Nagbago ang kanilang mga ideya, kaisipan, at katatakutan...

"Happy birthday... Cya!"

Si Cya ay isang binatang mula sa pamilya ng mga elitista. Kulay kahel ang kanyang maalong buhok na hanggang balikat na ang haba. Ang mga mata niyang kulay luntian ay may itinatagong hindi maipaliwanag na kalungkutan at pagkabalisa.

Lumapit siya sa kanyang ina na siyang bumati sa kanya. Ito ang ikadalawampung kaarawan ni Cya. Siya ay sumapit na sa hustong gulang kaya naman nagdaos ng enggrandeng piging sa kanilang tahanan.

"Nanginginig ang mga kamay mo, Cya..." Puna ng kanyang ina nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Bakit ka ba nag-aalangan? Walang pa-"

Binawi ni Cya ang mga kamay at saka lumayo sa ina. Bumalik na lamang siya sa pagkakaupo sa kanyang paboritong armchair na nakaharap sa malaking bintana. "Hindi ako natatakot mamatay, mama."

Inunahan na niya ang ina sa gusto nitong sabihin. Akala nito ay natatakot siyang baka may bisita silang bigla na lang magtatangka sa buhay niya. Maraming kaaway ang kanilang pamilya kaya expected na iyon.

Ngunit hindi iyon ang ipinag-aalala ni Cya kung bakit ayaw niyang humarap sa mga tao. Takot na siyang magtiwala sa kahit na sino. Natatakot siya na makakilala ng taong kagigiliwan at pagkatapos ay tatraydorin lamang pala siya. The last time he trusted someone who's not a member of the family, his heart was crushed. Kahit kailan ay hindi siya natakot sa kamatayan. Ang kinatatakutan niya ay mamatay dahil lamang sa maling pagtitiwala.

Unpredictable ang kahit na sino sa panahon ngayon. All is capable of lying. Ang magaling lang na magagawa ni Cya ay ituring ang mga tao na pare-pareho at iwasan sila.

"Ang gusto ko ay hayaan mo na lang ako na manatili dito sa kuwarto ko," pagpapatuloy ni Cya sa sinasabi niya sa kanyang ina.

His mother sighed is distress. "Alam mong hindi ka maaaring manatili nang ganito habambuhay. Ngayong nasa edad ka na, kailangan mong magbigay ng serbisyo para sa gobyerno lalo't tumuntong ka na sa legal age."

"Alam ko iyon, mama," iritableng sagot ni Cya. Tumayo siya at binuksan ang drawer ng kanyang dresser. May kinuha siya roong isang bukas na sobre. Iniabot niya iyon sa kanyang ina. "Huwag mo nang alalahanin ang tungkol doon. Tinanggap na ako ng isang agency."

Kunot-noong binuklat ng ina ang sulat. Nanlaki ang mga mata nito pagkabasa sa nilalaman niyon. "Ano?! Magmomodelo ka?! P-Pero akala ko ay gusto mong luminya sa military services dahil sa haba ng panahong ginugol mo para mag-training?"

Marahang ngumiti si Cya. "Ayoko sa mga tao at walang makakapilit sa akin na gustuhin ang ayaw ko. Nasa magandang posisyon ako kapag sumikat ako. The more I gained popularity, the more I can become untouchable... and I can have all the favors I wanted."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon