Chapter 11

633 14 4
                                    

Kinuha niya ang hawak kong gitara. Umupo siya sa tabi ko at nagpatugtog.


"Umiiyak ka na naman." Sabi niya habang nagpatugtog.


"Hmm." Tumango ako at lumingon ako sa kanya. "Ito lang kasi ang magagawa ko."


"Well, kung iyan ang makakabuti sa 'yo." Nakangiting tugon niya.


The bell rang. He stood up and held my hand. He helped me stand up. Inayos niya ang mga gamit at in-off ang sound system.


"Tara na?" Tumango lang ako sa kanya tsaka kami lumabas.


Nandito na kami sa room at hinintay na lang namin si Ma'am Angeline. Napansin kong nakatingin si Sierra sa akin kaya lumingon ako sa kanya.


"Namamaga ang mga mata mo. You cried again?" Tamad na sabi ni Sierra.


Parang nagsasawa na siya sa nakita niya sa 'kin dahil palagi na lang ako umiiyak.


"Hayaan mo na siya. Iyan ang makakabuti sa kanya. Crying is good for the soul." Sagot naman ni Ruth.


"Pinatugtog mo na naman 'yung Buko, 'no?" Tanong ni Diana.


"Paano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko.


"Duh! Palagi mo kaya kinakanta 'yan. Dahil 'yan ang kinanta niya sa 'yo." Aniya.


Ngumiti lang ako sa kanya. Ilang minuto rin ang lumipas dumating si Ma'am.


"So, class. We will dismiss the class at 2:30 dahil may meeting ang lahat ng teachers. Also, you will meet your subject teachers tomorrow." Anunsyo ni Ma'am Angeline.


Nagsiyahan naman ang mga estudyante.


"You may do whatever you want. Basta walang lalabas ng classroom ng hindi magpapaalam sa 'kin." Dugtong niya.


Pagkatapos ng klase, napagpasyahan namin na pumunta ng mall. Umuwi muna kami para magbihis. Sabi ko na lang sa kanila na doon kami magkikita.


"Anong magandang panoorin natin?" Tanong ko.


Pumila na kami para bumili ng ticket.
Inutusan ko naman si Sierra na bumili ng popcorn at drinks.


"Coco, The Revenger Squad, and Beauty and The Beast. Oh, ano? Pumili na kayo." Ani Diana.


"The Revenger Squad na lang para maging masaya na 'tong kasama natin." Sabi ni Ruth tsaka ngumuso sa akin.


"Tss!" Singhal ko.


The Revenger Squad ang pinili namin.  Hinintay lang namin si Sierra at nang matapos si Sierra bumili ay pumasok na kami sa loob ng sinehan.


"Aray!" Mahinang sigaw ni Sierra.


"Sshh! Tumahimik nga kayo!" Saway ko sa kanila.


"Eh, kasi si Diana ang kulit." Sagot ni Ruth.


"Just keep quiet, nandito na tayo sa loob. Nakakahiya."


Nagsimula na ang palabas. Nakakatawa ang kwento ng movie na ito. Ang gwapo pa ni Daniel, myghad! My love!


Ang ganda ng plot ng story. Tungkol sa pamilya at pagmamahal. Sa last nagkaayos na ang lahat dahil natalo na nila ang kanilang kalaban. Hindi ko inasahang nandoon din si Kathryn sa movie na iyon. Nakakakilig! Ang ganda niya!

Because Of YouWhere stories live. Discover now