5%

870 42 4
                                    

5%

Kaagad na napatayo si Cya nang makita niyang nabasag ang salamin ng bintanang dinurungawan niya. May kung anong bagay ang tumama doon- some kind of a hook with a cord that is. Pumulupot iyon sa bakal ng bintana at pagkalipas ng ilang segundo, tumambad kay Cya ang pigura ng isang estranghero.

Bang!

Cya's reflexes and presence of mind enabled him to pull out his mini-handgun in a split second and made a shot.

Ang pagiging cynical niya ang nagtulak sa kanya para mag-acquire ng firearm na dala-dala niya kahit saan man siya magtungo. Nabili niya ang kanyang custom handgun sa isang underground ammunition market na nagshi-ship ng mga baril na phased out na.

Maliit lang ang baril ni Cya na kayang maitago sa pinagdaop niyang mga palad at mahirap madetect ng mga scans dahil nga sa hindi iyon equipped ng latest technology. Though his ammunition isn't something fatal, he can atleast disable hostiles with it before taking them down.

But in his current situation, siya ang nasukol ng estranghero. Cya made a frontal shot pero nadaplisan lang niya sa kanang sentido ang estranghero dahil tinabig nito ang kamay niya.

Masasabi ni Cya na hindi basta-basta ang estranghero. Hindi ito ganoon kadaling sumuko. Hindi iyon nakuntento sa pagdidisarma sa kanya. He was pinned down on the flooring of his own room. In contrast sa liwanag ang estranghero pero maliwanag ang kanan nitong mata na kulay asul.

"Shit. You almost got me... Akala ko walang tao dito dahil patay ang ilaw."

"Huh..." Anas ni Cya.

"Huh?" Ulit ng estranghero.

"Ha-ha-ha-ha!" Tumawa nang malakas si Cya. "You're all talk. Bakit hindi mo pa ako patayin?!"

"Bakit..." Lumalim ang boses ng estranghero. "Bakit lahat na lang kayo... inuutusan akong pumatay?! FUCKING GIVE ME A BREAK!"

Hindi alam ni Cya kung ano ang isasagot niya since hindi naman niya kilala ang taong kausap niya. He's hoping he's not sympathizing. Ang dapat lang niyang gawin ay huwag magtiwala.

"Uhn..." Napansin ni Cya na nanghihina na ang estranghero. May nauna na itong sugat dahil sa nakita niyang duguan ang isang braso nito. Tumiyempo siya at pinakilos ang kanyang lower extremity. Wala pang minuto ang lumipas at nabaligtad na ang posisyon nilang dalawa.

Hindi niya abot ang tumalsik niyang handgun kaya inilagay na lang niya ang mga kamay sa leeg ng estranghero. Sasakalin na lamang niya ito hanggang sa mamatay.

"Papatay ka na naman? Gusto mo na bang maging kriminal?" Biglang nagsalita ang estranghero kaya natigilan si Cya. Natulala. Ang mga taong used up na ang license to kill ay binibigyan ng invisible permanent mark ng Prosecutors na visible lang sa UV light. How did the stranger knew?! Nanghula?

Ngumiti ang estranghero. It's not of mockery, to Cya's surprise. "Look, ang gusto ko lang naman ay makalayo mula sa mga humahabol sa akin. We don't have to suffer. Makipag-cooperate ka lang, please."

"I don't-" Naguguluhan si Cya. Ni hindi dapat siya naghehesitate pero bakit? "I don't trust you."

"I don't need your trust," sagot naman ng estranghero na ikinamangha na naman ni Cya. "Pero curious ako. Gusto kong malaman kung mapagkakatiwalaan ang isang taong hindi marunong magtiwala..."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon