Chapter 35

5.4K 113 0
                                    

Jema's POV

Pagkatapos tumawag ni Deanna, agad na akong nag-shower dahil magma-mall kami ni Kring.

"Ah Ate Ly, pupunta lang po akong mall. Kasama ko si Kring." Paalam ko kay Ate Ly nang makababa ako.

"Sige. Mag-iingat ka Jems." Sagot niya. Lumabas na ako ng dorm at sumakay sa kotse ko.

After 30 minutes, nakarating din ako sa Ayala Malls. Syempre nagpark muna ako bago pumasok. Pumunta ako sa isang restaurant dito dahil doon sdaw kami magkikita.

"Jema!" Hinanap ko yung tumawag sakin at ayun! Nakita ko si Kring na palapit sakin. "Kanina ka pa?" Tanong pa niya.

"Hindi naman. Kain na tayo. Gutom na ako. Ang tagal mo kasi." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ang sungit mo pa rin Mare. Tara na nga." Hinatak niya ako papasok. Siya na yung nag-order. Nakakahiya daw kasi sakin. Hihihi.

Pagkabalik ni Kring, ilang oras pa kaming naghintay bago dumaring yung order.

"Kamusta na kayo ni Atenista?" Tanong niya sakin.

"Okay lang." Maikling sagot ko. Tumango naman siya it means na-satisfy siya sa sagot ko.

Ilang oras kaming kumain dito, ang tagal kasi ni Kring! Pagkatapos nun ay napagpasyahan naming magwindow shopping. Pero kung may magustuhan man ako, edi bibilhin ko. Hihihi.

Pumunta kami sa H&M dahil maraming magagandang damit dito. May mga nagustuhan din ako shirt, dress, sleeveless, etc. After nun, pumunta na kami ni Kring sa cashier at binayaran yung mga pinamili namin.

Palabas na kami nang bigla siyang tumigil.

"Ah Jema, may nakalimutan akong bilhin. Hintayin mo na lang ako dito." Sabi niya sabay alis. Aba! Hindi man lang ako hinayaang sumagot.

So ayun, nagstay ako dito sa may entrance ng H&M. Mga 10 minutes pa lang naman ako naghihintay dito ng may nagsalita.

"Jema?" Napalingon ako at may nakitang lalaki.

"Uhm yes. And you are??" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Hindi ko naman siya kilala e.

"Hindi mo na nga ako nakikilala?" Nakangusong tanong niya. Lalaki ba toh? Ang pabebe niya huh.

"Tatanungin ba kita kung kilala nga kita?" Sarcastic kong tanong sa kanya na ikinatawa niya.

"Hahaha oo nga naman. Osige na, Ron Medalla." Bigla akong napaisip kung sino siya. Wait, what!?

"Ikaw na ba yan Ron?!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Siya yung kababata ko dati na nagkacrush sakin HAHAHA. Pero dati yun!

"Oo. Sinungitan mo pa ako kanina ah hahaha. So musta?"

"Okay naman. Ikaw?" Balik ko sa tanong niya.

"I'm gre---"

"Tapos na ako Jems." Putol ni Kring at nagulat siya nang makita niya si Ron."Uhm Jem sino siya?" Tanong sakin ni Kring.

"Si Ron. Kababata ko." Sagot ko sa kanya. "Ron, si Kring bestfriend ko." Pagpapakilala ko kay Kring.

"Nice to meet you." Nakipagkamay si Ron kay Kring. "Mauuna na ako ah. It's nice to see you again Jems. Hang out tayo pag free ka." Dagdag niya.

"Sure. Just text me." Sagot ko at binigay yung number ko sa kanya.

"Thank you. Bye." At naglakad na paalis si Ron.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now