XLVI

181 21 14
                                    

"I keep on running as I my breath is running low. I heard him called my name, so I turned my back to meet his eyes. He's crying, and it was the last time I saw him."

---


Mabilis akong nakarating sa loob ng aking kwarto dahil sa pagtakbo ko. Pinunasan ko muna ang luha na kanina pa lumalabas sa mga mata ko bago ko kinuha ang maleta na lalagyan ko ng lahat ng aking gamit.

Sobrang bigat sa pakiramdam habang inisa-isa kong pinapasok ang mga damit ko sa maleta. Hindi ako makapag-isip ng maayos at ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis dito na hindi nalalaman ni Doctor Elliot.

He's the last man that I want to see right at this very moment. Hindi ko kaya na makita siya dahil alam kong malaking eskandalo ang mangyayari kapag nagtagal pa ako rito.

Pagkatapos kong isilid lahat ng gamit ko ay saka ko inayos ang ilang gamit na natira.

Dumako ang tingin ko sa robot kong si Sunshine at mabilis na dumaloy ang luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinahid gamit ang kaliwang kamay at binuhat si Sunshine. Itong robot na ito ang naging daan kung paano kami naging mas malapit ni Doctor Elliot sa isat-isa.

"I know he'll find you here, Sunshine."

Inilagay ko si Sunshine sa bedside table at nag-iwan ako ng maliit na papel.

Thank you. I'm sorry.

Iyan lang ang apat na salita na kaya kong sabihin sa kanya ngayon. Alam kong hindi magiging madali, pero sana ay mapatawad niya ako sa gagawin kong 'to.

Alam ko rin na masyadong padalos-dalos ang desisyon kong ito, pero wala na akong maisip na ibang paraan dahil hindi na ako makakatakas sa kanila. Ako na mismo ang umamin na nilandi ko si Doctor Elliot. Magiging pabor sa kanya ang mga doctor dahil mas may kapangyarihan siya sa akin.

Nang matapos ako sa paghahanda ng gamit ay saka ako mabilis na lumabas ng aking kwarto. Medyo nagulat pa ako dahil may nakabantay na bulwark sa harap at mukhang hinihintay yata ako.

"Please proceed to the parking area, miss. It's right this way," aniya at kinuha ang isa kong maleta.

Tumango ako sa lalaking bulwark at agad na sumunod sa kanya. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad dahil medyo malayo pa ang parking area nitong camp. Ilang hallways pa ang dadaanan namin at sasakay pa kami ng elevator papunta sa ground.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ang kahabaan ng hallway. Maraming doctor kaming nakikita pero deretso lang ang tingin ko sa harap. Baka bigla kaming magkasalubong ni Doctor Elliot kaya kailangan kong maging alerto.

Lumiko ang bulwark papunta sa VIP na lift kaya nagulat ako. Para lang sa mga doctor na may mataas na rank ang elevator na ito kaya hindi ko alam kung bakit dito kami dumaan. Hindi nalang ako nagsalita at hinintay nalang namin ang pagbukas nito.

Nang makapasok kami sa loob ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Inilagay ko ang dalawang maleta sa gilid habang ang bulwark naman ay pinipindot ang button papunta sa lower ground.

Deretso ang tingin ko sa harap kung nasaan ang isa pang elevator. Kasabay ng pagsara ng pinto ay siyang pagbukas ng elevator sa harap namin. Una ko agad nakita ang maamong mukha ni Doctor Elliot na deretso ang tingin sa akin.

A tear went down my cheeks as I whispered the word I'm sorry for the last time.

"Cora?" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko bago tuluyang nagsara ang pinto.

OXYGENWhere stories live. Discover now