Chapter 50

209 4 0
                                    

I always thought of someone who would be my good karma. Well, I guess this is it. He is my good karma. We looked up at the sky as we lay in the sand. We set up a tent and will stay here until sunrise.



"Hindi ako makapaniwala." Napatingin ako sa kanya. Nakikita ko ang sigla sa kanyang mga mata.



"Yeah, right." Natawa ako. "Deal lang kuno, pero look where we are now."



"We are at the beach." Tumawa siya ng malakas matapos ko siyang mahampas sa braso niya.



"Are you not cold? Naka underwear ka lang." Napatingin ako sa katawan ko.



Tumayo ako at pinagpagan ang katawan ko. Tinignan ko siya.



"Where are you going?" Walang pasabing hinala ko siya at dinala sa dagat at lumublob.



Nagbanlaw kami saglit bago bumalik sa kotse para magbihis. Inabot niya ang towel at damit ko. Inalalayan niya akong umakyat sa likod ng kotse niya. Pinunasan ko ang katawan ko tsaka nagbihis. Naka lazy shorts ako at tank top. Bumaba na ako pagkatapos.



Nauna na ako sa tent at hinintay si Adrian. Humiga ako sa comforter at tinignan ang dagat. Lumipas ang ilang minuto, dumating si Adrian na naka shorts at black tshirt. Pumasok siya sa loob ng tent at inayos ang ibang parte ng comforter bago humiga. Lumapit ako sa kanya at yumakap.



"Goodnight, baby." He kissed my forehead. He hugged me tight.



Ginising ako ni Adrian nang malapit na mag-sunrise. Lumabas ako ng tent at sinundan si Adrian malapit sa dagat. Umupo kami sa buhangin at inakbayan ako ni Adrian. Ilang minuto lang ang lumipas nagsimula nang sumikat ang araw.



"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng sunrise?" Napalingon ako sa tanong niya.



"Ano?"



He looked at the sunrise. "It's a blessing. We never know what comes to us, but with you I'm certain." He looked at me. 



"You're my new beginning because you are my hope and happiness, baby."



A tear escaped from my eye. He wiped my tears with his fingers and smiled at me. I gave him a small smile. New day. New beginning with Adrian.



Nagligpit na kami at umuwi dahil may pasok pa. Nag-ayos ako at pumasok ng school around 7. Buti at hindi ako na-late. Lectures lang kami for the whole day.



Nagfa-facetime kami ni Adrian tuwing gabi at kapag hindi kami magkikita. He felt me so special. Pinapasaya niya ako kapag hindi maganda ang mood ko. We are both happy.



Lumipas ang ilang araw, naging stressful ang week dahil sa mga PT at iba pang requirements dahil malapit na ang exam. Next next week na iyon.
Tomorrow, Adrian and I will celebrate our fourth.



"Taray ka, yets! Lovelife bongga!" Kinurot pa ako ni Chris. Napaigtad ako at tumawa.



"Bakit ngayon mo lang sinabi, ha!" Pagsusungit ni Ruth.



"At least sinabi ko na!" I pouted. "Tsaka I want to surprise you guys, may celebration mamaya kaya ayun."



"So, sabay ang celebration para bukas at 'yung pagiging kayo?" Tanong ni Sierra habang nakahalukipkip.



"Yup! Surprise sana, eh. Kulit niyo kasi." I rolled my eyes.



Nang tumunog ang bell, pumasok na kami ng classroom. Nakinig kami ng lecture sa Math at may quiz pagkatapos. Sa susunod naman, lectures at oral recit sa English.



Because Of YouWhere stories live. Discover now