Chapter 65

357 5 1
                                    

Kinakaladkad nila ako at tanging naririnig ko ay ang paghikbi at pagtapak namin sa damo. Pilit pa rin akong pumipiglas sa mga hawak nila.

"Sino ba kayo! Saan niyo ako dadalhin!" Mabigat ang paghinga ko.

Wala ni isang sumagot sa kanila. Kapag ako makawala dito masasapak ko talaga ang mga ito. Hindi na lang ako umimik at pinakiramdam ang daan na tinahak namin.

Ilang minuto lang ay huminto kami at binitawan nila ang braso ko. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay pero nakatali pa rin ito.
Nakakabingi ang katahimikan. Gusto ko nang umuwi! May nararamdaman akong yabag ng paa, papalapit sa akin.

Tinanggal niya ang tali sa kamay ko. Dahan-dahan niya itong hinawakan. Bawat haplos nito ay mainit. Iniwas ko ang kamay ko.

"You're free. Did you like it?"

What is he saying? Di ko pa rin makita ang mukha niya dahil nakatakip pa rin ang mukha ko. Alam kong ang lapit niya rin sa akin.

"Did you miss me, darling?" Hindi ako sumagot sa kanya. "I hope so."

Ilang minuto lang ay nawala na ito sa harap ko at wala nang ingay sa paligid. Ni hindi ko naramdaman na umalis ito.

I took off the cloth covered on my face. It was dark. I can barely see the surrounding. Dahil sa cloth na iyon ay hindi ko masyadong maaninag ang paligid ko.

Ilang minuto ay biglang bumukas ang ilaw. Napatalon ako sa gulat. Anong kalokohan ito? Pinagmasdan ko ang paligid. May fairy lights ito at may table sa gitna na may dalawang upuan. May mga design din ito na mga hearts at iba pa. What the hell is this?

Napatingin ako sa lalaki na lumapit sa akin at nag-abot ng bouquet of tulips. Kusa ko itong tinanggap. Umangat ang tingin ko nang may bumukas ulit na ilaw.

I'm sorry, Mia

I was left dumbfounded. Biglang tumunog ang music. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. I'm fucking confused right now!

🎵 I know I was wrong and that's not fair playing games with your mind cause I knew you cared
Walking out of the door every other night and I knew two wrongs wouldn't make a right
Now things have changed... 🎶

Biglang lumabas si Adrian at dahan-dahang lumapit sa akin. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.

"I am sorry for everything, Mia. I hope you will still forgive me."

Lumabas ang mga kasama niya at pinagitnaan siya. Sumabay sila sa musika at sumayaw. I was shocked. Napatakip ako ng bibig. Nakatitig lang ako kay Adrian habang sumasayaw siya. I focused my gaze on him. My heart skipped a beat when he went near and danced in front of me.
Bumalik din agad siya sa puwesto niya kanina.

🎵 I'm lonely and here is where I want you to be
A woman like you, is too precious to lose and I am confused, what will I do?
Baby, I love you and I'm sorry, I'm sorry. I'm sorry, I'm so sorry

I'm sorry, I'm sorry
I'm sorry, I'm so sorry... 🎶

Hindi ko namalayan ang luhang tumakas sa mga mata ko. Habang pinanood ko siyang sumayaw gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Yumuko ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Inangat niya ito at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"I don't want to see you cry, again."

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko, hinayaan ko lang siya gawin iyon. Naglakad kami papunta sa table. Hinila niya ang upuan para sa akin. Dahan-dahan akong umupo at umupo rin siya sa tapat ko. May pagkain na sa lamesa namin at nakatakip. Binuksan ito ng kasama niya.

Because Of YouWhere stories live. Discover now