4%

1.3K 44 1
                                    

4%

It looked as if Rise is being chased by light. Inaabutan siya ng pagsindi ng mga ilaw saan man siyang pasilyo magtungo. He's nothing like a phantom thief and definitely he's not afraid of being seen. Hindi lang siya sanay sa liwanag. He was raised in the midst of darkness... underground.

Hindi naabutan ni Rise ang naganap na great world war pero marami siyang mga librong nabasa tungkol sa pangyayaring bumago sa buong mundo. Ang bansang pinagmulan ni Rise ay naging pangunahing base militar ng isa sa mga pinakamalakas na bansa kaya naman doon ibinagsak ang pinakamarami sa weapons of mass destruction. Napabilang pa ang pangyayaring iyon sa new world records.

Nakamamanghang may mga mamamayan pang nakaligtas kahit pa kulang na lang ay burahin na sa mapa ang kanilang bansa. Nagkaroon ng matinding polusyon sa hangin at halos hindi na malakaran ang ibabaw nang walang gas mask. Gumawa ang mga survivors ng paraan para mapalawak ang subway area sa ilalim ng lupa na puwedeng pansamantalang shelter. Sa loob ng maraming taon, namuhay ang mga tao sa dilim.

Ngunti hindi lang iyon ang kanilang kalbaryo. Ilang taon pa ang lumipas at naisilang ang kanilang mga salinlahi. Dahil sa masamang radiation na mula sa mga weapons of mass destruction, siyamnapung porsiyento ng mga sanggol ay may inborn deformity o kaya naman ay nag-mutate. Masuwerte na ang mga batang gaya ni Rise na normal ang pangangatawan. Ang tanging mayroon lang siya ay mga matang magkaiba ng kulay. Auburn sa kaliwa at asulan sa kanan.

Several months later, nangyari ang unang beses na pagdudugo ng kanang mata ni Rise. Akala ng mga magulang niya ay mabubulag siya. His eye check-up turned out okay. Walang makita ang mga doktor na mali sa mga mata niya. Little his parents knew his eyes are simply transforming into something that would later on make him the best sniper of his time.

Nang dumating ang panahon na puwede na nilang abandonahin ang kadiliman, mas pinili pa rin ni Rise na kumanlong sa kadiliman. Iniwan niya ang kanyang mga magulang at ang magiging buhay niya sa piling ng mga ito...

Napasinghap si Rise at pansumandaling huminto sa pagtakbo. Nagsisimula na niyang maramdaman ang kanyang sugat. Kumikirot na iyon.

He entered in the fire exit of his current floor. In-off niya ang kanyang communicator pagkasandal niya sa pader. "Hah... forget about Shin's crap. Kailangan kong makalayo rito nang mas mabilis."

Iniwan na niya ang dalang composite bow at inilabas niya ang kanyang grapple gun. Dumungaw siya sa gap ng balustrahe ng mga hagdan at tumingala. Isa't kalahating tao na kapareho niya ang built ang kasya sa gap. Inasinta ni Rise ang pinakauhling hagdan sa pinakamataas na palapag bago niya pinakawalan ang hook. Umikid iyon sa railing.

Rise triggered the retrieve mechanism of the grapple gun. Tumalon siya sa gap. Hindi isang miraculous escape weapon ang grapple gun. Magagamit lang ito ng mga taong may kakayahan na kontrolin ang kanilang center of gravity.

Mahigit kumulang isang metro na lang ang cord, Rise used the accumulated force to make a jump. Sinipa niya ang pinto palabas ng fire exit at tumambad sa kanya ang roof deck. Tanaw niya ang isang helicopter na bababa na ng helipad.

Just as he thought, hindi pulis ang mga Assassins kaya naman hindi nila gagamitin ang highway para dagdagan ang heavy traffic.

Inihanda ni Rise ang sarili at ang kanyang grapple gun. He smiled triumphantly kahit alam niyang umpisa pa lang ng obstacle course na pagdaraanan niya ngayong gabi. But as long as he still have both his legs, he can get away.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon