*Priiiitttt!*

"Free spiking na! Go!" Sigaw ni Coach kaya tinabi na namin yung tubig at nagstart na aking mag-set para makapalo sila.

After nun, nagshower na kami at naglakad. Sinabayan naman ako ni Jaycel.

"Ate Deans, magkasama kami sa first class." Bulong niya sakin.

"Eh ano ngayon?" Tanong ko kaya napasimangot siya. "Hahah joke lang. Oh bakit?"

"Anong pwedeng gawin?" She asked. Hmmmm... Hindi ako expert sa mga ganito. HAHAHA!

"Ano lang uhmm... May jowa na ba siya?"

"Wala siyang nababanggit sakin." Sagot niya. Inakbayan ko siya.

"Edi itanong mo kung meron tapos kung wala, ligawan mo. Hahaha!" I chuckled kaya napatingin samin sina Pongs. Same sched lang naman kami sa lahat ng class kaya kasama ko siya.

"Nasisiraan ka na ata ng ulo Deans." Natatawang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Bigla namang lumapit si Yumi samin.

"Pinagpapalit mo na nga ako Jayce." Nakapout na sabi ni Yumi atsaka humawak sa braso ni Jaycel.

"Hahaha hindi ah. Sayong sayo lang yan." Sagot ko naman atsaka tinulak si Jaycel kay Yumi. Muntik pa silang matumba kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Osya, una na kami. Ingatan mo si Yumi!" Sabi ko kay Jaycel sabay kindat. Pumasok na kami sa room ni Pongs at saktong dumating na rin si prof.

Pagkatapos ng ilang taon, joke! Natapos din yung morning class. Pumunta kami sa cafeteria at kumain ng lunch.

"Hindi kayo naghihintay ah." Napalingon kami ni Pongs sa nagsalita at nakita yung whole ng team ng AWVT.

"Full force talaga Ate Bei?" Natatawang tanong ko. Pano ba naman kay magla-lunch lang kamk kailangan whole team talaga?

"Gusto lang daw kasi nilang maglunch kasama ang whole team para naman may kwentuhan na rin dba." Sagot ni Ate Mads at nagsiupuan na sila. Nagstart na rin silang kumain and like what Ate Mads said, nagkwentuhan kami.

Pagkatapos nun, we separated ways na rin kasi may gagawin pa yung iba. Kami naman ni Pongs nagstay na lang sa room at hinintay si prof.

Natapos na yung afternoon class, naglalakad naman kami papunta sa BEG for the afternoon training. Hirap maging student-athlete noh? Pero it's all worth it naman.

"Girls, La Salle ang makakalaban niyo this Wednesday. We really need to train hard dahil alam niyo namang malakas ang rivalry between Ateneo and La Salle. Baka gabihin tayo lagi sa training and I know, na-experience niyo na yun so hindi bago sa inyo. So let's start!" Sabi ni Coach O nang makumpleto kami. Agad naman kaming pumunta sa court and ginawa na naman ang mga pamatay na drills ni Coach O.

"Kaya pa?" Tanong ni Coach habang nasa kalagitnaan ng drillings.

"Yes Coach!" Sagot namin. Kailangan naming kayanin para na rin sa team.

After a year, joke. Natapos din yung training!!! I checked my phone. It's already 7:30 pm. Agad na kaming nagshower then umuwi sa dorm. Lahat kami pabagsak na nahiga sa sala.

"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Ate Mads.

"Oo naman. Sinong hindi magugutom sa nakakamatay na training?" Sarcastic na sagot ni Ate Kim kaya napabuntong-hininga na lang si Ate Maddie.

"Sya sige, magluluto muna kami." Walang ganang pumunta si Ate Mads sa kitchen kasama sina Ate Kat at Jules. Hindi kasi kami marunong magluto. Taga kain lang kami hihihi.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now