26%

469 31 4
                                    

26%

Natigilan si Dion nang may kakaiba siyang napakiramdaman sa kanyang paligid. Nang wala naman siyang nakitang kung ano ay ipinagpatuloy na niyang muli ang paglalakad.

Umuulan kaya natural lamang na maingay.

Tamang hinala. Minsan ay nakakatulong iyon sa kanya ngunit mas madalas kung siya ay mapahamak.

Itinaas ni Dion ang leegan ng kanyang suot na trench coat upang mapandungan ang kanyang ulo. Pumasok siya sa isang eskinita imbes na ipagpatuloy ang paglalakad sa sidewalk ng astrodome. Pamilyar sa kanya ang kalsada kaya alam niya kung saan mas mabilis siyang makakapunta sa bukas na kalsada.

May ilang minuto pa lamang siyang naglalakad nang may maaninag siyang pigura 'di kalayuan mula sa kanya. Para makasiguro, inilabas niya ang kanyang tactical flashlight. Gamit iyon, sininagan niya ang kinaroroonan ng pigura. Ngunit wala naman siyang nakitang kung ano.

Kinusot niya ang mga mata. Pinaglalaruan ba siya ng kanyang paningin? Inaantok? Imposible! Isa siya sa mga kakaunti sa kanilang departamento na 20-20 ang vision!

"Hmm? Tama na nga ang paglalaro..."

Naestatwa si Dion sa kanyang kinatatayuan pagkarinig niya ng malamig at hindi pamilyar na boses at ang pinakakinababahala niya ay nanggaling iyon sa kanyang likuran.

Hindi nga nagtagal ay mayroon nang kumakalabit sa kanya.

Dion, huminahon ka. Baka naman gaya mong napadaan lang din ang taong nasa likuran mo? Masyado mo bang iniisip ang pananakot na ginawa ng Cya Farell na iyon?!

Handa na siyang lumingon sa kanyang likuran nang may kableng pumulupot sa kanyang leeg. Dala ng kanyang presence of mind at magandang reflexes, nagawa niyang maiharang kahit paano ang mga daliri niya para hindi direktang masakal.

Napakalakas ng puwersang lumulupig sa kanya. Nararamdaman na niya ang hapdi ng kanyang mga daliring nagsusugat na. Ang mga paa niya naman ay waring lumulutang dahil wala na siyang naaapakan pang patag.

Dahan-dahan siyang umikot hanggang sa kaharap na niya ang binatang nasisiguro niya na may-ari nu'ng boses kanina, at walang dudang ang may pakana kung bakit siya nakabitay sa mga kawad ng kuryente.

Napansin ni Dion na magkaiba ang kulay ng mga mata ng estranghero at nangingibabaw ang kulay asulan. May mga taong heterochromatic ngunit ibang-iba ang sa kaharap niya. Animoy nagliliwanag iyon sa dilim.

Isa ba siyang genetically abnormal gaya ng iba pa na ipinag-uutos na paslangin?

Itinaas ng estranghero ang isang kamay. Itninuro nito ang nakasaradong dump loader kung saan may nakapatong na tatlong bagay sa takip.

"Mamili ka sa tatlong iyan kung ano ang gagamitin ko para putulin ko ang mga braso mo..."

Pinilit ni Dion na aninagin ang mga bagay na nasa ibabaw ng dumploader. Piraso ng yero na malamang ay kinakalawang na, Basag na bote ng alak, at tubo ng alulod.

Nagpapatawa ba ang binata? Tubo? Makakaputol ng braso? Isa siyang baliw!

Dion struggled hard to loosen up the cable on his neck. Wala na siyang pakialam kung magkandasugat pa lalo ang mga kamay niya. Ang tanging naiisip niya ay kapag wala isyang ginawa, katapusan na niya-

"Ha-ha-ha! I can read it in your face... you fancied the third item! Ha-ha-ha-ha!" Tumawa na parang wala nang bukas ang nababaliw na binata. Lumapit ito sa dumploader at kinuha ang tubong may katabaan din dahil para iyon sa alulod. "Who am I to argue? It's the subtlest, isn't it?"

Itinapat nito ang pinakadulo ng tubo sa siko ni Dion.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" Pumailanlang sa tahimik na eskinita ang sigaw ng paghihirap ni Dion. Kitang-kita niya mismo kung paanong pinilit nitong isiniksik ang nakatiklop niyang braso sa loob ng tubo. Lahat ng laman niya na hindi kumasya sa diameter ng tubo ay napunit na parang papel.

"Masakit ba? Huh?" Tanong ng binata na halatang natutuwa sa ginagawa nito. Hindi pa ito tapos. Kinapa nito ang dulo ng tubo... at mula doon ay sapilitan nitong hinila ang mahabang buto ng braso ni Dion.

Sa sobrang sakit marahil niyon ay hindi na naisatinig pa ni Dion ang pamimilipit. Dahil sa kawalang buhay ng kanyang braso, nahigit na ng tuluyan ang kable na sumakal sa kanyang leeg.

Patay-malisya ang estrangherong binata na nakatingin sa hawak-hawak niyang buto. "Ulna... Ang gusto ko pa namang hugutin sa kanya ay ang Radius."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon