Chapter 39

215 4 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. 



"May pasok!" Napabangon ako bigla. Agad kong hinawakan ang ulo ko dahil sa sakit ng dahil sa biglaan kong pagbangon. "Ouch!"



Tumingin ako sa kwarto. Medyo may pagkabrown ito at may ibang neutral colors. Wait, hindi ito sa akin! Where the hell am I?



Pumasok ako ng bathroom para maghilamos. Wala na 'yung makeup ko. Nakapagtanggal pa ako? Sa sobrang lasing ko 'di ko na yata magawa 'yun. Naghilamos na ako at may nakita akong mouthwash kaya ginamit ko iyon.



Bago ako lumabas ng kwarto, napadaan ako sa salamin. I am still wearing my dress. Inayos ko ito tsaka lumabas. Nasa condo ako. Di naman yata ito sa mga kaibigan ko. Kay Chris? 'Di rin naman yata.



Pumunta ako sa kusina at may nakitang lalaking naghahanda ng pagkain! I squealed. Napalingon siya sa gawi ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko. Oh my! Siya?!



"Sit down. I'm almost done preparing." Bumalik siya sa kanyang ginagawa.



After a minute, natapos na rin siya at nilapag ang pagkain sa table. Bonus point! Marunong mag-asikaso.



"Can I ask a question?" Nahihiyang tanong ko. Tinignan niya lang ako at naghintay sa susunod kong sasabihin.


"Ahm, pinagsamantalahan mo ba ako?" Kumunot ang noo niya.



"What the fuck are you saying?!" Umupo siya sa kabilang chair, nakaharap sa 'kin.



"I mean, you know lasing ako, lasing ka-"



"I'm not drunk and I didn't take advantage of you."



He looked at me, amused because of what I am saying. Nahiya naman ako kaya sinimulan ko na ang pag-kain at hindi siya tinignan.



He shook his head.



"I saw you with guys." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.



"What? Are you stalking me?"



"No! I just saw you, okay? Assuming." He whispered the last words kaya hindi ko masyado narinig.



"Ano?" Hindi siya sumagot.



May bigla akong naisip. What if, I will have a deal with him? Hmm, sounds great. I made an evil laugh inside my head.



"Hoy, Adrian, may deal ako sa 'yo. I don't know if you'll accept it, pero this is just for fun." Tinaasan niya ako ng kilay.



"Since, I am just playing around and dating for fun, why not ikaw na lang ida-date ko. There's nothing wrong, right?" Pinangkinitan niya ako ng mata.



"Okay, deal." Wow! Ang bilis pumayag. "No strings attached." Napatingin ako sa kanya matapos sabihin iyon.



"Yes, sure! That's easy. I'm used to that," Sang-ayon ko. "Wala ka namang girlfriend diba? Just to make sure lang. Ayoko maging third party. Hello?!" I rolled my eyes.



"Yes, wala." Wow! His accent in Filipino.



"Wew, first time ko 'yun narinig, ah." He just smirked.



Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo at nagligpit. "You should get going. I will go now."



Tumango na lang ako at nagpasundo ni Manong Lucio. Hindi na ako nag-abalang mag-text kay Kuya dahil alam kong papaulanan niya ako ng tanong.



Umalis na ako roon ng walang pasabi. Pumasok ako sa back seat ng sasakyan at sumandal tsaka umidlip muna.



Ginising ako ni Manong nang makarating kami sa bahay. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto ko. Tinignan ko ang orasan at 6:00 pa lang kaya pumunta ako sa banyo para maligo. I took a warm shower.



I changed into my gym clothes. I wore black sports bra and leggings. I paired it with my grey Adidas shoes. Nagpaalam ako. I brought my car with me and went to the gym.



Nang dumating ako sa gym hindi na ako nag-present ng membership card dahil kilala na ako sa may-ari ng gym. Sa dalas kong pumunta rito at kilala kami.



I started with my warm-up. Gulat akong napalingon sa pinto nang pumasok si Blake.



"Madalas ka rito?" Agad kong bungad sa kanya.



Umiling siya. "Nope, na-bored lang ako. I didn't know you were here." He chukled at dumiretso na siya sa bench at nilagay ang kanyang bag.



I continued my workout. Kumuha ako ng dalawang maliliit na dumbbell at sinimulan ang arm workout ko.



Nakita kong nagbo-boxing si Blake. Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang workout ko.



Pagkatapos ng ilang workouts, nagpahinga muna ako. Lumapit na man si Blake sa 'kin at umupo sa tabi ko.



"You done?" Tumango ako.


"Ikaw ba?" Balik kong tanong.



"May isa pa akong workout." Tumango ako at ngumiti sa kanya.



"Lunch?" Napatingin ako sa kanya at nag-isip.



"Hmm, sige." Tumayo na siya at pinagpatuloy ang last workout niya.



Binuksan ko ang phone ko at maraming message ang natanggap ko.



Fr: Sieharra
Girl! Nasaan ka ba?!



Fr: Di Rosas
Jusmiya! Talaga naman, nag-aalala kami sa 'yo.



Fr: Luth Chang
You better explain to us!



Fr: Sieharra
Nagpaalam ka sana muna sa 'min my ghad! Na-iistress ako sa 'yo.



To: Sieharra, Di Rosas, Luth Chang
I'm okay. I'll explain this Monday.



Binalik ko na ang phone ko sa bag ko. Dumiretso na ako sa shower room. Paglabas ko, tapos na rin pala si Blake mag-shower. Boys nga naman. Inayos ko muna saglit ang bag ko at hinintay siya. Lumapit naman siya sa 'kin.



"Tara. Sumunod ka na lang sa 'kin."



Hindi ko alam kung saan kami kakain, pero tumango na lang ako. Sinundan ko siya kung saan kami kakain. About 30 minutes, we arrived at our destination. Nag-park ako tsaka lumabas ng kotse ko. Binasa ko ang tarpaulin.



Aling Tina's Bulalo-an



Mukhang masarap dito, ah. Pumasok na kami sa loob. Hinayaan ko si Blake na mag-order. Umupo na siya pagkatapos niyang mag-order.



"Promise, masarap dito." Ngumiti siya sa 'kin. I gave him a smile.



Dumating na ang pagkain namin at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato at sa bowl ko. Hinipan ko ang sabaw at tinikman iyon. Hala, ang sarap naman! Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Natawa naman siya sa reaksyon ko.



"Sige, kumain ka na. Sabi ko sa 'yo eh, masarap." I nodded my head and smiled.



Kumain na ako. Natigilan ako nang pinunasan niya ang gilid ng bibig ko.



"Dahan-dahan lang. Hindi naman ito karera." Natatawa niyang sabi.



"Tss." Pinagpatuloy ko na ang pag-kain ko.



Pagkatapos namin kumain, nagpasya na kaming umalis.



"See you tomorrow. Ingat ka." He gave me a small smile and held my arm before he left.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon