12%

633 46 4
                                    

12%

Pagkatapos nilang makatawid sa platform, imbes na kumanan pauwi sa hub, kumaliwa si Mortimer patungo sa butas na papasok sa dating subway station ng siyudad. Napansin ni Desmund na nadeformed ang malaking bahagi ng rolling shutters ng entrance ng subway kaya pumapasok na ang polluted air.

Mga ilang metro pagkatapos ng nasira ring escalators ay nakahimpil ang isang van na sirang-sira ang harapan. Malaki rin ang damage ng ilalim niyon dahil kalas ang dalawang gulong sa harap.

Desmund already got the picture. Isang van ang bumangga o sadyang binangga ang rolling shutters para puwersahing makapasok ng subway. Nataon pang oras ng rasyon kaya wala ang mga nagbabantay. Kulang na kulang sila sa tao kaya naman hindi iyon maiiwasan.

Patay ang driver na nagmamaneho ng naturang van. Negatibo na ang mga vital signs niyon nang i-check ni Desmund.

Kinuha niya ang kanyang radio communicator. Tatawag siya ng emergency para mapalitan kaagad ang rolling shutters. For the meantime, kailangan na niyang pabalikin si Mortimer dahil sa nakalalasong hangin.

"Mortimer bumalik ka na muna sa-"

Pinipilit na buksan ni Mortimer ang likurang pinto ng van. Bakit kaya?

"Mortimer? A-Ano'ng-?!"

Bahagyang naalarma si Desmund nang makita niya ang asul na mata ng bata. Kakaiba iyon kaysa sa normal niyong hitsura. May nasesense bang kakaiba si Mortimer na nasa loob ng van?

Mahirap magtanong kay Mortimer dahil maging ito mismo ay hindi kayang iinterpret ang mga bagay na nakikita nito unless actual na.

Tinulungan na lamang ni Desmund ang bata na buksan ang pinto. The door was crunched and it won't budge. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Siguradong may mga tools na iniiwan dito ang mga tagabantay. Sa tabi ng supossedly ay ticketing booth nakasandal ang pila ng mga crowbar. Desmund seized one.

He forced open the van's door with the help of the crowbar and Mortimer's little efforts. Tumambad sa kanilang dalawa ang isang batang lalake- either mas bata o mas matanda kay Mortimer ngunit mukhang hindi naman nalalayo ang edad nila. The boy looked albino. Sobrang puti nito at maging ang buhok nitong gulo-gulo. Kakulay ng dugo ang mga mata nito. He was wearing an unfastened straightjacket and he's clutching a mobile phone with visible cracks on its screen.

Expected ni Desmund ay takut na takot ito dahil sa ride of hell na nangyari na ikinamatay ng driver, but no. Walang kahit na anong emosyon na mababakas mula sa mukha nito.

Hindi rin inaasahan ni Desmund ang nakita niyang ekspresyon sa mukha ni Mortimer. Namumula ang mga pisngi nito at hindi maitago ang galak. Bihira ang mga bata sa hub kung saan nahihimpil ang Minister of Defense kaya puros nakatatanda ang nakakasama ni Mortimer. Maging ang mga kuya niya ay puros teenager na. Marahil ay masaya ito dahil nakahanap ito ng batang kaedaran.

"Ano'ng pangalan mo?" Usisa ni Mortimer sa batang estranghero.

Hindi nila alam kung sasagot ba o hindi ang batang puti ang buhok. Pinagmasdan lamang nito si Mortimer nang hindi kumukurap. Ikinabigla nila nang kumilos ito. Bigla nitong niyakap si Mortimer.

"Shin ang pangalan ko, Mortimer."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon