XXXIX

340 19 12
                                    

I can finally breathe again, now that you're standing beside me.

***


"Ito kaya?" Sabi ko kay Darcy sabay pakita ng napili kong damit.

"That's too fancy, wala na bang iba?" Sagot niya at sumubo ulit sa sausage na kinakain niya.

Kanina pa ako namimili ng damit na susuotin pero wala talaga akong matipuhan. I just can't choose something that is not even fitted in my standards.

"Try mo 'yang white."

Itinuro ni Darcy ang white na blouse na ilang beses ko palang yata nasusuot. Regalo ito sa akin ni Herriene dati pero hindi ko masyadong ginagamit kasi bihira lang naman kaming lumabas.

"Bagay ba 'to e-partner diyan?" Tanong ko.

Darcy nodded her head and gave me a thumbs up.

I really need to look normal and firm kasi ayokong mapahiya kay Doctor Elliot. I mean, it's not just about my looks, it's all about our meeting later. Magkikita kasi kami para sa robot ko na si Sunshine. He told me na tapos na raw kaya pupuntahan namin para matingnan. I'm kinda excited but a bit nervous.

"Alam mo, overreacting kana, Cora." Tumayo si Darcy at kinuha ang blouse sa kamay ko. "Saan ba kayo pupunta ni Doctor Elliot?"

"Sa laboratory niya," cusual kong sagot.

Bigla namang tumawa ng malakas si Darcy kaya kumunot ang noo ko sa kanya. She's holding her tummy while giggling a lot.

"Grabe! Sa lab lang pala kayo magkikita, bakit parang conscious na conscious ka?" Aniya at tumawa ulit ng malakas.

Napakamot ako sa batok nang marealized ang sinabi niya. Oo nga no? We're just visiting Sunshine, why am I so conscious? Magkikita lang kami ni Doctor Elliot, like the usual meeting. Overreacting na nga yata siguro ako.

"Hoy, ikaw ha! Umamin ka nga," intriga ni Darcy sabay hawak sa kamay ko. "Are you having an affair with Doctor Elliot?"

Mabilis na nanlaki ang dalawa kong mata at agad na tinakpan ang bibig ni Darcy. I wasn't expecting for her to say that. I mean, hindi naman ganon ang nangyayari sa aming dalawa ni Doctor Elliot.

"Huwag ka ngang gumawa ng issue diyan! Sinabi ko na 'di ba? Pupuntahan lang namin ang robot ko," wika ko sa kanya at banawi ang kamay ko.

"Oh? Bakit ang defensive? Oo at hindi lang naman ang isasagot mo ah!"

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok nalang ako sa dressing room. I changed my clothes and checked myself in front of the mirror. Napangiti ako ng makitang okay lang ang suot ko ngayong blouse. Ilang weeks ko ring hindi nakita si Sunshine kaya excited na akong alamin kung gumagana na ba siya.

"Okay lang?" Naiilang kong tanong kay Darcy nang makalabas ako sa dressing room.

He tilted her eyes from the top of my head down to my toes, saka ngumiti ng malaki. I smiled back at her and prepared myself. Kinuha ko ang folder sa drawer bago nagpaalam sa kanya.

"Magkikita kayo ni Black ngayon, 'di ba? Sa kanya ka nalang muna sumama, buong araw siguro kaming magsasama ni Doctor Elliot," ani ko sa kanya bago binuksana ang pinto.

"Huwag ka ngang magalala sa akin. Ere-release din naman mamaya ang results ng evaluation kaya kasama ko ang mentor ko, enjoy ka!" She said and waved at me.

Naglakad ako sa hallway papunta sa opisina ni Doctor Elliot. Naroon kasi ang mini-laboratory niya.

Pagdating ko ay agad akong kumatok sa pinto. Mabilis niya naman itong binuksan at pinapasok ako.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon