XXIX

374 31 27
                                    

"You told me to breathe, but you're the one who failed to do it."

---

The news spread like it has its own wings. Nalaman agad namin na maraming green houses ang nasunog at dalawa nalang ang natira.

Fortunately, walang nadamay na bahay sa sunog at walang buhay ang nawala. Pero ang mga seedlings na pinaghirapang itanim ng mga doctor ay natupok ng apoy.

Walang nakakaalam kung saan galing ang sunog. Hindi rin daw napansin ng dalawang bulwarks na nagbabantay kaya pati sila ay kailangang imbestigahan. Hindi na rin natuloy ang pagpunta namin sa mga factories dahil pupuntahan ni Doctor Habiusy ang lugar at aalamin ang lagay ng mga tao sa paligid.

Pinabalik kaming lahat sa building namin at pinabantayan muna sa aming mga mentor. Habang naglalakad papasok ng building ay hindi ko mapigilan ang kaba. Makikita ko si Doctor Elliot at maaalala ko nanaman ang paghalik ko sa kanyang pisngi. Sana lang talaga hindi niya iyon lagyan ng malisya dahil hindi ko alam ang gagawin kapag ganoon nga ang iisipin niya.

"I'll be back after the inspections. I expect you all to behave and not roam around in this building. It would be better if mananatili kayo sa mga mentors niyo at pagusapan ang dapat pagusapan sa training niyo."

Iniwan kami ni Doctor Habiusy at agad siyang umalis kasama ang iilang mga bulwarks.

Ngayon palang gusto ko ng bumalik sa kwarto at matulog nalang buong araw. Nawawalan ako ng lakas lalo na't papalapit na kami sa kwarto ng mga mentor namin.

"Cora."

Hellium smiled at me kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

"You okay now?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Yes, why? Do I look like I'm not okay?" nababahala kong tanong.

I immediately fixed my hair and put it at the back of my ear properly. Ayokong makita ako ni Doctor Elliot na ganito ang ayos. Baka isipin niyang pinapabayaan ko ang sarili ko habang wala siya sa akin na nagbabantay.

"No, your looks are fine. I'm referring to your behavior earlier. Masyado ka kasing tense habang kumakain tayo," aniya at iginiya ako papasok sa kwarto.

"Okay lang ako, Hellium. Dahil siguro sa kulang ako sa tulog kaya kabado ako kanina. Nakakatakot din kasi ang mga titig ni Doctor Lortheim at Doctor Habiusy," sagot ko.

Tumango nalang siya sa akin at ngumiti. Tumingin siya sa lalaking nasa harapan namin at tumango siya rito.

"Doctor Elliot," tawag ni Hellium sa kanya.

Isang tango lang ibinigay ni Doctor Elliot sa kanya at agad na bumaling ang atensyon niya sa akin. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko at nararamdaman ko na ang nagbabadyang mga pawis sa aking noo.

Naiwan kaming dalawa ni Doctor Elliot na nakatitig sa isat-isa. His lips became thin so I immediately turned my gaze away from him. Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya napayuko ako para hindi ko mahagip ang mga mata niya.

"How's the breakfast?" he sounded casual. Walang bahid na kahit na ano sa tono ng boses niya.

"It's fine. Hindi nga lang natapos dahil sa balita." hinawakan ko ang dalawa kong kamay dahil naramdaman ko ang panginginig.

"Look at me," he demanded. "Cora, look at me."

I lifted my gaze at agad siyang tiningnan sa kanyang mga mata. He heaved a sigh and licked his lower lips.

"There are shades below your eyes. Nagpupuyat ka ba?" he asked.

Umiling ako. Hindi ko sinasadya ang pagpupuyat kasi hindi naman talaga ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Particularly, the main reason are his actions these past few days.

OXYGENWhere stories live. Discover now