XXXI

323 23 23
                                    

You are the air that I used to breathe.

***


"Welcome to Ocean Acres! Dito nagmumula ang preservations ng mga exotic animals from the oceans, as well as the other creatures. Doctors from different fields in this laboratory are obliged to be part of different researches to preserve the fishes and sea animals. Dito rin nagmumula ang mga supplies na nasa market. Now, I want you all to survey the area and learn from the other doctors. Your mentors and I will have our discussion, so please be careful with your actions and do not create some troubles. We'll be back later to pick you."

Umalis si Doctor Habiusy sa harap namin at agad na sumunod sa kanya ang lahat ng mentors. Nakita ko pa ang pagsulyap ni Doctor Elliot sa akin bago sumunod sa iba. Second day na ng tour namin at hindi kami na informed na dito pala kami pupunta ngayon. Hindi tuloy nakapaghanda ang sarili ko.

The boys went directly inside the entrance kung nasaan ang malalaking aquarium ng ibat-ibang isda at sea animals. Agad na sumunod ang ibang girls pero nagpaiwan kami ni Darcy habang nakatingin sa entrance.

"First time kong makakita ng totoong isda na lumalangoy," sabi ko sa hangin.

"Ako din," sagot sa akin ni Darcy na alam kong nakatulala na rin ngayon.

Fish robots lang ang meron kami sa bahay simula noong naipasok ako sa village at nakasama ko sina Herriene at Xylex. Simula noong isilang ako ay never pa akong nakakakita ng isdang lumalangoy sa personal. Iba parin kasi talaga kapag dalawang mata mo na ang nakakakita. Ngayon medyo kinakabahan ako dahil sa unang pagkakataon ay makakakita na ako ng isdang lumalangoy.

"Hindi ba kayo papasok?" tanong ni Black na nasa-entrance na ngayon.

Nagkatinginan kami ni Darcy at tumango sa isat-isa. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob kasama si Black na natatawa sa ginawa namin.

"Grabe! Ang drama niyo!" asar niya sa amin.

Inirapan lang siya namin ni Darcy at nagpatuloy kami sa registration area kung saan eche-check ang identity namin para sa security purposes. Pagkatapos ay dumeretso kami sa malaking metal door papasok sa malaking aquarium.

Pagbukas palang ng pinto ni Black ay agad na sumilay ang repleksyon ng kulay asul na tubig sa malaking glass na nasa magkabilang-dulo. Samot-saring isda agad ang nakita namin kaya lalong lumaki ang mga mata ko.

Napasinghap ako sa hangin nang makita ang isang malaking isda na hindi ko alam kung ano ang tawag. Lumapit ako sa glass at pinagmasdan ang ganda nito.

"Ang laki!" nakangiti kong wika at inilipat pa lalo ang mga mata ko sa glass para makita ng maayos ang isda.

"That's a shark," turo ni Black sa malaking isda.

"Masarap kaya 'yan?" tanong ni Darcy kaya napatingin kami sa kanya.

"Really, Darcy? Iyan talaga ang itatanong mo?" sarcastic na wika sa kanya ni Black kaya tumawa ako.

"Bakit? Don't get me wrong, paborito ko ang mga isda kaya hindi ko talaga maiwasang isipin kung masarap bang kainin ang isang 'yan."

Umiling nalang si Black sa sagot ni Darcy at nagpatuloy sa pagtingin sa mga isda.

Ibat-iba uri ang nakita namin sa loob. Ibat-iba rin ang hugis at kulay nila kaya namamangha akong pagmasdan ang mga ito. I have never imagined these kind of scenarios in my life kaya sobrang sarap sa feeling at hindi ko ma-explain.

"Let's go over there! May maliliit na isda doon!" turo ni Black sa kabilang bahagi ng aquarium.

Pagdating namin doon ay nakita namin si Hellium kasama ang isa nilang kasamahan na trainee. Agad na napangiti si Hellium nang makita ako. Ngumiti rin ako sa kanya at tiningnan ang maliliit na isda sa harap namin.

OXYGENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora