XXXV

287 23 13
                                    

I tried to breathe, but you keep on taking it away from me.

***


Medyo matagal na rin mula noong huling kita ko kay Officer Jack.

Until now hindi ko makalimutan ang unang beses kong pagpunta sa detention room. It was him, Jack. Siya ang nagbigay ng mga tanong sa akin.

His smile widens after seeing me. Napakurap pa ako ng ilang beses dahil sa pagkabigla. I never knew na siya pala ang anak ni Mrs. Fitz. Ang taong nagbigay ng buhay sa akin sa pangalawang pagkakataon.

"How are you, Cora?" bungad sa akin ni Jack nang kumalas siya sa yakap ng ina.

"I-I'm fine."

Palipat-lipat ang tingin ni Mrs. Fitz sa aming dalawa ni Jack at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"You've known each other?"

Bigla akong nailang dahil sa tanong ni Mrs. Fitz. Tumawa ng mahina si Jack at napakamot sa batok niya.

"Remember the woman that I've told you? The one I interrogated back in West? Si Cora 'yon, Ma."

Lalong nadagdagan ang gulat sa mukha ni Mrs. Fitz dahil sa sinabi ni Jack. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ng anak niya.

"What---how? I mean... Ikaw, Cora? So ibig sabihin... Trainee ka?"

Tumango ako para sagutin si Mrs. Fitz. Napahawak siya sa kanyang labi. Akala ko ay tuluyan siyang mananahimik pero bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Oh my god, I'm so proud of you, Cora." malumanay ang boses niya habang hinahagod ang likod ko.

"Salamat po, Mrs. Fitz," sagot ko.

Kumalas ng yakap si Mrs. Fitz sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"You have a future now, just like what you told me before." nakangiti na siya ngayon at nakikita ko sa mga mata niya ang galak.

Bigla akong nakaramdam ng lubos na kasiyahan sa puso ko nang maalala ang mga panahong iyon.

"Are you sure, Cora? Hindi ka ba nila sinasaktan dito?"

Napangiti ako sa tanong ni Mrs. Fitz. Hinagod niya ng mahina ang buhok ko at naramdaman ko ang pagaalala niya.

"Okay lang po ako dito. Hindi po nila ako sinasaktan, maam."

"You're turning eighteen tomorrow. Ilalabas kana nila dito. But don't worry, okay? Akong bahala sa 'yo."

Masaya naman ang pamamalagi ko dito sa Home for Teenagers dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan. Tapos bukas aalis na ako dahil tapos na ang pamamalagi ko dito at kailangan ko ng harapin ang panibagong mundo.

Kinakabahan ako kasi wala pa akong masyadong alam. May mga itinuro sila dito sa amin pero hindi ko alam kung paano iyon gagamitin sa labas.

Kinabukasan ay pinuntahan ulit ako ni Mrs. Fitz para sa aking pag-alis. Binigay nila sa akin ang isang bag para sa mga gamit ko.

"Are you ready, Cora?" mahinahong tanong ni Mrs. Fitz sa akin at hinagod ang likod ko.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Lets go," aniya sa akin at iginiya ako palabas ng pinto.

Sumilay ang liwanag at nakita ko ang isang parking lot. Mayroong sasakyan na nagaabang sa amin at kulay itim ito. Sumakay kami ni Mrs. Fitz doon kaya namangha ako. Hindi pa ako nakakasakay sa ganito.

OXYGENWhere stories live. Discover now