Chapter 40

243 7 3
                                    

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ko. Nakatulog ako pagdating ng bahay dahil sa pagod. Tinignan ko ang oras, 6:30 PM na pala! Ang haba ng tulog ko!



Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis na ako ng white oversized shirt at lazy shorts. Bumaba na ako para kumain.



"Good morning, Alli." Biro ni Kuya sa 'kin. He laughed.



I rolled my eyes. Umupo ako sa tabi niya sa couch. "Wala pa bang food?" Pinatong ko ang paa ko sa couch at pinagkrus ang legs ko.



"Malapit na matapos." Binalik niya ang tingin sa TV.



Nanonood pala siya ng netflix. Tinignan ko ang pinapanood niya. Isang babaeng nakikipaglaban sa mga kalaban. It was a Filipino movie, Maria ang title.



"Mga anak! Kumain na kayo, halika na." Tawag sa amin ni Mommy mula sa dining area.



Nauna akong tumayo at pumunta doon. Naupo na ako sa seat ko at hinintay sila. We ate our dinner peacefully. Dad asked us if kumusta na kami ni Kuya.



"Do you have plans tomorrow?" Napatingin ako kay Daddy.



"Ahm, yes, Dad. May project kami ni Blake. Photography po."



"Be home early, may pupuntahan tayo bukas." Tumango lang ako kay Dad at pinagpatuloy ang pag-kain.



We remain silent after.



"Sya nga pala," Tumikhim si Dad kaya napalingon kami sa kanya. "Nandito na pala sa Pilipinas ang anak ng may-ari ng school niyo?" Nagtinginan kami ni Kuya at bumaling sa kanya.



"Hindi ko po alam, Dad." Sagot ko agad.



Umiling din si Kuya at walang alam. Tumango na lang si Daddy at kumain. Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush. I did my skincare after.



The next day, I woke up early. Susunduin ako ni Blake around 7 AM.
I went to the bathroom to take a shower. Pagkatapos, nagbihis na ako.



I wore an off-shoulder top and high waisted maong shorts. I paired it with my YSL sandals. I applied light makeup and sprayed perfume. I grabbed my handbag and went downstairs after.



I ate breakfast before leaving the house. Nagpaalam agad ako nang marinig ko ang busina sa labas. Pumasok ako sa shotgun seat. Blake greeted me a good morning and he drove off.



"Saan tayo pupunta?"



He gave me a small smile. "Sa Tagaytay."



Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Pinanood ko ang mga puno at mga bahay na dinadaanan namin.



I looked at him the moment he stopped the car. Tumingin ako sa labas, we are still in the middle of the road. Walang masyadong dumadaan na sasakyan. Napatingin ako sa kanya nang lumabas siya. Susunod na sana ako nang bigla siyang magsalita.



"Ibaba mo ang bintana. Ilabas mo ang kalahating katawan mo. I will take a photo." Sinunod ko naman ang sinabi niya.



Kumuha siya ng dalawang litrato tsaka siya pumasok ulit. Pumunta kami sa boulevard at doon ako kinunan ng litrato. I did four poses before we left and find a good place for taking pictures.



After how many pictures we took, we decided to head back home. Hindi na ako pumayag makipag-lunch sa kanya dahil may lakad kami ng family ko.



Because Of YouWhere stories live. Discover now