23%

694 35 4
                                    

23%

Inakyat ni Rise nang walang kahirap-hirap ang pinakamalakas na signal beacon na nasa dulo na ng siyudad. Isa iyong tower na umaabot ng dalawandaang talampakan ang taas na itinayo pagkatapos ng civil war. Nagsisilbi iyong pangunahing communication means sa loob at labas ng bansa.

Once inside the control room of the tower, Rise yanked open one of the transmitter boxes. He spends minutes tinkering with it and planted his own transmitter chip.

Ito na ang pinakahuling beses niyang mag-i-interfere sa signals. He was sure that Shin is now going over through several crimes occurring during signal jams.

Pagkalabas ni Rise ng control room, inilabas niya ang kanyang communicator pad. Because of his transmitter, lahat ng signals na matatanggap ng tower ay kontrolado niya.

He started messing things up by randomizing recipients of phone calls and text messages. He blocked several internet sites, too.

Nang masiyahan siya ay saka siya lumapit sa isa sa mga matibay na zip line at doon siya tumawid gamit ang isang improvised pulley.

Mga ilang metro pa ang layo niya sa lupa nang may maulinigan siyang putok ng isang baril. Napilitan siyang bumitaw at magpatihulog subalit hindi naman siya napinsala dahil alam niya ang gagawin. He rolled over to lessen the impact.

"Rise, Rise! Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang pasaway na sumasabotahe ng signals!" Someone stepped out of the darkness. Kaagad iyong namukhaan ni Rise.

Isa itong third class Assassin na katrabaho niya noon, si Cano. Nakaabang ang hawak nitong assault rifle kay Rise.

Ang mga kabilang third class ng Assassin's guild ay highly specialized sa mga ammunition ngunit hindi sila maaasahan pagdating sa close combat at habulan.

Rise cocked his head. "Hmm? Ikaw lang mag-isa ang mag-a-apprehend sa akin? Seryoso ba iyan? Gusto mong ipaalala ko sa iyo kung paano ako tumapos ng kalaban?"

Nahuli niyang medyo kinabahan si Cano ngunit alam niyang may iba itong pinaplano. Hindi ito nag-iisa. May mga back-up itong mga second class at nasisiguro siyang alam ng mga ito na alam niya ang presensya nila.

Ang mga second class Assassins ay forte ang paggamit ng mga long-ranged at short-ranged na kahit anong sandatang may talim. Hindi gaya ng mga third class, sila ay may fighting style. Precise ang kanilang kilos at ang iba sa kanila ay parang hangin sa bilis.

Rise knew he shouldn't let his guard down. Hindi niya dapat kalimutang nag-iisa lamang siya at hindi na kasing stable ng dati ang kakayahan ng kanyang mga mata.

Hinugot niya mula sa likuran niya ang kanyang compact bow. Na-trigger kaagad ang mechanism niyon para ma-assemble nang hawakan niya iyon sa shaft. Kaagad niyang tinalikuran si Cano at mabilis na tumakbo. He can't fire his grappling gun yet since nasa kapatagan pa siya.

Habang tumatakbo, instinctual niyang iniilagan ang mga bala mula sa assault rifle. Itinaas niya ang kanyang compact bow habang inilalagay doon ang isang improvised harpoon arrow.

Isa siya sa dating tatlong first class ng Assassin's guild. Bukod sa pagiging master mechanic, ang mga nasa first class ay may kakayahan ng pinagsamang third at second class. Sila kumbaga ang itinuturing na elite ng guild.

Rise aimed ridiculously for the sky and fired his harpoon. He already anticipated the wind change which influenced the angle of his projectile to back shot.

May narinig siyang pagsabog sa likuran niya kaya binagalan niya nang kaunti ang kanyang pagtakbo para ma-conserve ang kanyang lakas.

Hindi lang basta isang pasabog ang harpoon na iyon. Naglalaman iyon ng libu-libong karayom na may matapang na lason.

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon