THE MIRACLE OF LOVE

Napaka makahulogan ang nobelang binabasa niya. Binabasa niya ba ito ngayon para sa sarili niya? Mukhang miracle na lang kasi na magkakaroon siya ng love d'yan sa puso niya.

Gustohin ko mang basahin ang unang pahina pero nakatutok ang paningin sa'kin ni Sir Aldrich. Ayaw pa naman n'yang pinapakialaman ang gamit niya.

"Sir Aldrich, sa kotse na lang po ako maghihintay. Sasamahan ko po si kuya Eman," paalam ko dahil wala naman akong gagawin dito. Baka tutunganga lang ako magdamag.

"Stay here,"

"Hihintayin ko na lang po si Madam Retchel at Sir Junnie bago ako umalis," giit ko.

"I said, stay here." he scolded and looked at me.

Napalunok ako nang magtama ang paningin namin, hindi ko kayang tapatan ang titig niya.

"Aldrich, Charmaine, narito na pala kayo. Ang aga niyo naman yata dumating," bungad ni Sir Junnie, hindi ko napansin na nandito na pala sila.

I shyly bowed my head, "Good afternoon po Ma'am Retchel, Sir Junnie." I greeted.

"Good afternoon din sayo iha," sambit ni Madam Retchel.

"Enjoy your lunch po, uupo lang po ako sa vacant table." I said and bowed my head again, "Sir Aldrich, sa kabilang table lang po ako." baling ko sa lalaking nasa harap ko pero hindi niya ako pinansin kaya naman hindi na ako naghintay ng sagot at umalis na pero hinawakan ako sa braso ni Sir Junnie.

"Aldrich, don't be rude to Charmaine. She's a good person, she don't deserve that kind of treatment." galit na sambit ni Sir Junnie pero parang walang narinig si Sir Aldrich.

"Join us Charmaine, hindi mo kailangan lumipat ng ibang table. Let's eat lunch together," sabat ni Madam Retchel.

"Pero nakakahiya naman po, kakakain ko lang din naman po ng lunch. Ayos na po sa'kin kung dito na lang ako sa kabilang table,"

"You're a great liar! I'm with you all the time and you didn't eat lunch yet." nagulat ako ng konti nang magsalita si Sir Aldrich.

"Huwag ka ng mahiya Charmaine, si Aldrich na mismo nagsabi na hindi ka pa kumakain. Ayaw kong magkasakit ka kaya sumama ka na sa amin. Mukhang gusto rin naman ni Aldrich na sumabay ka sa amin mag lunch," pamimilit ni Madam Retchel kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumabay na sa kanila.

Bakit niya naman inamin na hindi pa ako kumakain? Gusto niya ba talagang kasama ako mag lunch? Wow ha, matapos niya akong pagsungitan may pa care care pa siya.

"What's our meeting all about?" panimula ni Aldrich.

"About you, itutuloy mo pa ba ang pagiging Architect mo? Or mag aaral ka ng Law?" seryosong tanong ni Sir Junnie.

"I don't know," walang gana n'yang sagot.

"Aldrich, huwag kang sumagot ng gan'yan." sita ni Madam Retchel.

"This is not a game Aldrich, pinag aral ka namin sa America para magtino ka at makapag focus ka pero bakit parang binabalewala mo lang?" naging mataas na ang boses ni Sir Junnie.

"I don't want to study there but you push me, it's not my fault anymore. You made me to be like this Dad, you distance me to my truly home."

"Ginawa namin 'yon para sayo, why can't you understand?" hindi ko malunok ang pagkain sa bibig ko dahil sa tension dito sa paligid ko.

"I can understand but you didn't understand me. I told you before that I will live my life here in the Philippines but you push me to go in states. My life there became miserable, so tell me Dad, how do I understand you when you never understand me?" hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Sir Aldrich. Mukhang may hindi naging magandang nangyari sa kan'ya.

"I thought that it's already fine to you, sa loob ng labing limang taon ay hindi ka ba talaga naging masaya sa America?" bakas ang lungkot sa boses ni Sir Junnie.

"All my life, I never been happy." biglang kumirot ang puso ko sa huling sinabi ni Sir Aldrich.

"Aldrich, comeback here," tawag sa kan'ya ni Madam Retchel nang bigla siyang umalis.

Hindi ko alam ang gagawin ko, marami pang pagkain sa pinggan ko pero umalis na si Sir Aldrich at kailangan ko siyang sundan.

