Chapter 33

311 7 0
                                    

"Dalian niyo, maiiwan tayo. 7 o'clock na, baka nakalimutan niyo 8 flight natin!" Sigaw ko.



"Chill ka lang, Mia. Excited ka masyado. HAHAHAHA!"



Pinagtatawanan nila ako. Napairap ako sa kawalan. Nag-check out na kami sa hotel at dumiretso ng Jollibee Drive Thru.



"Sure kayong wala na kayong naiwan na gamit sa hotel, ha? Di na tayo babalik doon." Sabi ko.



"Hala! Meron." Sagot ni Joanna



Napalingon ako sa kanila. "Ano? Dali, babalikan natin."



"Mga dumi natin." Humahalakhak sila.


"Tse! Huwag nga kayong magbiro." I rolled my eyes.



"Opo, madam." Pang-aasar nila.



"Good morning, Ma'am, what's your order?" Sabi ng isang babae na nagbabantay sa counter ng drive thru.



"Isang cokefloat at deluxe burger." Sabi ko



"Dalawang Jolly hotdog with fries, upgrade to large coke." Si Sierra.



"Dalawang yum burger, dalawa ring cheese fries and iced tea ." Sabi ni Chris.



"Deluxe burger with large fries upgrade to large iced tea." Si Ruth.



Sinabi ng cashier ang amount at nagbayad kami. Kinuha namin ang aming order sa next window. Nang matapos ay pinaharurot ni Sierra ang sasakyan papunta ng airport.



Pagkarating, bumaba na kami at kinuha ang mga gamit namin sa compartment. Dumating ang driver nila Sierra.



"Manong, ikaw na bahala ingat kayo papauwi." Sabi ni Sierra at binigyan niya ng 1,000 pesos ang kanilang driver, tinanggap naman ito.



"Salamat po, Ma'am Sierra, ingat rin po kayo."



Umalis na si Manong at pumasok naman kami para i-check ang mga gamit at ticket namin.



"You may proceed, Ma'am. Thank you."



"Thank you." Sabi namin at dali-daling pumasok sa loob ng airplane.



Makalipas ang ilang oras, narating na rin namin ang destinasyon na pupuntahan namin. Ang Cebu.
Bumaba na kami sa sinasakyan naming eroplano.



"Hay! Nakauli ra gyud ta, dzai." Si Chris. (Hay! Sa wakas naka uwi rin tayo.)



"Oo nga, dzai. Namiss ko na sila at ang Cebu." Sagot naman ni Joanna.



"Ano, tara?" Sabi ni Sierra nang siya ay bumaba ng hagdan.



"Let's go!" Si Chris.



Pumara kami ng taxi tsaka nilagay ang mga gamit namin sa compartment at sumakay na rin kami lahat.



"Sa Guadalupe mi San Vela Subdivision, nong." Si Joanna.



Ilang oras ang lumipas tsaka namin narating ang subdivision na sinabi ni Joanna. Nagbayad kami tsaka kami bumaba at kinuha ang mga gamit namin.



"Wow! Ang ganda ng bahay niyo Joanna." Sabi ko.



"Tara, pasok kayo."

Because Of YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum