Chapter 18

459 9 0
                                    

Bumangon ako mula sa pagkakahiga, kinuha ko ang phone ko mula sa side table. Binuksan ko ang Spotify at ang bluetooth speaker ko. Kinonek ko muna ito sa cellphone ko bago nagpatugtog.



Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo. Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng banyo tsaka nagbihis. Habang naga-apply ng moisturizer biglang nag-ring ang phone ko.



Unknown Number Calling...


Sino ba 'tong tumatawag sa ganitong oras? Napahinto ako sa ginagawa ko at sinagot ito.



"Hello?" Mahinang sagot ko.



Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.



"Good morning." Sabi niya.



"Sino 'to?" Takang tanong ko rito.



"Hindi mo ba narecognize ang boses ko?" Natatawang sabi niya.



"Blake? Hahaha! Sorry, ikaw pala iyan."



"Of course." He chuckled.



"Oo nga pala, ba't napatawag ka? It's still early."



Ipinagpatuloy ko ang pag-apply ng moisturizer. Ano bang trip ng isang 'to.



"Gusto ko sanang sunduin ka. Is it okay?" 



Natahimik ako sa sinabi niya. Tinapos ko ang ginagawa sa mukha ko. Sa pag-apply ng liptint at face powder bago sinagot ang tanong niya.



"A-ah, 'wag na. Sabay kasi kami ng Kuya ko. Kita na lang tayo sa school."



"Ganun ba? Okay. Ingat kayo." Narinig ko ang pagkadismaya ng kanyang tono



"Ingat ka din. Sabay na lang tayo mag-lunch, okay ba 'yun?" Sambit ko, I assured.



Ba't ko ba ginagawa ito sa kanya. Aish, whatever! Napangiwi ako sa naisip ko.



"Sige! Sabi mo 'yan, ha!" Biglang bumalik ang sigla sa pananalita niya.



"Oo na. Sige na, I have to end the call."



"Sige. Kitakits!" Masiglang sabi niya tsaka pinutol ang tawag.



Because Of YouWhere stories live. Discover now