Malungkot akong tumingin kina Madam Retchel at Sir Junnie, "Excuse me po," usal ko at umalis na rin sa loob. Nagmamadali akong habolin si Sir Aldrich dahil ang bilis niyang maglakad.

"Wait lang po Sir Aldrich," malakas na sigaw ko, akala ko hindi siya titigil pero huminto ito at humarap sa'kin.

Hinahabol ko ang hininga ko nang makalapit na ako sa kaniya, kunot noo siyang tumingin sa'kin.

"Sir, relax lang po kayo okay? Kung nagagalit po kayo dahil inilayo kayo ng magulang mo dito sa Pilipinas ay kalimotan niyo na po iyon. Nandito na po kayo sa Pilipinas kaya dapat ay maging masaya na kayo. Huwag na po kayong magalit sa magulang ninyo, para rin naman po sa iyo ang ginawa nila." I try my best to comfort him and to gave him advice but he just raise his brows.

"You don't know what you're talking, this is not your life so don't act like you know what I feel. You can't easily say to me that I will forget everything when that everything ruined my life." he yelled and leave me.

Hindi kaya ng mga paa kong sundan siya, masyado akong naging mababa sa sinabi niya.

Sumakay na lang ako ng taxi papunta sa bahay nila. Kahit medyo malaki ang ibabayad ko sa driver ay hindi ko na 'yon dinamnam at inisip dahil wala na akong choice. Ayaw kong makasama muna si Sir Aldrich sa iisang kotse, wala na rin naman kaming ibang pupuntahan ngayon kundi sa bahay na nila.

Bumaba na agad ako sa taxi nang makarating na kami sa mansion, nagtataka pang nakatingin si Manong Guard sa'kin.

"Si Sir Aldrich po, nandito na?" tanong ko at umiling siya sa'kin.

"Hindi pa dumarating si Sir pero teka, hindi ba't dapat ay kasama mo siya?"

"Opo pero nagkahiwalay po kami kaya sumakay na lang ako ng Taxi, akala ko po ay nandito na siya," sagot ko, pinipisil ko ang aking mga kamay habang nakatingin sa high way. Umaasang makikita ko ang kotse na ginamit ni kuya Eman.

Gustohin ko mang tawagan si kuya Eman pero baka nasa gitna siya ng pagmamaneho, ayaw kong may mangyaring masama sa kanila.

Hindi muna ako pumasok sa loob at pinili kong mag hintay dito sa labas.

Ilang minuto na akong pabalik balik ng lakad nang biglang nag vibrate ang cellphone sa bulsa ko.

Kuya Eman calling...

"Hello po kuya Eman? Nasaan na po kayo?" taranta kong tanong habang kinakagat ang ibabang labi ko.

[Ikaw? Nasaan ka? Kanina ka pa namin hinihintay ni Sir Aldrich. Galit na galit na siya rito sa kotse, bakit mo raw siya pinag hintay at bakit ang tagal mo?]

Napapikit ako sabay hawak sa aking noo. Oh my, patay ako nito mamaya.

"Kuya Eman, hatid mo na si Sir sa Mansion, nandito na po ako sa labas ng bahay. Sumakay po ako ng Taxi,"

[Nako, nand'yan ka na pala, sana sinabi mo o kahit text man lang. Sige sige, kay Sir ka na lang magpapaliwag, ibababa ko na 'to.]

Natatakot ako sa kung anong isumbat sa akin ni Sir Aldrich. Bakit ba kasi hindi ko inisip na baka hihintayin nila ako? Pero kasi, nadala ako sa emosyon ko kanina. Akala ko ba ayaw n'yang pinaghihintay siya? Bakit hindi na lang sila umuwi agad? Tapos ngayon, magiging kasalanan ko pa.

"Who are you for making me stupid? Who are you for keep me waiting? I'm your boss, you should be the one who'll wait for me. Why didn't you tell kuya Eman that you're already here so just we won't wait for you? Damn!" he yelled and stomped his foot on the floor like he always do when he's mad.

"I'm really sorry Sir Aldrich, alam kong kasalanan ko at pangako hindi ko na po uulitin." I murmured.

"I'm tired hearing your sorry, you always do stupid things in my eyes. Please be better!" he uttered and I just nodded.

My tears instantly poured out in my eyes and I immediately wipe it.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now