XXXII

290 18 12
                                    

One touch, I became breathless

***


Halos two weeks na kami dito sa East Acres at masasabi kong sobrang productive ko sa mga nagdaang araw.

With the help of Doctor Elliot, lalong lumalim ang research ko tungkol sa pinaplano kong project. Lagi ako sa kanyang opisina para gawin ang pagsa-summarize at paghahanap ng pwedeng materials na gagamitin namin.

And for the past days, lalong lumalala ang abnormal na tibok ng puso ko tuwing malapit kami sa isat-isa.

Hindi ko alam kung ramdam ni Doctor Elliot pero sobrang kinakabahan talaga ako tuwing lumalapit siya sa akin. Para akong nawawalan ng hangin at hindi ko iyon maipaliwanag.

"I think you should dig deeper on that article," bulong ni Doctor Elliot sa akin habang tinuturo ang isang file sa computer.

Kanina pa kami dito sa loob ng research center para sa ikalawang bahagi ng project ko. We are finding some chemicals and other options kung sakaling hindi pwede ang gagamitin namin.

Sobrang lapit niya sa tenga ko at kanina pa ako hindi makahinga tuwing nararamdaman ko ang hininga niya sa buhok ko.

"Lasta na 'to, doc." binuksan ko ang file at sinimulan na ang pagbabasa.

I need to atleast divert my attention from him kasi hindi ko alam kung makakaya ko bang magsulat dahil sa ginagawa niya sa katawan ko.

After some minutes of reading, sinimulan ko na rin ang pagsusulat. Wala na si Doctor Elliot sa likuran ko at malaki ang pasasalamat ko dahil makakapag-concentrate ako ng mabuti.

I roamed my eyes around the corner at nakita si Doctor Elliot na nakikipagusap sa isang mentor. He keeps on glancing at me kaya bumalik ako sa pagsusulat. Kagaya sa West, marami rin ang computers dito sa research center na ginagamit lamang ng mga doctor dito sa East. We can easily access the computers here dahil trainees kami at part kami ng isang program.

"You done?" tanong ni Doctor Elliot sa likuran ko.

Tumango ako at tiniklop ang papel. Inilagay ko ito sa folder at agad na pinatay ang computer.

"Hindi ka ba gutom, Cora?" aniya pagkatapos kong patayin ang computer.

"Mamaya na siguro ako kakain, doc. I still need to finish the drafts para mapasa ko agad iyon sa 'yo," sagot ko sa kanya at naglakad na palabas ng center.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kaya napangiti ako.

"Let's eat first, the files can wait," habol niya sa akin.

Binuksan ko ang pinto at humarap sa kanya.

"It's okay, doc. Busog pa naman ako. I will eat later kapag natapos na ako."

"But---"

"Bye, doc! Thank you for the help," masayang sabi ko sa kanya at naglakad na paalis.

"Cora!" tawag niya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Sunduin kita mamaya sa area niyo, we'll go somewhere!" he continued and shut the door.

Hindi nawala sa bibig ko ang kanina ko pang pinipigilang mga ngiti. I don't know why pero kahit sa mga simpleng salita ni Doctor Elliot ay labis ang epekto sa akin. Now, he's saying na susunduin niya ako kasi may pupuntahan kami? Nae-excite tuloy ako! I need to tell Darcy about this!

Mabilis ang lakad ko pabalik sa area namin. Kahit nakasuot ako ng stilettos ay nagawa kong maglakad ng medyo matulin.

Pero shit! Hindi ko nga pala natanong kay Doctor Elliot kung saan kami pupunta! Anong isusuot ko? Proper dress ba? Tshirt?

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon