IX

685 46 3
                                    

Breath, just keep breathing.

****

"Cora! Ano na? Forever kanalang bang magbibihis? Sobrang tagal mo na ata?" Pagalit na tanong ni Xylex sa akin mula sa labas ng aking kwarto.

"5 minutes! Matatapos na ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Yan 'yung sinabi mo kanina, 10 minutes ago! Kung 'di kaparin matatapos ila-lock ko talaga itong pinto para 'di ka makalabas at ma-disqualified ka sa interview!" Malakas na sigaw niya.

Napabuntong hininga ako at tiningnan ulit ang sarili sa salamin. Mukhang maayos naman na ang hitsura ko. Nagsuot lang ako ng white jacket at white din na pants. Meron pa akong 2 oras para maghanda, pero itong mga kasama ko parang mas-excited pa ata sa akin. Noon sobrang ayaw ni Xylex na pumasok ako sa YIP (young inventors program), ngayon, parang siya 'yung sasalang sa interview dahil kanina pa gising ng gising sa akin.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaabang na si Herriene sa akin sa kusina.

"Good morning, Cora!" Masiglang bati niya.

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan, baka gusto mong kurutin ko nanaman 'yang pisngi mo?" Natatawa kong saad sa kanya.

"Bakit? Hindi ba pwede maging masaya? Nakapasok ka sa second round! Magiging inventor kana, Cora!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

Tumawa nalamang ako at niyakap din pabalik si Herriene. Ramdam na ramdam ko ang saya sa kanya. Alam kong walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay itong interview ko, pero gagawin ko parin ang lahat para makapasok ako.

Nagsimula na kaming kumain lahat. Panay lang ang kwentuhan namin tungkol sa anong maaaring mangyari sa interview ko. Noong nakaraang araw kasi ay parang nagulat pa sila kasi 'di naman namin inaasahan na makakapasa ako sa second round. Kahit si Xylex ay nakatulala nang tawagin ko sila at ibinalita ang natanggap kong mensahe kay Habiusy.

"Kami ng bahala diyan, Cora. Maghanda kana... baka dadating na maya-maya ang susundo sayo galing sa White House." Napatingin ako kay Xylex at tumango.

Iniligay ko lahat ng pinagkainan at dumeretso sa sala. Nakita ko doon ang hindi pa buo kong robot na hanggang ngayon ay hindi ko matapos-tapos. Umupo ako sa harap nito at tinitigan ito ng mabuti. Ano kayang kulang? Mabubuo ko pa kaya ito?

Ang lakas ng loob kong pumasok sa recruitment pero itong robot na 'to di ko manlang matapos. Napabuntong hininga ako at napasandal sa sofa. Tiningnan ko ang orasan sa harap ko at nakitang malapit na ang oras ng pag-alis ko. Maya-maya pa ay tumunog na ang alarm ng pinto at agad na lumabas sina Herriene at Xylex sa kusina.

"Finally! Dumating 'din sila,"  mataray na saad ni Xylex at umirap pa.

"Good luck, Cora," saad ni Herriene at yumakap ulit sa akin.

"Thank you, Herriene."

Sabay nila akong niyakap ng mahigpit bago ako lumabas ng pinto. Kumaway ulit ako sa kanila habang isinusuot ang mask ko.

Paglabas ko ay bumungad agad sa akin ang dalawang Lady Bulwark na sakay ng isang exclusive na sasakyan. Sa pagkaka-alam ko, ang ganitong uri ng sasakyan ay para lamang sa mga importanteng gawain mula sa gobyerno. Feeling ko tuloy, especial na ako.

"Thank you," saad ko nang pinagbuksan ako ng isang lady bulwark ng pinto sa sasakyan.

Pagpasok ko sa loob ay mas-lalo akong namangha dahil sobrang lapad nito at may higaan pa. May neon light sa gilid na nagbibigay ng ilaw sa isang bahagi dito sa loob. Agad kong hinanap ang switch at binuksan ito. May Screen Imager, sofa, maliit na kusina at window glass na makikita ang labas.

OXYGENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang