LII

133 11 7
                                    

Don't forget to breathe, everyday is a second chance. 

---

"Alam kong kilala niyo na si Cora, personally. And starting from now on, sa akin siya magta-trabaho. She will be my assistant and both of you will still be under your superior researcher."

Napatingin ulit ako kay Black na ngayon ay deretso ang tingin sa akin.

"Nice, I hope she won't run away again."

Sabay kaming napatingin ni Mrs. Fitz sa babaeng nagsalita.

"And what do you mean by that, Darcy?"

Napalingon si Darcy sa akin ng deretso at hindi ko rin maalis sa kanya ang tingin ko. She became someone who is a stranger to me. Hindi ko na kilala ang Darcy na nasa harap ko. She became more matured and she has a shorter hair now. Marunong na rin siyang maglagay ng make-up at nakasuot na siya ng heels. Her aura, it's still the same. Palaban parin at confident.

"Nothing, Mrs. Fitz." Nag-excuse siya sa harap namin at hindi na niya ulit ako tiningnan.

Ganoon rin ang ginawa ni Black, umalis siya sa harap namin at dumeretso sa pwesto niya. Gusto kong umalis nalang din dahil hindi ko alam kung ano pa ang gagawin. Lalong bumabalik ang mga ala-ala sa camp at  noong mga panahong magkasama kami ni Darcy sa loob ng kwarto. 

Mabuti nalang din at naisipan ni Mrs. Fitz na bumalik sa office niya dahil may ipapagawa raw siya. Nagkulong ako sa opisina niya at hindi na ako lumabas pa. Binagalan ko rin ang pag-gawa ng paperworks para mas lalo akong matagalan at maabutan ko ang uwian. Ayokong makita ulit silang dalawa, pero hindi ko rin naman maiiwasan iyon dahil nasa iisang working environment na kami. 

Pinaayos sa akin ni Mrs. Fitz ang nakatumpok na papeles kaya naging busy ako sa loob. Nakakapa ko na rin ang mga kailangan kong gawin at mukhang maitatawid ko naman ng maayos ang trabaho na ito. 

"Cora, come here. Let's make my schedule for the next week para hindi kana mahirapan."

Lumapit ako kay Mrs. Fitz at binigyan niya ako ng Planner Device. Isa itong device na exclusive lamang sa mga working class women sa opisina. Alam ko ito dahil mayroon si Xylex nito sa bahay. 

"Start with Monday."

Binigay ni Mrs. Fitz sa akin ang listahan ng mga gagawin niya next week at isa-isa ko itong pinag-kasya sa gusto niyang oras at araw. Ibig sabihin ay nasa tabi niya ako sa mga oras at araw na ito at ngayon palang ay parang nakakapagod na. Hindi rin pamilyar sa akin ang iba niyang affiliations, pero sigurado akong sa gobyerno ito at tungkol sa ginagawa nilang research. 

"Saan ko po ilalagay itong rounds niyo?" Tanong ko.

Tiningnan ni Mrs. Fitz ang listahan at itinuro niya ang Friday. "Dito sa Friday, pwede sa hapon para deretso nalang din ako papunta sa supply room." Tumango ako at inilagay ang schedule ng rounds niya para sa project.

Pagkatapos kong gumawa ng early schedule ni Mrs. Fitz ay bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Kaming dalawa ang unang nagkatinginan at pati siya ay natigil.

"Havoc, why are you here?" Mabilis na tanong ni Mrs. Fitz nang makita niya ang pumasok.

"Good afternoon, Mrs. Fitz. I have something to report about the plan that you gave me yesterday."

Lumapit si Havoc sa table ni Mrs. Fitz at inilapag niya ang dala niyang transparent na folder. Lumingon ulit siya sa akin pero wala akong makita na reaction sa mukha niya.

"Oh. By the way, this is Cora, my new assistant. Cora this is Doctor Havoc, our superior researcher. Black and Darcy are working under him."

Mabilis na lumapit siDoctor Havoc sa akin at kinuha ang kamay ko.

OXYGENWhere stories live. Discover now