III

917 68 7
                                    

Breathe in. Breathe out.

***

"Okay kalang?" Bungad agad sa akin ni Xylex after realizing my heavy breathing.

Nandito na ako ngayon sa kitchen at naka-tingin sa kanilang dalawa.

"Uhm, yeah. Okay lang ako. Kailangan ko lang siguro ng tubig," I said at nagsalin ng tubig sa baso.

Agad ko itong ininom at inubos. Bakas parin sa mukha nina Xylex at Herriene ang curiousity.

"We are actually waiting for you. Manunuod pa tayo sa screen imager remember?" Said Herriene at ipinakita ang controller sa akin.

I nodded my head and didn't uttered a single word. Sabay kaming pumunta sa sala at nanuod ng paboritong palabas ni Herriene. We've already watched this many times before. Pero, pinapanuod ulit namin para kay Herriene.

Tumitingin-tingin parin ako sa kwarto ko. Nakapatay ang computer ko pero, hindi parin ako mapakali. Hindi ko parin lubos maisip na meron talagang bagong intruder na nakapasok sa connection ko. And the worst part is, lalaki siya.

Kinakabahan ako lalo. I don't know kung ano ba dapat ang gagawin ko. Should I block the user? Paano kung hindi pala lalaki? What if sa government galing 'yun? Urgh! Nalilito na ako. Should I open the computer again?

Hindi na ako masyadong naka-focus sa panunuod. Lumilipad na ang pagiisip ko at hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gagawin. This is actually the first time na may intruder na pumasok sa connection ko. Basically kasi, nire-review ng computer ko ang mga connections na pumapasok. And it looks like, hacker ang isang 'to. Oh god! Paano ba 'to?

Natapos ang pinapanuod namin at medyo inaantok na rin ako. Nagpaalam na agad ako sa kanilang dalawa na mauuna na akong matulog. Xylex said na may gagawin pa siya, and so as Herriene na nanuod ulit ng bagong palabas.

Nagpunta agad ako sa kwarto. Pagdating ko doon ay ang computer agad ang nakita ko. I shook my head at dumeretso sa kama para humiga. Ilang minuto din akong pabaling-baling nang higa pero hindi parin ako makatulog.

I even counted sheeps and numbers. Samot-saring bagay na ang pumapasok sa isip ko pero, hindi ko parin alam kung makakatulog nga ba ako.

Bumangon ulit ako at umupo sa kama. Tiningnan ko ulit ang computer pero, nakaramdam nanaman ako ng kaba.

I heaved a sigh at mabilis na bumangon. I decided na umupo sa harap ng computer at buksan ito.

Kahit na lubos na kinakabahan ay binaliwala ko ito. Nanginginig pa ang mga kamay ko ng tuluyang bumukas ang computer at bumungad sa akin si Ruise habang kumakaway sa akin.

"Welcome back, Cora!" She said happily.

"Do I have any messages, Ruise?" I asked her.

"Message box is buffering!"

After seconds ay agad na bumungad sa akin ang message box. Walang pinagbago. Ganun parin ang nakalagay na messages. Walang nadagdag walang nawala.

Medyo naka-hinga ako ng maluwag. Aalis na ulit sana ako sa harap ng computer ng bigla ulit itong tumunog.

556Black_Phantom sent you a message.

OXYGENHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin