Chapter 8

680 17 2
                                    

"They say, third year is where the experiences start."




Kinapa ko ang cellphone kong nasa side table, noong tumunog ang alarm ko. I turned it off and checked the time, 4:30.



"May time pa naman ako, 7:30 pa pasok namin. Maybe I'll just jog for one hour." Kinausap ko ang sarili ko.



Pumunta ako sa bathroom at naghilamos at nag-toothbrush. Nagpunas ako tsaka lumabas ng banyo. Naglakad ako patungo sa cabinet ko, nagkuha ako ng leggings, at sports bra. Ginamit ko ang Nike kong sapatos.



Kinuha ko ang cellphone at earphones ko. Lumabas ako ng bahay at nag-jog sa loob ng subdivision. After an hour, bumalik na ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, nagulat si Manang. Nakita ko siyang naghahanda ng almusal.



"Good morning, Manang. Nag-jogging lang ako sa labas." Masiglang tugon ko.



"Hindi naman halata na excited ka?" Biro niya na ikinatawa ko.



Tinimplahan niya ako ng gatas at inabot ito sa akin.



"Salamat, Manang." Nakangiting sabi ko.



Ininom ko ito, pagkatapos nagpaalam muna ako na aakyat muna para maligo at maghanda. Pagkarating ko sa kwarto ko, umupo muna ako sa vanity chair ko at nagpahinga. In-open ko ang Twitter ko at nag-tweet.



M
@MiaAllison
First day of class. See you later Saint Ford University!



Tumayo na ako at kinuha ko ang tuwalya at bluetooth speaker ko at dinala iyon sa banyo. Nagpatugtog ako ng music, playlist ng Lany.



Now Playing: Current Location by Lany

'How'd you fail to mention that you might be moving in four months to London?
Now our days are numbered
Should I try, I wonder
Wait, how far is London?

I need my current location
To be your current location
Fly back to me
I need my current location
To be your current location
Fly back to me
Fly back to me...'



Hinayaan ko lang ang tubig na umagos ito sa katawan ko. Kinuha ko ang shampoo habang kumakanta.



"I need my current location to be your current location, fly back to me. Hmm." Kanta ko at naghumming.



Nag-toothbrush ako tsaka ko pinunasan ang buong katawan ko bago ako lumabas ng banyo. Pagkalabas ko, dumiretso ako sa closet ko at pumili ng susuotin. Since, it's first day of school I can wear any casual attire. Kumuha ako ng panloob and black off-shoulder blouse at ripped jeans.



Pagkatapos magbihis, naglagay ako ng mga face products. Nagmake-up ako ng konti at nag-curl ng buhok ko. Sinuot ko ang relos ko. Pagkatapos mag-ayos sa sarili ko, kinuha ko na ang backpack ko at nilagay ang dapat namin dadalhin. Bumaba ako matapos lahat.



"Halika na, hija at kumain." Bungad sa akin ni Manang ng makababa ako.



"Sige po. Tulog pa po ba sila?" Tanong ko ng mapansin kong tahamik pa rin ang bahay tanging kaming Manang lang ang maririnig na nag-uusap.



Because Of YouWhere stories live. Discover now