Chapter 48

183 3 2
                                    

I stayed in the shower for an hour. I let the warm water run through my naked body. Agad kong minulat ang aking mata nang makita ko ang kanyang imahe nang hinalikan niya ako.



I don't want to think about it, but it keeps coming back inside my head. I don't know what to say to him after what happened.



After what happened earlier, I immediately bid goodbye to Sierra and rushed to go home. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya bukas!



I stepped out of the shower and looked at my reflection in the mirror. Napahawak ako sa labi at hinaplos iyon.



"He's my first! Ugh! Adrian, why did you that!" I uttered.



Matapos kong pinagmasdan ang mukha ko sa salamin, sinimulan ko na ang skincare ko. Lumabas ako at nagbihis ng oversized shirt at nag-underwear lang. Nag-blow dry muna ako ng buhok bago binagsak ang katawan sa kama.



"'Wag kang mag-assume, tanga!"



Kinabukasan, pumasok ako ng school around 9:30. Palagi akong lumilingon sa paligid. Ayaw ko siyang makita! Nahihiya ako!



"Mia!"



"Anak ng tigre!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.



"Anong tigre? Anyways, bakit ang aga mong umuwi kagabi?" Nagtatampong tanong ni Sierra.



Hinila ko siya sa restroom at sinara ang pinto. Chineck ko muna ang mga cubicle bago ko siya hinarap.



"Anong problema mo?" Naguguluhang tanong niya dahil sa inaakto ko.



Napatakip ako ng mukha at tinanggal agad. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.



"He kissed me."



Natutop ni Sierra ang bibig niya nang marinig niya ang sinabi ko. Hindi agad siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Napamura ako.



"Seryoso? Really? Kagabi??" Sunod sunod niyang tanong. Napatango ako.



Agad niyang tinakpan ang bibig niya at tumili. Nataranta naman ako dahil sa pagtili niya. Huminga siya ng malalim.



"Omg, gurl! Hindi na virgin ang lips mo!" Hinampas ko agad siya.



"Akala ko pa naman matino ang sasabihin mo."



Nilagpasan ko siya at lalabas na sana nang bigla niyang hinatak ang buhok ko!



"Ouch! Ano ba!" Binitiwan niya agad ang buhok ko at tumawa.



I rolled my eyes.



"Pero, gurl. May label na ba kayo?" Natigilan ako sa sinabi niya.



"'Yun na nga ang problema, eh!" Humalukipkip ako.



"Ask him then."



Naglakad kami papunta sa booth namin. Magtatanong ako? Ni hindi ko nga alam kung paano siya haharapin!
Wala sa sariling naglalakad ako. Hinawakan ni Sierra ang kamay ko dahil muntik ko nang lagpasan ang booth namin.



Umupo ako sa silya at nananatiling nakatulala. Ano ba naman 'yan! Gulong-gulo na ako! Bakit pa kasi pinasok ko pa ang deal na ito! At ako pa ang gumawa ng deal! Napakalaking bobo!



"Anong nangyari dyan?"



"Aba'y hindi na virgin iyan." She let out a loud laugh.



Because Of YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu