Chapter 4

122 18 0
                                    

So nitamad na naman ako kaya ngayon palang ulit ang update. Ewan ko kung kailan ang next pero hintay hintay mga JDnians dahil tamad ang author ninyo. HAHAHA.

Love y'all, stay safe!❣️🌺
********

Geraldine's POV

"Ho?"

"Tang1na bro, nakamove on ka na ba kay Trinity? Bilis mo ah." giit ni Hot Vinxiuo at lumapit kay Hunter. "Miss ang swerte mo oh, gusto ka ng pinsan ko."

Bago pa man ako makareact ay nagsalita na si Hunter. "What I mean is I don't want to stress her. She was hit by my car and I don't want to add another shit. You know Vinx, magsama kayo ni Shawn. Nahahawa ka na sa kaniya."

Patago akong nakahinga ng maluwag. Ang awkward shet. Bakit ba kasi ganun yung pagkakasabi niya?

"Ayokong nahihirapan ka."

Pafall ka kuya? Ugh.

"Hunt, Sylvester texted me. He's going home now. You know what to do." giit ni Cold Vincent. Tumango naman si Hunter at humarap muli sa'kin.

"If you need something, just ask my secretary. He can do anything for you." ngumiti siya sa'kin. "You can go back now."

Ngumiti ako at tumango. Bago ako tumungo palabas ay tiningnan ko muna si Calixter. Halos mamatay ako sa kilig nang makita kong nakatingin din siya sa'kin. Shheeeettt! Heaven!!

Parang lumundag ang puso ko nang ngitian niya pa ako. Oh my gosh, I'm energized! Nasan ang mga paperworks? Ako ang gagawa!!!



8 pm nang makauwi ako sa bahay ni auntie. Kumain pa kasi kami ng cake ni Zoya bago umuwi. Napatagal pa nga kami ng konti dahil sa sobrang dami niyang kwento. Hindi siya nauubusan ng topic.

Naabutan ko sa sala sina auntie, Angela, at Lovelie na nanonood na naman ng variety show. Na'ko, lagi namang nanonood ng ganyan si auntie pero bakit hindi niya ma-apply sa sarili niya ang pagiging masiyahin?

"Kumain ka na ron sa kusina Aldine para maghugas na ng plato 'tong makuto na'to." giit ni auntie at binatukan pa ang anak niyang si Angela.

"Aray naman!"

Pinanlakihan siya ng mata ni auntie. "Ano? Sumasagot ka na?!"

Palihim naman na umirap si Angela at sigurado ako na ako lang ang nakakita non. Hindi ko siya sisisihin, ginagawa ko rin naman iyon.

Dumeretso naman ako sa kusina at kumain na nga. Pagkatapos niyon ay umakyat na ako sa kwarto para magbihis.

Naabutan ko si ate Alyana sa kwarto na naglalaptop.

"Oh nandito ka na pala. Kumusta? Okay ka na?" tanong niya at sinara ang laptop na hawak niya. Itinabi niya iyon sa lamesitang nasa tabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Nakita ko si Calixter ngayong araw!" kinikilig kong giit. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Hindi nga?! Si Calixter Alvareoz?!" halos sumigaw na siya. Tumango akong muli at tumabi sa kaniya.

"Sobrang gwapo niya lalo na kapag malapitan! Nginitian niya pa ako kanina! Waaahhh!"

Sa halos 5 years kong pagkakacrush kay Calixter, hindi na ito ang unang kita ko sakaniya. Nakapunta na nga ako sa mga concert niya na nakaVIP seat pa ako. Lagi rin akong pumupunta sa mga fanmeetings niya at wala ni isa akong hindi napuntahan. Kahit sa Visayas at Mindanao pa 'yan pupunta ako. I can really say na ako ang number one fan niya. I'm always excited about him. Alam kong may part na mali ako dahil natuwa ako na nagbreak sila ng dati niyang jowa pero, sorry not sorry. Calixter is mine.

DuplicateWhere stories live. Discover now